Naglalakad na kaming pauwi sa bahay. Madilim na Ang kapaligiran,Ang tanging ilaw na lang namin ay flashlight galing sa cellphone ni Charles. Mauna akong naglalakad bago Siya, tahimik Ang buong kapaligiran, walang gustong magsalita sa Aminas Lalo na ako.
Paano ko na tatanungin? Bakit mo ginawa yun? Nakayuko lang ako habang naglalakad. Nahihiya akong itaas muli ito
" Wala ka bang sasabihin?" Pagpapawi Ng katamikan niyang Tanong. Tumigil ako sa paglalakad.
" Ano bang dapat kung sabihin" pabalik Kong Tanong.
"Wala ka bang naramdaman?" Tumigil Siya sa paglalakad. Pansin kung malapit na Siya sa akin kaya naglakad ulit ako.
" Hindi ka ba nasarapan?" Tanong pa niya. Tumluyan na akong tumigil at napatingin sa langit.
" Anong sasabihin ko? Na nasarapan ako sa malambot mong labi habang NASA harapan Ng madaming tao" sarkastiko kung tao. Napahaklakhak ako Ng kaunti.
" Ayaw mo ba sa akin" Tanong pa niya. Nakatingin Siya Ng seryoso at humihingi Ng sagot Ang kanyang mga Mata.
" Gusto kita....oo gusto din kita, ngunit kung tinuloy ba natin to magiging Maganda ba Ang kakalabasan" sagot ko Ng puno Ng pag aalala sa aking mga Mata.
Pag aalala kung ano Ang magiging kasalukkuyan namin pag sinagot ko Siya.Nilapitan niya ako at niyakap.
" Wag Kang mag alala sa kasalukuyan nandito ako ohh" sagot niya. Ngumiti ito Ng Malaki at hinalikan Ang aking noo.
Napalunok ako at tumango. Tumingin Siya sa akin Ng may ngiti.
" Yaan na ba Ang sagot mo"
Tumango ako ulit.
Wala Naman sigurong masama Ang magmahal ulit.
Nakalipas Ang Isang linggo Ng pagbabakasyon. Pauwi na ulit kami sa mansion niya. Sa buong linggo nato mas lumambing Ang pakikitungo ni mayor sa akin at Ganon na din sa anak ko.
Hindi pa din Naman mawawala Ang memoryang nakatatak Ng asawa ko tulad niya ay malambing din si mayor kapag nagmahal.
Bumaba na kami sa harapan Ng mansion, ibinaba ko na din Ang mga gamit ko sa guestroom at Ganon din Kay calix.
Naglalaro si calix Kay bimbi na aso ni Charles. Masamang naglalaro Sila sa labas.
Napansin kung bumukas Ang gate kaya napatigin ako sa bintana. Nakatingin si calix sa paparating na sasakyan at tumakbo papunta sa akin, yumakap ito Ng mahigpit habang si bimbi Naman ay tumatahol.
Bumaba sa sasakyan Ang Isang babae na may katandaan na sa tingin ko ay NASA 50's to 60's na. At sakabila Naman ay bumaba si Samantha. Pumunta ako sa pinto upang batiin Ang dumating ngunit tinignan lang ako Ng babae sa ulo Hanggang paa. Pansin kung tumango sa likuran ko si calix at mahigpit na nakahawag sa aking pantalon.
Binigay sa akin Ang bag tyaka pumasok sa sala. Tumingin Naman sa akin si Samantha na nag aalangan Ang kanyang mga Mata. Maganda Siya ngunit sa Araw na to mas gumanda ito.
" Pwede mo bang tawagin si Charles" sabi niya ngunit pataray na tumingin sa akin.
"Ahh opo" natatakot ako sa expression Ng mukha niya.
" Wag na, nandito na ako" sabi ni Charles na NASA likuran ko na Pala.
Tumingin ako Kay Samantha at Ganon din siya sa akin.
Anong mangyayari, paramg iba Ang mood ngayon.
Pumunta ako sa sala upang ikuha Sila Ng juice.
" Kamusta ka na Dito? Hindi ka na Kasi umuuwi kaya bumisita ako. Siya na ba Ang bago mong maid" TULOY TULOY na Tanong pero bago sagutin ni Charles bumeso Muna ito sa babae.
" Opo mama Siya na nga"
" Sana tumawag na lang kayo" sagot ni Charles.
Inabot ko Ang juice nila, tig iisa Kong binigay.
Tinigman ko si Charles, at pangusong pinapapunta ako sa Isang silid.
Sinunod ko Naman Ang kanyang utos kaya pumunta ako sa guestroom sinama ko si calix habang hawak hawak niya si bimbi.
************
POV NI SEBASTIAN
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
" Ma,nahihibang na ba kayo?" Sarkastikong Tanong ko.
Nakatingin lang Siya sa akin,napatayo ako sa kinatatayuan ko sa sinabi Ng aking Ina.
" At bakit may masama bang magpakasal ka sa kaibigan mo? Kay Samantha"
Hindi ako papayag sa gusto niya.
" Ma---"
" Kasunduan namin toh Ng magulang ni Samantha, sa ayaw at gusto mo, magpapakasal ka" tumayo ito at lumabas sa pinto sumakay Siya sa sasakyan at umandar.
Nanginginig ako kahit malayo na Ang Siya ay nakatingin pa din ako Hanggang sa nawala Ang sasakyan na sinakyan niya. Tumingin ako Kay Samantha at nagbuntong hininga kaming dalawa.
"Anong gagawin natin Ngayon" Tanong ko Kay Samantha at padabog akong umupo.
" Gagawin ko Ang gusto ni tita pati na Ng magulang ko" sagot niya.
Tumingin ako sa kanya Ng mariin.
" Pero Hindi mo ko gusto" panggagalaiti Kong sabi.
" Gusto kita Charles" napatayo ito.
" Nung highschool pa tayo, ginawa ko Ang lahat Nung NASA US pa lang ako para magustuhan mo din ako pagbalik ko sa pilipinas pero may iba Kang gusto" pagpapaliwanag niya.
Napatulala na lang ako sa sinabi niya at gulong gulo.
"Iba Ang gusto ko at Hindi Ikaw" sa I ko sa kanya na may riin para maintindihan niya.
" Edi gagawin ko Ang lahat para magustuhan mo din ako" sambit nito.
Umalis ito sa harap ko,lumabas Siya Ng pintuan. Tinignan ko Siya Ng maigi Hanggang sa makalabas Siya Ng gate namin.
Umupo ako Ng may lagabog sa sofa napakamot ako sa aking ulo at humiga.Bumuntong hininga na din ako Ng malalim.
Nanggagalaiti ako sa inis, Hindi ko alam Ang ipapaliwanag ko Kay Camil kung bakit pumunta Dito Ang mama ko. Marinig Kong bumukas Ang pinto sa Isang silid. Tumingin ako sa kinaroroonan Ng tunog at Nakita ko si Camil na walang expressiong nakatingin sa akin habang si calix naman ay papunta sa aking tumatakbo Ng mabilis na hawak hawak si bimbi.
Ngumiti ako Ng di nakikita Ang pag aalangan ko at niyakap si calix sa aking bisig.
Paano ko ipapaliwanag Ang nangyari kanina? Paano ko ipapaintindi sa kanya Ang arrange marriage na ginawa Ng magulang ko.