POV NI SAMANTHA
Hawak hawak ko Ang baso na naglalaman Ng beer. Nahihilo na ako sa kinauupuan ko bukas din Ang tv na kanina ko pa pinapanood Ang picture lang Naman ni Charles. Nakaupo ako sa aking sofa sa bahay mag Isa.
Hindi ako makapaniwala na mas pipiliin pa niya mag babaeng yun kesa sa akin. Akala ko ay nagugustuhan niya rin ako kahit na tulad nila ako manamit dati ngunit binago ko Ang pananamit ko Ng napagtanto ko na karamihan sa mga lalaki ay nagkakagusto sa mga sexy ngunit bakit sa babaeng may anak na siya papatol. Ano pa ba Ang di ko nagagawa? Magpabuntis? Ayun ba Ang gusto niya?
Akala ko dati na ako Ang hinihintay niya? Ano kayang nakakain Ng babae na yun para mapaakit niya si Charles. Nilagok ko Ang Isang boteng Ng mojito. Pansin ko sa Isang gilid na nakakalimang bote na Pala ako ngunit di ko pa din maintindihan Ang sitwasyon.
Inaalala ko Ang nangyari kanin kong paano ako pagtabuyan Ng Isang matipunomg lalaki sa akin kahit maysakit Siya at sabihin Ng diretsyhan na Hindi niya ako gusto. Kumirot Ang dibdib ko Ng sobra. Hindi ako makameon sa nangyari kanina at Hanggang Ngayon NASA isip ko pa rin Siya.
Ang nangyari kanina:
Nilagyan ko Ng cold compress Ang noo ni mayor Nung hinawakan ko Ang kanyang pisngi na sobrang init at Ganon na din Ang kanyang leeg.
Nawala ako sa ulirat Ng Nakita ko Ang kanyang malambot na labi. Dahan dahan Kong tinutungo Ang aking mukha sa mga labi nito Ng biglang tinawag Ang pangalan Ng babae. Hindi Ang pangalan ko kundi si Camil.Tapatayo ako Bigla SSA aking inis.
Sa dinami Dami Ng babaeng mamahalin bakit Hindi pa ako.
" Ano bang pinakain Ng babae na yun sayo?" Sigaw ko habang nakahiga si charles sa kama.
" Camil...Camil...Camil..." Na para ba itong binabangungot
Paulit ulit nitong tinatawag Ang pangalan ni Camil kahit NASA harapan niya na ako. Padabog akong umalis at hinarap naman si Camil ngunit Hindi niya ako binigyan Ng gusto kung marinig. Sa inis at panggagalaiti ko,umalis ako sa mansion at umuwi sa apartment n tinutuluyan at uminom Hanggang mapunta ako sa heaven.
" Charles ako Naman Ang mahalin mo, pipiliin mo Naman ako" pabulong Kong sabi sa Sarili habang nakayuko na sa lamesa.
Umalis na din si Camil sa mansion.
Malapit na Ang kasal,Masaya akong magcecelebrate dahil matutuloy na Ang arrange marriage na pinadesisyonan Ng bawat pamilya. Masaya ako sa pansariling interest ko lang ngunit pagtinitignan ko si Charles ay pilit lang itong ngumingiti.
" Charles pinagluto kita Ng pagkain" sabi ko habang naglalagay Ng mga Plato sa lamesa.
"Kumain na tayo"dugtong ko.
Tinignan lang ito pansin Kong nahihirapan Siya sa paglagay Ng necktie niya pababa. Tutulungan ko na sana ito Ng Bigla itong lumayo sa akin.
Wala akong nagawa kundi tumahimik. Kumuha lang Siya Ng tubig sa ref. Hindi niya pinansin Ang niluto Kong pagkain. At tutungo na pintuan paalis.
" Wait lang" sambit ko. Tumigil Naman ito at tumingin sa akin.
" Hindi ka ba Muna kakain? Tanong ko ulit sa kanya.
Ngumiti ito Ng kaunti at umiling.
" Kailan mo pagsisiksikan Ang Sarili mo sa akin? Hindi kita gusto Samantha" sabi niya.
"Hanggang kailan mo ba gusto?" Binalik ko Ang Tanong sa kanya.
"At kailan mo ba ako magugustuhan" dugtong ko pa.
Umiling ito at papalapit sa akin.
" Hindi kita magugustuhan samantha''padiin nitong sambit ngunit mahinahon.
" At kahit kailan ay di kita magugustuhan, hahanapin ko si Camil kahit saang sulok pa Yan Ng pilipinas gagawin ko"
"Ikakasal tayo? Yaan Ang gusto niyo di ba. Ibibigay ko pero di mo matatanggap Ang I do ko para sayo" madiin pa nitong sambit.
"Mapapahiya ka lang kung gagawin mo Yan" pangiinis ko sa kanya.
" Mapahiya man ako sa madaming tao dahil mayor nga ako, okay lang kesa magpakasal ako sa di ko gusto" pagdidiin pa niya.
Napako ako sa kinatatayuan ko Hanggang sa makaalis na Siya. Nadama ko Ang pagtulo Ng luha sa aking mga mata. Masakit, sobrang sakit Ng tinuran niya sa akin.
Para akong sinaksak Ng patalim aking dib dib. Isang libong patalim. Naliwanagan ako sa sinabi niya kahit ilang beses ko pa SiyaNg angkinin kung walang pagmamahal Ang Isang tao ay bitawan Muna. Napakatanga ko sa pag ibig,gumawa ko na Ang lahat pero Wala pa din akong napala. Kahit kaunting chance man lang ay di pa ako pinagbighan ni tadhana.
Araw na Ng kasal may lungkot pa rin sa dibdib ko ang mga salitang yun. Masayang Lumapit Ang magiging mother in law ko sa akin Kasama Ang congressman na ama ni Charles.
" Ang Ganda Ng dress mo bagay na bagay sayo,Samantha" sambit Ng mama ni Charles habang tinitignan Ang buo Kong dress at nagbeso sa akin.
" Salamat po" magandang ngiti Ang hinatid ko sa kanya.
Naguguluhan pa din ako kung itutuloy ko Ang kasal na ito, puno Ng pagaalangan sa isip kung karapat dapat ko ba SiyaNg angkinin kahit Hindi sa akin Ang puso niya. Baka mahalin pa din niya ako pagkasal na kami.
Napaupo ako sa upuan ngunit guhit pa din sa mukha ko Ang lungkot kahit na ngumingiti ako Ng kaunti.
Ilang Oras na akong nakaupo pero di pa din ako tinatawag sa loob. Tinignan ko Ang Orasan sa taas,late na ito sa time na dapat ay papasok na ako. Lumabas ako sa labas at pansin kung nagkakagulo Ang mga visita, nagbubulungan na Wala pa din Ang groom ko. Hindi na ako nagtaka sa gagawin ni Charles. Alam kung Hindi matutuloy Ang kasal na ito. Lumabas ako sa simbahan na suot suot pa din Ang magandang dress. Patakbo akong pumara Ng taxi papunta sa gusto Kong puntahan.