chapter 3

1113 Words
- 5 months ago- Nagmamadaling tumakbo papunta sa bahay Ng mama ni Camil si Camil habang bitbit niya si Calix. Bitbit niya din dalawang Ang maliit at malaking bag na backpack sa kanyang likod. Nakapantalon ito. Maayos Ang pagkakatali Ng buhok at may pahid Ng lipstick Ang kanyang labi. Kulay Rosas. Kumatok ito sa pinto. I lang Segundo lamang ay binuksan din ito Ng mama niya. " Ma, sayo Muna si calix ulit, late na ako."habang hingal na hingal Kong sambit. " Nandiyan lahat Ng kailangan niya damit, biscuit, gatas pampaligo at may walet dian nagkakahalagang 200 bilhan mo na lang Ng gusto niya" tumingin ako Kay mama saglit. " Wag mong bilhan Ng candy ahhh" Binigay ko na Ang malaking bag Kay mama. At nagmamadaling umalis. Huminto ako saglit at bumalik sa kinaroroonan ni mama at ni baby.Hinalikan ko Ang noo at pisngi ni Calix bago ako umalis Ng tuluyan. "Love you anak" Pumara ako Ng tricycle sa tapat. Papunta ako sa eskwelahan kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ako Isang teacher o estudyante kundi Isa akong tauhan sa canteen kung saan mabibili Ang mga pagkain. Minimum rate: 520 per day lang. Hindi maiwasan na maraming nag aakala na akong nag aaral pa lang. Karamihan sa nag aaral Dito ay kasing edad ko lang, 21 years old. Nakakainggit, Buti pa Sila nakapag aral Ng payapa Hindi katulad kung nabuntis at nagstop sa pag aaral. Sa katunayan kagustuhan ko Naman talagang mag stop dahil sa Hindi na kaya akong pag aralin nila mama. Pinagsikapan Kong magraket sa eskwelahan dati. Ngunit sa kasamang palad tuluyan na akong nahinto dahil nabuntis ako Ng dati Kong boyfriend. Si Marvin Falco. Kinuha na Siya sa Amin Ng Diyos ngunit alam Kong binabantayan niya ako palagi pati na Ang anak ko. Nag aayos ako Ng paninda habang nakatingin sa babaeng nag aaral sa gilid Ng gusali Dito sa canteen habang kumakain Ng kamoteque. Namiss Kong mag aral. Mag tawanan Ang mga magkakaibigan at Lambingan Ng boyfie sa gidli. */ Nakakalungkot dahil nararanasan ko Ngayon Ang di makapag aral. Na noon ay pangarap Kong makapagtapos. Kumikirot Ang dibdib ko, nagsisisi. Nadarama ko na Ang patulo kung luha sa gilid Ng aking mga Mata Ng Bigla may bumili sa akin. Hinawi ko ito na parang Wala lang. At ngumiti ulit upang pagsilbihan Ang bumibili. Isa akong mestisang babae, pang model Ang height (5'4), may laman Ng kaunti at mahabang maitim na medyo curly na buhok. Maraming nagkakagusto sa akin, may matanda, may mas bata at Meron din Naman kasing edad ko lang. Laging nagbibigay Ng flowers at chocolate. Kadalasan movie date at kain Ng fast food. Romantic. Subalit Nung sinagot ko si Marvin naglaho Ang lahat Ng suitor ko. Hindi ako nagsisi sagutin Siya hanggad din Ng karamihan Ang ugali niyang mapagmahal at malambing kahit para SiyaNg istatwang nilalakad lakaran lang Ang average look niya. As beauty gentlemen in the inside eka nga. " Miss nag aaral ka ba Dito?" *Napatingin ako sa bumibili "Ahmmm....Hindi"sagot ko " Bago ka lang ba?" */ Napakamot ako sa ulo "Ahhh oo....5 month pa lang ako nagtatrabaho Dito" " Ah kaya Pala" " Akala ko estudyante ka rito, at part-time mo lang sa canteen, Hindi Pala" Madami Ng nagtatanong na random student s akin Yan. Nabubulol pa din ako kapag sumagot. "Ako Pala si Chris aka criza" "Bakla ka?"napagtanto ko. May turo pa sa kanya dahil sa gulat. " Hindi ko masasabi na bakla ako dahil sa totoo lang bisexual talaga ako. Nagkakagusto ako sa lalaki at Ganon na din sa babae" pagpapaliwanag. " Chris na lang tawag mo sa akin" dugtong niya. */ Hindi ako makasagot. " Pag may kailangan ka ito number ko" Pinunit niya Ang gilid Ng notebook nito at sinulat Ang mga Numero tyaka binigay sa akin. Pagtatakang ngiti Ang binigay ko tyaka siya umalis. Malambot nga Ang katawan niya, infairness Ang Ganda Ng bilog Ng pwet. "Ay ano ba tong nasa isip ko" napailing ako. **************** Pumara ako Ng jeep pauwi. Malaki Ang singilan Ng tricycle kapag special o kahit mag Isa ka lang. Magpapahinnto lang din Naman ako sa bahay eh. Magdidilim na sa bandang alas 5 Ng hapon. Kinuha ko Ang wallet ko sa loob Ng bag. Binilang Ang Pera, Buti na nga lang ay NASA 50 pa Ang mga barya sa wallet ko. Di na kakayanin Ng Hanggang sahuran Ang Pera. Kailangan ko nanaman na humiram Ng Pera. Ngunit di ko alam kung kanino. Napabugtong hininga. " Para Po" nagpahinto ako sa tapat Ng bahay nila mama. Nakarent lang Sila. Sa pang apat na kwarto Kayla mama na sa baba Ng apartment. " Ma, pa bukas" I lang Segundo lang ay bukas na. " Buti naman ay narito kana. Tulog na Ang anak mo sa kwarto. Napainom ko na Siya Ng gatas pati na nalinisan Ng katawan" "Salamat ma" "Anak, Kumain ka Muna Dito" nagsasandok si mama Ng ulam pati na kanin. Naparoon ako sa kusina at niyakap ko si mama sa kanyang bewang Ng mahigpit. Hindi gumalaw Ang nanay ko.Itinaas niya Ang kanyang ulo. Sa wari Koy naiiyak ito. "Ma, sorry. Kung di man ako makapagtapos Ng pag aaral dahil Akala ko ay kakayanin ko ngunit nabuntis Naman ako Kay calix" " Wag mong sisihin Ang bata!" Pag taas Ng boses. Yumuko ako at umupo sa inasikaso niyang pagkain. Umupo Siya sa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako. "Anak, wag ka munang pumasok bukas" " Samahan mo ko bukas Kay Sebastian na makakuha Ng Pera para may pang dagdag tayong pagkain. Alam Kong Wala ka na din." " Sebastian!?" Pagtataka ko " Ahh yun Yung magiging mayor ngayong halalan. Malaki Ang Ibibigay niya sa pangongompanya niya bukas. NASA Isang libo daw" " Yun ba Yung anak ni congressman, ma?" Tanong ko "Oo, Yun nga" " Sige ma, magpapaalam ako sa amo ko na di ako makakapasok bukas. Uuwi na din kami ni baby calix pagkatapos ko Kumain ma. Tyaka nga pala Yung bayad ko saying 2600 sa sahod ko na lang bigay." Hindi free yun. May bayad talaga kahit Lola Siya Ng anak ko may bayad pa rin dahil retired na Siya sa trabaho niya. At Ang pangunahing pamumuhay niya ay mag bantay Ng apo ngunit rumaraket pa din Siya Ng mag tinda Ng turon, at bananaque para sa pang Araw Araw. Nakakagay lang Ang mga tinda niya sa tapat Ng bahay. Kahit papaano may bumibili Naman at nakakapagalaga pa din Siya Ng bata. " Walang problema anak." Sa asawa ko Ang bahay na tinitirhan namin. Maliit lang at kahoy ito ngunit kasya Naman kami sa loob. Nung namatay ito ay sa akin na nakapangalan. Tubig at kuryente lang Ang binabayaran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD