Love triangle nila nila Marco at Jenny kasama ng boyfriend niyang si Ryan.

1257 Words
Chapter: 33 Dumating na sila ng Boracay beach, at bawat dalawang tao ay Isa lang ang Room. At sila Marco, Vick, at Varga ang magkasama sa iisang kuwarto. At Sila Jenny at Ryan naman ang magkasama sa isang kwarto. Masakit kay Marco ang makita na magkasama sina Jenny at Ryan. Pero wala siyang magawa dahil magkasintahan sina Jenny at Marco. Wala siyang karapatan para pigilan si Jenny. Dahil kung hindi lang sila ni Ryan, hindi niya papayagan na magkatabi sina Jenny at Ryan. Nag order ng beer si Marco kasi gusto niya uminom sa tabi ng dagat. Agad naman pumayag ang mga kaibigan ni Marco, dahil alam nila ang nararamdaman ni Marco. Pero si Jenny ay Hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ni Marco kanina. Pero hindi niya alam na sobrang nasasaktan si Marco pero hindi lang niya pinapahalagahan kina Jenny at Ryan. Niyaya ni Ryan si Jenny lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin Dahil pag hap on ay masarap ang ihip ng hangin sa tabi ng dagat. Pero hindi pumayag si Jenny dahil masakit daw ang kanyang ulo. Dahil pagod sa byahe at gusto na niyang mag pahinga. Lumabas si Ryan upang puntahan, ang mga kaibigan nila. Hindi mapakali si Jenny sa loob ng kwarto Kaya lumabas siya. Nakita niyang nag inuman ang kanyang mga kasama. Gustong uminom ni Jenny upang makalimot kahit saglit pero hindi siya pinayagan ni Ryan. At nakita nila na kasama ni Marco ang kanyang mga kaibigan. Tinawag ni Vic si Jenny at mapalapit sa kanila, Pumunta naman si Jenny at naupo sa tabi ni Ryan. " Uminom ka Jen! " Ang Sabi ni Marco Kay Jenny. umayaw si Jenny at hindi siya uminom. At hindi rin pumayag si Ryan na uminom si Jenny. Kaya ng binigyan ni Marco si Jenny ng one shot glass na inuming alak, ay kinuha ni Ryan at siya ang uminom. Parang naisip ni Marco na nainsolto talaga siya sa ginawa ni Ryan. Pero binaliwala lang niya dahil ayaw niya ng g**o. May isang grupo sa kabilang cottage at maraming mga babae at lalaki Doon. Kaya pumunta si Marco at lumapit dahil may kantahan doon. At may videokehan kaya pumunta si Marco unang kumanta. Sumama naman ang mga kaibigan ni Marco. At naiwan sina Jenny at Ryan. Umiiwas lang si Marco dahil ayaw niyang Makita ang dalawa na magkatabi. Pero hindi alam ni Jenny ang lahat ng mga iniisip at ginagawa ni Marco. Supportive naman ang mga kaibigan ni Marco sa kanya dahil kahit saan siya hindi siya iniiwan ng mga ito. May isang babae at doon tumabi si Marco, Nagkantutan ang mga kaibigan niya at parang iniisip nila na bagay ang dalawa. Ang dalaga na babae na tinabihan ni Marco ay si Layla 19 yrs old. Mabait at magandang dalaga, Kung titignan mas matangkad siya kay Jenny. Pero mas lamang pa rin ang kagandahan ni Jenny. Maputi lang si Layla at morena naman si Jenny. Nag usap sila Marco At Layla nagtatawanan habang nag uusap. Natanaw ni Jenny na ang saya ni Marco sa kabilang cottage. Gustong lumapit ni Jenny at mag iskandalo pero naisip niya na mapapahiya siya. At sumagi sa isip niya na wala naman siyang karapatan kay Marco. Naisip ni Jenny na mas mabuti pa noong bakla pa si Marco dahil hindi naramdaman ni Jenny ang ganitong selos. Bumalik ng room si Jenny at sumama si Ryan sa kanya. Tinignan ni Marco ang dalawa habang papunta ng hotel kung saan sila naka check in. Hindi sukat akalain ni ni Marco kung ano ang kanyang iisipin kina Jenny at Ryan. Dahil babae at lalaki magkasama sa isang room. Parang ayaw isipin ni Marco dahil lalo lang siyang masasaktan. Kaya parang nawala sa isip si Marco at iba na ang sagot niya sa mga tinatanong sa kanya ni Layla Perez. Nakarating na ng room sina Jenny at Ryan, Pumunta ng rest room si Ryan upang magpalit ng damit. Kinakabahan si Jenny dahil ayaw niyang gawin ni Ryan ang ginawa sa kanya ni Marco. Dahil hindi siya pinilit ni Marco kusa siyang pumayag. Pero si Ryan iniisip pa lang niya ay kinikilabutan na. Lumabas na ng banyo si Ryan at tumabi kay Jenny. Umalis si Jenny sa tabi niya at pumunta Ng sofa. Naisip ni Ryan na para bang natatakot si Jenny sa mga galaw palang niya. Natatawa si Ryan sa reaction ni Jenny. " Bhe! anong nangyayari sayo?" Ang sabi ni Ryan kay Jenny. Tumawa na lang silang dalawa at kinuha ni Ryan ang isang unan at isang kumot. At pinaalis si Jenny sa sofa at siya ang hihiga doon. Naging kampante naman si Jenny dahil alam niyang may respeto si Ryan sa kanya. Habang nakahiga si Ryan ay ang layo ng kanyang iniisip, gusto niyang lapitan si Jenny at gawin ang ginagawa ng mga magkasintahan. Pero ayaw niyang mawalan ng tiwala si Jenny sa kanya. At si Jenny naman ang sama ng pakiramdam dahil nakita niyang naglalandi si Marco sa ibang babae. Parang gustong bumalik ni Jenny at tingnan kung ano ang ginagawa nila Marco at Layla. Pero tinignan niya si Ryan, at nag balut na ng kumot sa mukha. At alam ni Jenny na natutulog na siya. Kaya lumabas si Jenny at tumanaw kung saan naroon sina Marco at Layla. Kitang kita niya na kumanta si Marco at nasa tabi niya si Layla. Hindi alam ni Jenny kung makakabuti ba sa kanya ang lumapit sa kanila. At baka maging kawawa siyang tignan kung pupunta siya doon in hindi kasama si Ryan. Hindi pa natutulog si Ryan, at alam niya na lumabas si Jenny. Bumangon siya at nakaramdam na siya ng sobrang pagseselos kina Marco at Jenny. Ayaw niyang isipin sa isang gabi na magkasama ang dalawa ay nagawang lokohin Siya ni Jenny. Gusto niyang tanungin si Jenny pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Nakita ni Varga si Jenny na nakatanaw sa kanila at sinabi niya kay Marco. Nagpasimple ng tingin si Marco at Tama nga nandoon si Jenny. inakbayan ni Marco si Layla at gusto niyang ipakita Kay Jenny na hindi siya nasasaktan ngayon. Pero hindi alam ni Marco ang totoong nararamdaman ni Jenny. Kaya tuloy pa rin ang pagpapasya ni Marco kay Jenny. Hindi nakapagpigil si Jenny Pumunta kung saan naroon sina Marco at mga kaibigan niya. At kasama ni Marco sa isang upuan si Layla. Dumating na si Jenny at naupo sa tabi ng isang lalaki. Ang pangalan ng binata ay si Paul Olandria Taga Cebu city Philippines. 20yrs old, si Paul at hindi niya mawala ang tingin niya kay Jenny na tumabi sa kanya. Gustung suntukin ni Marco si Paul dahil ang sama ng tingin kay Jenny. At Isa pa lasing na Sila. Kumuha ng baso si Jenny at balak niyang uminom, pero kinuha ni Marco ang baso na may lamang beer. Inagaw ni Jenny at parang galit, pinigilan din ni Marco at nagalit si Jenny. At nakagawa ng paraan si Jenny upang magalit kay Marco. Hinila ni Marco si Jenny palayo sa cottage. " Ano ba ang problema mo sa akin?" " Gusto ko lang naman uminom! bakit ikaw pinipigilan ba kita?" " Ang saya naman ng pagkanta mo dahil may nakatabi sayo?" Ang sabi ni Jenny kay Marco. Natulala si Marco sa mga sinabi ni Jenny, At parang naisip niya na nagseselos si Jenny sa kanila ni Layla. At gustong sabihin ni Marco, at itanong kung ano ang ginawa nila ni Ryan kanina sa kwarto pero gustong itanong ni Marco pero hindi niya magawa dahil nahihiya siyang malaman na subra siyang nasasaktan kina Jenny at Ryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD