CHAPTER 3

2052 Words
"TIGNAN mo yung dress ko! Ang dumi na! Ang tanga naman ng waitress na 'yon hindi marunong sa dinadaanan niya!" I took a deep breath to calm myself. Nagiging iritable na naman ako dahil sa kanya. Ilang oras na ang nakalilipas no'ng aksidenteng nangyari sa restaurant pero hanggang ngayon ay nag-iingay pa rin siya. “Ryle, Are you listening?!” "Listen, Clare. Wala kang karapatan na pagtaasan ang boses. Naiintindihan mo ba?" galit kong wika at matalim itong tinignan. Marahas ang pagbuntong hininga ko at tinuloy ang pagmamaneho. Pasalamat siya at hinatid ko siya. Masydo s'yang maarte at ayaw mag-commute. Pagtapos ko siyang ihatid sa condo niya ay dumiretso ako sa mansyon. Papasok pa lang ako sa malaking pintuan ng sinalubong ako ni Mamita. “Apo, Ryle. Kumusta kana,” nakangiting wika ni Mamita at mahigpit akong niyakap. “I'm okay, Mamita,” tugon ko at niyakap din siya. Hinawakan niya ang braso ko at hinila kaagad papasok sa loob. “Nasa dining area na ang Mommy at Daddy mo. Kumakain na sila bilisan mo ng masamahan mo kami,” ani Mamita habang naglaakad. “Okay, magpapalit lang ako ng damit,” tugon ko. “Hmm.” Naglakad ito papunta sa Dining area at dumiretso na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nang matapos ay ay bumaba na ako at pinuntahan sila. I went to my Mom and kissed her cheeks. “Hi, Mom.” “Son. I missed you.” “I missed you too, Mom,” tugon ko at tumingin sa pwesto ni Daddy. Nagtanguan lang kaming dalawa. Pumunta ako sa upuan at naupo. Kinuha ko ang plato na binigay ni Mamita at nilagyan ng pagkain. Sa kalagitnaan ng hapunan ay nagsalita si Mamita at hindi ko 'yon inaasahan. “Ryle, kailan mo ako bibigyan ng apo sa tuhod?” Sinamid ako sa tanong nito. “I'm sorry, Mamita. I'm busy now and I'm not planning to settle down this year,” I answered while slicing my steak. “Why? Wala ka ng time sa lovelife mo. You need a family, bigyan mo naman ng pahinga 'yung katawan mo at hindi puro trabaho,” tugon ni Mamita. “Don't worry, Mamita. Darating din ako sa ganyan, I just don't rush everything.” Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila. “I'm done. Excuse me,” umakyat ako sa kwarto ko at nagpahinga. WALANG tigil sa pagtulo ang luha ko habang nililigpit ang gamit ko. Dadalhin ko na ito sa bahay dahil wala na akong trabaho. Ang bigat ng dibdib ko. Nakita kong pumasok ang manager nitong restaurant. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Gusto kitang hindi paalisin pero wala akong magagawa. Anak siya ng may-ari nitong restaurant, pasensya kana.” “Naiintindihan ko po kayo,” tugon ko. Binigay niya sa akin ang sobre at alam kong pera ang laman no'n. “Heto na yung sahod mo ngayong buwan.” Kinuha ko ito at nilagay sa bag ko. Sana man lang ay dinagdagan niya iyon. Dahil sa isang aksidenteng hindi ko sinasadya ay nawalan na ako ng trabaho. “Maraming salamat po Ma'am,” naiiyak kong wika. “You're welcome.” Tinignan ko ang aking relong pambisig para tignan ang oras. 8:30 na ng gabi. Kinuha ko sa aking bag ang sobre na binigay ni Ma'am at tinignan kung magkano ang pera. 9,500. Hindi pa ito sapat para sa bayad ng upa, kuryente, tubig at iba pang pangangailangan sa bahay. Sa pangatlong pagkakataon ay nakaramdam ulit ako ng pagkahilo. Huminga ako ng malalim at pumikit. Nang mawala ang pagkahilo ko ay naglakad na ako para puntahan si Naomi sa Daycare. Pagdating ko sa Daycare ay naabutan ko si Jessie na abala sa pagsulat ng kung ano sa papel kaya nilapitan ko ito. “Hi, pwede ko na bang kunin si Naomi?” wika ko. Umangat ang tingin niya sa akin at natulala ng saglit. “Yung ilong mo Blaine dumudugo.” Agad kong hinawakan ang ilong ko. May dugo nga, kumuha ako ng tissue at pinunasan kaagad ang ilong ko. “Pagod lang siguro ako,” tugon ko at ningitian siya. “Are you sure?” Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Oo.” Binigay niya sa akin ang gamit ng anak ko. Nagpaalam na ako na aalis na para makauwi agad sa bahay. Pagdating sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. “Miss mo na si mommy?” malambing kong tanong. Ngumiti ito sa akin at nagkukulit habang hawak ko siya. Mahina akong natawa, kahit anong saya o pagtawa ang gagawin ko hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan na umiyak. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang kaharap siya. “Wala ng trabaho si Mommy mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. . . ang hirap, sobrang hirap,” umiiyak kong wika. Nakatingin lang ito sa akin at nakita kong kumikibot ang mapupula nitong labi. Parang nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko. “M-ma. . .” Nanlaki ang mata ko ng marinig kong nagsalita ito. “Come on say it,” masaya kong saad. “M-ma. . . Ma. Mama!” wika nito. pinunasan ko ang aking luha at niyakap siya. Hinalikan ko ang noo nito. “I love you, ‘nak,” mahina kong saad. Hindi ko maintindihan ang sunod niyang sinabi kaya hinayaan ko nalang 'yon. Nagtimpla ako ng gatas at pinadede ko na siya para makatulog ito ng maaga. Nagbabalak ako na pumunta sa kumpanya ni Ryle at ipakilala sa kanya si Naomi. Kilala na ang kanyang kumpanya kaya hindi na ako mahihirapan na hanapin 'yon. Sikat ang mga alcohol products nito sa buong asya. Nakita ko iyon dahil nagbabasa basa ako ng mga magazine. Finley Alcohol Beverages Corp. 'yan an ang pangalan ng kanyang kumpanya. Sa ngayon magpapahinga muna ako. Kasama ang aking anak ay sabay na kaming natulog ng mahimbing. MAHINA akong kumakanta habang naghahanda ng gatas ni Naomi. Natigil lang iyon ng marinig ang kanyang boses na para bang naiinis, lumalakas ang boses ito habang nakatingin sa akin. “Baby, what's wrong?” Biglang kumunot ang noo nito at nagsalita sa akin na hindi ko naman maintindihan. Ang lakas ng kanyang boses at halatang naiinis. Mahina akong natawa sa ginawa nito. “Hindi mo gusto marinig na kumanta si Mama mo?” tanong ko. Masama ang tingin niya sa akin ngayon at hindi na nakakunot ang kanyang noo. Tumaas ang boses nito sa akin, tumawa na lang ako. Sa tuwing naka kunot noo siya nakukuha nya ang itsura ng kanyang tatay. “Opo hindi na po kakanta si Mama.” Nilapag ko siya sa crib at hinayaang maglaro doon habang nireready ko ang gamit namin. Ngayon na kami pupunta sa kumpanya ni Ryle. Pagdating ko sa company ni Ryle ay hindi muna ako pumasok. Tinignan ko ang building na sobrang taas. Kailangan kong ipaalam sa kanya na may anak siya. Wala namang masama hindi ba? Mahigpit na hinawakan ko ang basket ni Naomi. Dahil hindi ko afford bumili ng stroller nag D.I.Y nalang ako gamit ng basket. Bitbit ko ito magdamag pero ayos lang. Sinilip ko sa Naomi, tahimik lang itong nakatingin sa akin habang may nakapasak sa kanyang bibig na pacifier. Pumunta ako sa information para tanungin kung nandito ba si Ryle. “Good day, Ma'am how can I help you?” I smiled. “Nandito ba ngayon si Ryle?” “Mr. Ryle Eason Finley?” pag-uulit nito. I nodded. “Yes. Nandito ba siya ngayon?” “May appointment po ba kayo?” Umiling ako at napakamot sa aking pinsgi. “Wala, pero may sasabihin ako sa kanya. Saglit lang naman.” “I'm sorry Ma'am. Hindi po siya nagpapasok ng walang appointment." “Sige na please. . .Anong oras ba siya p'wedeng makausap? Maghihintay ako.” Nag-kibit balikat lang ito sa akin “I'm not sure, Ma'am. Masyadong pong busy ngayong week si Sir Ryle.” “Kahit anong oras hihintayin ko makausap ko lang siya,” pag-pupumilit ko. Tinignan niya ako ng ilang segundo at huminga ng malalim. “I'll try, you may take a seat,” tinuro niya ang couch sa gilid. “Tatawagan ko lang po si Sir Ryle.” Naupo ako sa couch at nilapag sa gilid ang basket ni Naomi. Naghintay ko ng ilang minuto hanggang sa tawagin ako nito. “Ma'am. . .” agad akong lumapit ng marinig kong tinatawag niya ako. “Pumayag po si Sir Ryle. Maghintay na lang po kayo ng ilang oras, sunod sunod kasi ang meetings niya ngayon.” “It's fine, Thank you.” Napangiti ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at sinilip si baby Naomi, nakangiti na ito ngayon sa akin. “Makikita mo na si Daddy mo 'nak,” mahina kong wika at hinaplos ang kanyang pisngi. Time check. It's 8:30 pm. Inabot kami ng gabi kakahintay kay Ryle. Pinadede ko na rin si Naomi kaya mahimbing na itong natutulog sa basket. “Ma'am pwede na kayo pumunta sa office niya. 15th floor.” “Maraming salamat,” masaya kong tugon. Ngumiti ito sa akin at ganoon din ako. Tumayo na ako at binitbit ang basket ni baby Naomi. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 15th floor. Pagbukas ng elevator ay maraming mata ang nakatingin sa akin. Nilapitan ko ang isang babae at nagtanong. “Saan dito ang opisina ni Ryle?” mahina kong tanong. Wala sa sariling tinuro niya ang nag-iisang malaking pintuan sa gilid. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Bawat hakbang ko papunta sa pintuan ng office niya Ryle bumibigat ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim bago kumatok. “Come in.” Nang marinig ko ang boses nito ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at pumasok. Humigpit ang pagkahahawak ko sa basket ni Naomi. “What do you want?” He asked while staring at me. Dahan-dahan kong nilapag sa table niya ang basket ni Naomi. Doon umangat ang tingin niya sa akin pagkatapos ay bumaba ang tingin sa basket nasa lamesa. “Are you going to sell this baby to me? Wala akong balak na bilhin 'yan.” “She's your daughter, even though I know you won't believe me." Natigilan siya sa sinabi ko at tinanggal ang salamin nito. Kunot noo siyang tumingin sa akin. Bahagya itong natawa. “Are you out of your mind? Pati bata dinadamay mo sa kalokohan mo? Umuwi na kayo sinasayang mo lang ang oras ko.” Huminga ako ng malalim. Sabi na nga ba at hindi siya maniniwala. “I'm telling the truth she's your daughter, Ryle.” MY HEAD hurts even more because of what she said. Dinadamay niya pa ang anak niya sa kanyang kalokohan. Halos magkadikit na ang kilay ko nang ma muhkaan ko na siya ang waitress na inaway ni Clare. “You look familiar. Ikaw ba yung babae na nawalan ng trabaho?” I asked. I looked at her from head ang toe. Her cheeks are red and I think that she had natural pink-reddish cheeks. Her body is slim and you would not think that she had already a baby. Napatungo ito sa sinabi ko. “Y-yes.” Sumandal ako sa swivel chair at hinilot ang sintido ko. I need to control my anger. Sinout ko ang salamin at bumalik sa aking ginagawa. “Leave. You're wasting my time. I have a lot to do,” I answered while reading the papers. “Pero totoo ang sinasabi ko. . . Anak mo siya.” I close my eyes and take a deep breath. Akmang lalapit siya sa akin ng biglang kong hinampas ng malakas ang desk. “How many times I have to tell you that this baby is not mine!” I shouted. She was startled at my voice, after that I heard her baby is crying. Nilapitan niya iyon at pinatahan. It's like slow motion when I saw her baby's eyes, its color blue like mine. Her baby is like a carbon copy of me, but in a baby version. “Leave,” mahina kong wika. “Maniwala ka—” “Out!” I shouted. For the second time, she's startled at my voice. Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa akin. What the hell is wrong with this woman? SHANGPU
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD