WALANG TIGIL SA PAGTULO ang aking luha habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Two red lines it means i'm pregnant.
Pinikit ko ang mata ko at inisip na wala lang ito at baka namamalik mata lamang ako. Pero pag dilat ko wala pa rin nangyari! Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso at namamawis ang palad ko sa sobrang kaba. Halos hindi ko mahawakan ng maayos ang pregnancy test kit dahil nanginginig ang kamay ko.
Alam kong magagalit si Daddy.
Ang mahina kong iyak ay nauwi sa paghagulgol. Gulong gulo na ako! Kung ano ano tuloy ang nasa isip ko. Natatakot ako. Hindi ko kayang ipalaglag ang bata kasi alam kong wala siyang kasalanan kung bakit siya nabuo. . . Ako ang may kasalanan no'n.
Muntikan kong mabitawan ang hawak ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Anak, Ellis. Bumaba kana mag didinner na tayo,” malambing na wika ni Mommy.
“Opo. Susunod na lang po ako,” tugon ko at huminga ng malalim.
“Okay, dear. Masarap ang ulam kaya bilisan mo na.”
Nagtungo kaagad ako sa CR para maghilamos. Pinatong ko muna ang pregnancy test kit sa taas ng lababo at nag-hugas ng kamay. Pagkatapos ay lumabas at nag-tungo sa baba.
“Good evening Daddy,” pag-bati ko.
Tumango lang ito sa akin. “Good evening.”
Umupo ako sa aking upuan at nagsimula na kaming kumain, tahimik at walang nagsasalita. Pinipilit kong kumain kahit nababahuan ako sa ulam. Hindi ko alam kung bakit paborito ko naman ito.
“Ellis, are you okay? Parang wala kang ganang kumain? Paborito mo naman ang kare-kare hindi ba?” tanong ni mommy at halata sa kanyang boses ang pag-alala.
“Sorry, wala lang po akong ganang kumain ngayon,” mahina kong tugon.
Pagtapos ko kumain ay nagtungo kaagad ako sa kwarto at dumiretso sa CR para mag toothbrush. Pagtapos ko mag toothbrush ay nahiga na ako sa aking kama.
Nagsimula ulit na magsipatakan ang mga luhang pinipigilan ko pababa sa aking pisngi. Natatakot ako na baka kung anong gawin ni Daddy sa magiging apo niya. Alam kong ayaw pa niya na magka-anak ako dahil gusto pa nito na mag focus ako sa kompanya niya, nang walang sagabal. Iniyak ko lang ang sakit na nararamdaman ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang maliit kong tyan. Huwag kang mag-alala anak magiging okay rin tayo.
Magiging okay ang lahat huwag kang mag-alala. Umiyak lang ako hanggang makatulog sa sobrang pagod.
PAG-GISING ko ay dumiretso kaagad ako sa baba para uminom ng gatas. Buti na lang at may natira. Nilagyan ko ng gatas ang baso at ininom iyon kaagad.
“Blaine Ellis!”
Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang sigaw ni Daddy at nanggagaling iyon sa aking kwarto. Binaba ko ang baso sa lamesa at nagmamadali akong pumunta sa kwarto. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto agad na nanlambot ang aking tuhod sa nakita ko. Hawak ni Daddy ang pregnancy test kit na ginamit ko kagabi habang si Mommy naman ay nakaupo sa kama at umiiyak.
bakit ba hindi ko 'yon tinapon kagabi!? Ang tanga mo Blaine!
Bakit hindi ko pa kasi tinapon iyon! Nawala sa isip ko dahil nakatulog na lang ako ng biglaan.
“D-daddy let me explain,” naiiyak kong saad.
“You own this!? Buntis ka! Sinong nakabuntis sa'yo!?” galit nitong tanong.
“Opo! Buntis po ako! Sorry po! Sorry!” umiiyak kong tanong.
“Pinalaki ka naman namin ng tama! Anong pumasok sa kokote mo bakit ka nagpabuntis!” Sinalubong ko ang nanlilisik niyang mata. Namumula na siya sa galit at nanginginig pa.
Lumuhod ako sa harap niya at doon humagulgol.
“D-daddy, i'm sorry please forgive me,” lumuluha kong wika habang nakahawak sa binti nito.
“Wala sa pamilya natin ang disgrasyada, Blaine! Isa kang malaking kahihiyan! Hindi mo ba alam kung anong sasabihin ng mga kamag-anak natin kung malalaman nilang buntis ka? Pinagmamalaki pa kita sa kanila dahil ang ganda ng pamamalakad nating dalawa sa kumpanya!” Sigaw nito sa akin.
Lumakas ang iyak ko sa sinabi niya. Hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil natatakot ako sa puwede nitong gawin.
Napatili ako ng hinigit niya ang braso ko.
“Daddy! Please be careful,” I cried.
Pero wala akong narinig ni isang salita na lumabas sa bibig niya.
Kinakabahan ako dahil pababa kami ng hagdanan baka aksidenteng matapilok ako. Basta na lang niya akong tinulak pagkadating namin sa labas ng gate, buti na lang at hindi ako na out of balance.
“Lumayas ka! Malandi kang babae ka! Simula ngayon tinatakwil na kita! Inuulit ko wala sa pamilya natin ang disgrasyada itatak mo iyan sa kokote mo! 'wag na 'wag kang babalik dito!” Galit na galit niyang sabi, sumunod si Mommy na hanggang ngayon ay lumuluha parin.
“Daddy. . . Forgive me, huwag naman pong ganito. Promise ako lahat gagastos para sa anak ko hindi po ako hihingi ng pangangailangan galing sa inyo basta huwag niyo lang po akong palayasin,” pagmamakaawa ko. Kailangan kong gawin ang lahat para sa magiging anak ko.
Hindi ito nagsalita pumasok lang ito sa loob ng mansyon at hindi ako pinansin. Tumingin ako kay mama at nanghingi ng tulong.
“Mommy. . . Please, help me,” umiiyak kong wika.
“I-i'm sorry anak. . . si Daddy mo ang magdedesisyon at hindi ako. . .” umiiyak nitong sambit. Sa huling pagkakataon ay hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan bago pumasok sa bahay.
Humahagulgol na umupo ako sa sahig kasabay ng panghihina ng aking katawan at wala sa sariling napahawak sa aking tyan. Napalingon ng marinig ang pagbukas sa gate. Nakita ko si Manang na may dalang malaking maleta at isang bag.
“Manang.”
“Pasensya kana, hija. Hindi kita matutulungan ngayon kasi ako ang sesesantihin ng Daddy mo,” malungkot niyang wika.
Napayuko ako at kinuha ang aking mga gamit.
“Salamat na lang po.”
Makalipas ng ilang weeks ay nakahanap ako ng mauupahan. Finreeze ni Daddy ang mga pera ko sa bangko. Mabuti na lang at may pera pa ako sa wallet kahit papaano ay makakain ako tatlong beses sa isang araw.
Kailangan ko ng maghanap ng trabaho simula bukas kung hindi ako makakahanap pareho kami ng baby ko ang mahihirapan.
SHANGPU