BINABA ko sa lamesa ang hawak kong shot glass. Hindi ko na rin maalala kung ilang alak na ang nainom namin ni Veev. Nahihilo na ako at alam kong lasing na ‘ko. Binalingan ko ng tingin si Veev, halatang normal lang ang galaw nito. Napapikit ako ng muling umikot ang paningin ko. “Pfft,” dinig kong pagpipigil ng tawa ni Veev. Alam kong ako ang tinatawanan nito dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. “Anong tinatawa mo d’yan?” tanong ko sa kanya. Pinunasan ko ang pawis sa ‘king noo dahil pinagpapawisan na ako kahit nakabukas ang aircon. “Oh my god! I’m sorry, Ate Blaine. Mukhang naparami ang inom natin. Kuya Ryle, will kill me,” she said while laughing. Pabiro ko s’yang inirapan. “Baka ako lang ang lasing?” tugon ko at tinuro ang sarili. “Mukhang hindi ka lasing, eh,” ani ko at sumand

