BAGO ako dumiretso sa bahay at dumaan ako sa tirahan ni Aling Tess para bayaran ang utang ko sa kanya. Kumatok ako at hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan. Napakamot ako sa ulo at tumingin sa relong pambisig. Tulog pa yata siya. . . Tumalikod na ako at maglalakad na sana ng bumukas ang pintuan. Sumalubong sa ‘kin si Aling tess, nakaface mask ito at nakapusod ang buhok. “Aling Tess heto na po yung bayad ko,” binigay ko sa kanya ang sobre na naglalaman ng pera. Ngumiti siya sa ‘kin at biglang umirap. “Akala ko wala kanang balak magbayad. Oh, siya maraming salamat.” “Walang anuman po—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang sinarado ang pintuan. Tumalikod na lang ako at napabugtong hininga ng maalala na hindi pa ako nakakapagbayad sa kuryente at tubig. Baka matagalan

