PINAUNA ko muna si Ryle bago sumunod sa kanya. Ayaw kong maissue rito sa kumpanya niya. Dumaan ako saglit sa banyo para mag-ayos medyo haggard na ang mukha ko. Kailangan kong maging presentable baka mamaya kung saan kami pupunta. Paglabas ko sa elevator ay lakad takbo na ang ginawa ko dahil nakita ko si Ryle na naghihintay sa labas ng kumpanya nito. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa pader. Kunot noo itong nakatingin sa ‘kin at halatang naaburido na sa pwesto nito. “Why did you took so long?” kunot noo nitong tanong. “Nag-restroom lang ako saglit ’tsaka ayaw kong maissue rito ‘no. Nakakahiya,” tugon ko. Hindi niya ako pinansin at naunang mag-lakad. Hindi nakatakas sa ‘kin ang pag-irap nito. Tumaas ang kilay ko sa ginawa n’ya. Kung hindi ko siya kilala mapagkakamalan ko talaga s’yang

