KABANATA 8

1204 Words
“MY GOD!” Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo. Napaupo ako sa damuhan sa gilid ng daan at napapikit. Nang magsimula na kaming tumakbo ni Zein ay halos magkasabay lang kami ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay naungusan na niya ako. Halos hindi ko na nga matanaw ang bulto niya. “What? Susuko ka na lang agad?” anang boses na nagpamulat sa mata ko. Nakapamaywang si Zein habang nakayuko. Kaunti na lang ang distansiya ng mukha niya sa akin. Marahan ko siyang hinawi. “Sinong may sabi na susuko na ako?” Matalim ko siyang tiningnan. “I’m not a loser.” “Are you sure?” makakalokong tanong ng lalaking kahit na pawis na pawis na ang buong mukha ay bakas pa rin ang angking kagwapuhan. Hindi naman maipagkakaila na minana niya ang itsura ni Tito Louie. “Bakit? Nasa bahay ka na ba? Ibig sabihin…may pag-asa pa ako na maunahan kita.” Agad akong tumayo saka malakas siyang tinulak na ikinatumba niya. Then I gave him a wicked smile. Bago ako muling tumakbo ay nakita ko kung paano niya kinagat ulit ang ibabang labi niya. Sinikap kong bilisan pa ang pagtakbo. Hindi ako maaaring matalo. Alam kong isang di-hamak na babae lang ako kumpara sa isang tulad ni Zein. Lalaki siya at may malakas na pangangatawan ngunit papatunayan ko sa kanya na hindi ko basta-basta magpapatalo na lang. Tanaw ko na ang bahay namin ngunit umabot na ako sa limitasyon ko. Nasa likod ko na si Zein at ano mang oras ay mauunahan na niya ako. I need to run more but I can’t longer move. I’m so tired. Kinailangan ko pang tumingala upang makasagap ng hangin. “Need more help?” anang pamilyar boses. Nang lingunin ko ay tumambad lang sa akin ang nakangiting si Zein. Sunod niyang inilahad ang kamay sa akin. “I’m willing to carry you. Tutal naman, malapit na sa bahay.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti niyang may nais ipahiwatig. “Kaya ko ang sarili ko,” pilit kong pinalakas ang boses ko ngunit pagkatapos niyon ay bigla na lang ako nabuwal. “Shen!” sigaw ni Zein kasabay ng pagsalo ng dalawa niyang bisig sa akin. “I told you, I will carry you!” he nagged. Bakas na ang galit sa mukha niya samantalang kanina ay hindi mawala ang pagkakangiti niya sa akin. Binuhat niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Maingat niya akong inilapag sa mahabang sofa saka dumiretso siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. “Here, drink this.” Pabagsak siyang naupo sa isahang sofa na nasa tabi ko. “Sa susunod na aayain mo ako ng karera sa takbuhan, make sure na may ibubuga ka talaga.” “Zein, ‘y-yong paper bag…naiwan sa labas.” “Talagang naalala mo pa ang paper bag na ‘yon?” Akma akong tatayo ngunit mabilis niya akong pinigilan sa kamay. “Don’t ever think about it.” Malakas siyang nagbuga ng hangin. “I’ll get it.” Padabog siyang lumabas ng bahay. Bigla akong natawa sa inasal niya. Para siyang maliit na bata na inutusan na labag sa kanyang kalooban. Saglit kong ipinikit ang mata ko. Hindi na rin masama na magkaroon ng isang stepbrother sa katauhan ni Zein. Mukha lang laging galit pero ang cute niya. Wait! Cute siya? “Anong nginingiti-ngiti mo riyan bang nakapikit ang mata mo?” “Pakialam mo ba? Masama na ba ngumiti ngayon?” “Bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang naman ako.” “Ikaw, bakit parang ang saya mo? Dahil ba sa natalo mo ako?” “Well…” “Sa ‘yo na ‘yang paper bag mo. Pinabibigay sa ‘yo ni Miss Ferrer.” Kumilos na ako upang tumayo. “S-salamat sa pagbuhat sa akin. N-nanalo ka ngayon pero sinisiguro ko sa ‘yo na hindi na sa susunod.” Inirapan ko siya saka humakbang na patungo sa silid ko. “Pakisabi sa teacher mo…salamat.” Mariin akong napalunok. Magkakakilala kaya silang dalawa? Pero paano nangyari ‘yon? “P-paano mo nakilala si Miss Ferrer?” Humarap ako sa kanya. Tila nagitla naman siya sa tanong ko. Mayamaya pa ay sumilay na naman ang nakakaasar niyang ngiti. “Di bale na, hindi mo naman kailangang sagutin.” Lalong ngumisi ang loko. “Bakit mo tinatanong? Nagseselos ka ba na may ibang babae ang nais kumuha ng atensiyon ko?” Nakaarko ang isa niyang kilay na sinabayan ng pagkagat sa ibabang labi. “Sabihin mo lang, hindi ko na siya papansinin – “ “A-at bakit ko naman sasabihin ‘yon? Excuse me? Saan mo naman napulot ang mga sinasabi mo? N-nagtatanong lang naman ako, nagseselos na agad? S-saka bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita? Magiging stepbrother lang kita.” “Ouch!” Sinapo niya ang dibdib. “Sinaktan mo naman ang puso ko, sweetheart.” May papikit-pikit pa siyang nalalaman. “Porke’t stepbrother mo lang ako, hindi mo na ako pwedeng maging boyfriend? Eh, pwede mo rin naman akong maging future husband.” Tumaas-baba ang kilay niya kasabay ng paniningkit ng mga mata. “Anong sinabi mo?!” Malakas na kumabog ang puso ko. Nabalot ng kaba ang dibdib ko. “Are you insane?” “That’s why Zein is my name,” sagot niya agad na hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. Para siyang robot na kinakabisadong mabuti ang bawat sulok niyon. Mayamaya pa ay kinindatan pa niya ako. “Oh, my God!” “I’m not a God. ‘Wag ka mag-alala, Shen. Ako lang ‘to.” Kinuha na niya ang isang unan na hugis parisukat saka itinukod doon ang mga siko. Nakapangalumbaba na siya ngayon. Ang ngiti niya sa labi ay nakakainin tingnan ngunit…bakit ang cute niya pa rin? “A-akala ko…” ani ko kasunod ng pag-iling. “Nevermind.” “Wala man lang ba akong reward na matatanggap mula sa iyo, sweetie?” “Excuse me?” Talagang sinusubukan ng lalaking ito ang pasensiya ko. “Ibinigay ko na ang paper bag na para sa ‘yo, dahil nanalo ka hahayaan na kitang ihatid-sundo ako sa eskwelahan. Ano pang reward ang gusto mo? Take note, you’re calling me sweetie, sweetheart instead of my name. Sige, okay lang. Then, you’re asking for a reward…again?” “Kiss on the cheek,” “What?!” Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay ang malakas niyang pagtawa. “I’m just kidding, sweetie.” Sumaludo pa siya na parang sundalo. “Now, go to your room dahil iisipin kong gusto mo rin akong hagkan kapag hindi ka pa pumasok sa silid mo.” This man is really crazy! Mabilis kong kinuha ang isang unan sala malakas na ibinato sa kanya. Hindi pa rin nawala ang saya sa mukha niya kaya napilitan na akong pumasok sa silid ko. Agad kong ni-lock ang pinto. Wala na akong pakialam kung napalakas ang pagkakasara ko niyon. Anong pinagsasabi ni Zein? Pwede ko raw siya maging future husband ‘tapos… gusto niya ng reward na halik sa pisngi? Joke ba talaga ‘yon? Ibinaon ko na lamang ang sarili ko sa malambot kong kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD