KABANATA 6

1046 Words
NASA dining na si Zein at prenteng nakaupo roon ng dumating ako. Litaw na litaw ang dimple niya sa magkabilang gilid ng labi niya habang matiyagang naghihintay sa akin. Kung titingnan siya ng mabuti ay parang walang nangyaring away sa pagitan namin kanina. “Ang tagal mo naman,” reklamo pa niya. “Hmmp,” tugon ko. “Ang sabihin mo, takam na takam ka lang sa ice cream. Ayaw mo talagang paawat kahit na dinala ko na sa kwarto ko.” “Anong magagawa ko? Favorite ko ‘yan eh.” “Pagkatapos mo akong awayin kanina, makikikain ka lang pala ng ice cream ko,” bulong ko kasabay ng paglapag ng hawak ko. Dumiretso ako sa kitchen upang kumuha ng kutsara at baso. “What did you say?” “Wala.” Inabot ko sa kanya ang isang kutsara at baso. “Kumain ka na lang at baka magbago pa ang isip ko; hindi kita bigyan.” “Kapag hindi ako binigyan, aagawin ko sa’yo ‘yang ice cream at once na nasa akin na ay hindi kita bibigyan.” “Ang damot mo pala,” nakanguso kong sambit. “Depende,” makahulugan niya akong tiningnan. “May mga bagay na ayaw kong ipamigay. Kapag sa akin, sa akin lang.” “Ewan ko sa’yo.” Mahina lang siyang tumawa kasabay ng pag-scoop ng ice cream. “Ihahatid kita sa school mamaya pagpasok mo at susunduin din kita sa uwian.” “H-ha?” “You heard me right. Binilin sa akin ni Tita na bantayan kita as your brother and I will just do my part. Hindi pwedeng may umaaligid sa ‘iyo under my watch,” pabulong niyang sinabi ang huli. “Ano kamo?” Natigilan ako. “Hindi ko narinig ang huli mong sinabi. “Ang sabi ko, bilisan mo ng kumain ng ice cream dahil baka hindi ka na makabalik sa pagtulog. Ikaw din, mali-late ka sa school. Kung bakit ba naman kasi naisaipan mong kumain ng ice cream ng ganitong oras?” “Eh, ikaw? Bakit gusto mo rin kumain ng ice cream ng ganitong oras?” nakataas ang isang kilay na wika ko. “Sinasabihan mo ako eh ikaw din naman. Akala mo naman mauubusan ka nito. Gaya-gaya ka sa akin.” “I’m not.” Nagkibit-balikat pa siya. “Nakita ko lang na hawak mo kaya natakam ako.” Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Seryoso siyang kumakain na ng ice cream. Wala ang ngiti niya sa labi ngunit kakakitaan ng saya ang mukha niya. And I wonder why. “Why?” tanong niya na ikinagitla ko. “H-ha?” “Bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dumi ba ang mukha ko?” Mayamaya pa ay ngumiti siya. “O iniisip mo kung kaya kong ubusin ‘yong ice cream no?” “Hindi ko naisip ‘yan.” Bigla akong tumayo. “Doon na lang ako sa kwarto ko. Sige, maiwan na kita – “ “Shenelle, please stay. W-wala naman akong kasama rito na iba. Don’t worry, hindi na mauulit pa ang nangyari kanina. Gusto rin kasi kitang makausap. Pwede bang samahan mo ako rito? Please?” Napalunok ako saka tumango. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pakiramdam ko naging intense ang bawat sandali. Parang nanonood ako ng isang action movie at hinihintay kung sino ang unang aatake sa kalaban. “Zein – “ “Shenelle –” Nagkatinginan kami at sabay na tumawa. “Lady’s first,” aniya. “I’m not yet a lady.” “I know. Alam ko rin na fourteen years old ka lang. Second year high school, nag-iisang anak ni Tita Shiena. Mahilig kang mag-isa, magbasa ng kung anu-anong klase ng libro at manood ng movies. Now, can I ask from you?” I nodded with amusement. Na-amaze ako sa naging pahayag niya tungkol sa akin. Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? “It’s about the classmate you’re with yesterday. Is he courting you? Nagpaparamdam ba siya sa ‘iyo? Something like that.” Diretso ang tingin niya sa mga mata ko na tila nang-uusig. “Si Romnick ba? Ah…h-hindi.” Tumungo ako. Hindi ko kayang tagalan ang uri ng paninitig niya sa akin. Parang may kakaiba. Bigla akong kinabahan. “Look at me, Shenelle. I’m just worried. You’re only fourteen years old and it’s not appropriate to entertain such things. Sa palagay ko ay magkaedad lang kayo ng Romnick na ‘yon. You should focus on your studies first. Malaki ang tiwala sa’yo ni Tita Shiena so don’t ever disappoint her.” “Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ‘yan. I know my limitations. I only have my mama just like she only had me – “ “Not anymore,” sabad niya. “My dadd and I will be part of your family. We will soon be a family. I will be your stepbrother. Kapag nakasal na si Dad at Tita Shiena, I always be on your guard. So, starting mamaya pagpasok mo sa eskwelahan, ihahatid kita. Is that clear my soon to be stepsister?” The way he stared at me brought shivers on my spine. Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid lalo pa at nakatatandang lalaking kapatid. Isipin ko pa lang na araw-araw akong ihahatid at susunduin ni Zein sa eskwelahan ay tiyak na magiging malaking isyu sa mga nakakilala sa akin lalo na sa mga marites kong kaklase. “Bakit mo gagawin ‘yon? May kasabay naman ako sa pagpasok sa school gayundin sa pag-uwi. Isa pa, hindi naman ako nililigawan ni Romnick. Kaibigan at kaklase ko siya.” Inasahan ko ng magagalit siya sa akin ngunit ipinagtaka kong tinapik niya ng marahan ang ulo ko. “I’m your brother, remember?” Ngumuso siya sa ice cream. “Ubusin mo na ‘yan at bumalik ka na ulit sa pagtulog. Kapag hindi ka makatulog, manood ka na lang ng favorite mong movie para antukin ka. Okay?” Muli niyang tinapik ang ulo ko. “May itatanong pa ako sa iyo,” habol ko nang tumayo na siya. “Save it for tomorrow. We have so much time to talk everything, sweetheart.” My heart raced. Ganoon na lamang ang epekto ng endearment na itinawag ni Zein sa akin. Sweetheart? Really?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD