JESSY'S POV: Sinulit ko na talaga ang tatlong linggo na training namin, walang araw na hindi namahinga. Ramdam ko yung inis nila dahil araw araw nalang silang nagtetrain. Pero para naman to sa kanila eh. "I'm planning on a short vaccation this week. Tsakto din na walang klase ang mga estudyante natin dito." Sabay tingin ni Lolo sa mga apo niya, nakuha din ang attensyon ko sa plano niya dahil kailangan kong maghanda at ipeprepara ang sarili ko para bantayan ang kaligtasan nila sa vaccation na sinasabi ni Lolo. "Oo lo! Pleeeease!" Sang ayon nung kambal. "Ofcourse, dun tayo sa island resort natin. So we can have our privacy and have more time, at ligtas tayo dun kasi maraming security na nakapalibot sa islang yun." Hindi nalang ako ulit nakinig dahil alam kong pagsasabihan din ako ni Lo

