Jessy's POV: Dalawang linggo na ang nakalipas. MArami nang nangyari, napapasabak ako sa mga misyon kahit hindi pa mabuti yung kondisyon ng braso ko, pero mabilis din iyon nagaling. Nakatambay lang kami dito sa sport court nila. Malawak tong lupa na kinaroroonan ng mansyon, kaya di imposible na magkaroon ng ganitong mga court dito. Gaya nalang ng basketball,swimming pool, tennis, badminton, at soccer field. Mga sporty pala mga to. NAnunuod lang ako kina Chester, Chlyde at yung kambal habang nagbabasketbbal sila. Sina Kuya Shin at Kuya Lemuel nagtetennis. Si Ben at Sedrick naglalaro lang ng bola ng soccer. Si Kuya Xian naman, kasama ko at may pinagbubusy-han sa laptop niya. "Sumali ka sa kanila Jess." Biglang sambit niya at inangat ang tingin sa akin. "Tinatamad ako Kuya." Sambit ko at

