Jessy's POV: Tatlong araw na ang nakalipas nung lumipat ako dito sa mansyon ng mga Exor. At dalawang araw narin ako nagtuturo at nag eensayo sa kanila. Pero hindi parin maiwasang hindi bumalik sa kahit nasa ibang trabaho ako. Tinatawagan kasi ako para pumunta sa crime scene at tumulong dahil hindi nila kaya. Kagaya ngayon, nandito ako sa liblib na lugar, sa labas neto ang mga pulisya at ilang militar na nakapalibot sa buong lugar at hinihintay ang paggalaw ko. "Mag-ingat ka.." paalala ni Uncle sa akin gamit ang isang maliit na parang telepono na gamit para makipagcommunicate kami lahat. "Sige po." Huling sambit ko at kinasa ko na ang dalawang baril ko. Maliksi at dahan-dahan akong pumasok sa bandunadong bodega dito sa gitna ng gubat. May report na, may nagrerecruit ng mga batang lansan

