Jessy's POV: "I really hate you." Marahas kong tinanggal yung kamay niya at hinarap siya. "Ano bang problema mo?!" Singhal ko pero nanatili lang siyang nakatingin sa mukha ko. Tsaka siya sumandal sa backrest ng upuan. "Ihatid mo ako sa bahay, gusto ko ng umuwi." Utos niya. Inirapan ko lang siya at nagdrive nalang para matapos na ito. Pagkahatid ko sa kanya ay bumalik sa University. Di parin maalis sa isipan ko yung eksena kanina. Ang lambot ng kamay niya, ang bango ng hininga. At yung mga mata niya parang, hinihigop pati kaluluwa ko. Aish! Ipinilig ko nalang ang ulo ko atsaka nagfocus sa pagdadrive. Ano ba talagang problema niya? Alam kong ayaw niya sa akin, he hates me. So do I! If he hates me, dapat nilayuan niya nalang ako. Di yung nilalapitan pa ako. "Jesssyyyyyy!" Napatakip lang

