Third Person's POV:
"Get them.." tanging sambit ng isang di kilalang lalaki at sinuot ang pantakip sa mukha nila para hindi sila makilala ng mga taong nakapalibot.
Isa-isang nagsilabasan ang mga malalaking kalalakihan sa dalawang van at sumugod sa mga sasakyang papalabas palang sa isang sikat at prestiyosong unibersidad. Marahas nilang binuksan ang bawat sasakyan at hinila ang mga binatang sakay na nagpupumiglas.
"Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo mga kapatid ko!!" Pagwawala ng isang binata at pinipilit na makalapit sa mga nakakabatang mga kapatid niya na nagpupumiglas rin.
*bugsh*
Isang malakas na suntok ang natamo niya sa humahawak sa kanya kaya nanghina siya at madaling naisakay sa van nila at gayun din ang mga kapatid niya. Dahil sa takot sa kaligtasan nila ay pinabayaan nalang nila ang mga kalalakihan na tangayin sila, ang 3 nakakabatang kapatid nila ay nangingig sa takot at panay din ang iyak ng dalawa na magkayakap pa.
"Tiba-tiba tayo sa mga to!" Halakhak ng mga lalaki at pinaharurot ang sasakyan nila bago pa sila mahabol ng mga security ng unibersidad. May ilan ding nang usisa at dahil din sa takot ay nanuod nalang sa pagtangay sa 6 na mga binata ng mga di kilalang kalalakihan.
Sa kalsada at sa lugar kung saan may mga matataas na d**o ay may biglang lumabas na isang matanda at tumawid sa kalsada, dahilan ng paghinto ng pagmaneho ng van. Nag init kaagad ang ulo ng mga kalalakihan at sinigawan ang kawawang matanda.
"HOY MATANDA, UMALIS KA DYAN!"
"LETSE, LUMAYAS KA DYAN!"
Dahil din sa pagtataka ay napalinga ang mga binata at napatingin sa isang matanda na mabagal na naglalakad sa harapan nila. Dahil din sa inis at inip ay binabaan siya ng isang lalaki at mabilis na nilapitan ang 'matanda'.
"Lola-"
*click*
Isang malamig na bagay ay ang pumulupot sa kamay niya, at pagtingin niya ay isang posas. Dahil sa gulat ay matiim na gumalaw ang lalaki at itutulak na sana yung 'matanda'. Mabilis na gumalaw yung matanda at pinilipit ang braso ng lalaki at pinosasan din ang kabilang kamay niya. At hinampas ng pagkalakas sa balikat, dahilan ng pagkawalan niya ng malay. Gulat pa nung mapatingin siya sa van at napa angat ang gilid ng kanyang labi. Ng makabalik sa huwisyo ang mga kasamahan niya ay isa-isa nilang sinugod ang "matanda" at ilan ay binabaril pa. Dahil sa maliksi at maagap siya ay mabilis niyang naiiwasan ang pagpapaputok.
Nilabas niya rin ang dalawang baril niya na nakatago sa bewang niya at parang isang propesyonal na tinatarget ang mga kriminal sa mga kamay at binti nila, dahilan ng pagtumba nila. Mabilis din siyang tumakbo at isa-isang pinatulog iyon at pinosasan sa isang gate.
Gulat at Mangha ang mga binatang nasa loob ng van at di manlang maka galaw dahil sa nasaksihan. Di iyon ang unang beses na may nagligtas sa kanila. Pero kakaiba na ngayon, dahil maaga at nakikita nila ang tagapagligtas nila. Habang papalapit siya sa van ay isa-isa niyang inaalis ang mga damit at wig na ginamit niya. Matiim namang sinusundan lang siya ng tingin ng mga binata at di maiwasang mapanganga ng mapagtantong isang babae pala iyon.
*Van door open*
"Lumabas na kayo.." malamig na sambit niya at tinutulungang mapalabas ang isang lalaking napuruhan kanina sa pagsuntok sa kanya at pinaupo muna sa gilid.
*police siren*
*ambulance siren*
Napa angat kaagad ng tingin ang babae at napatingin sa direksyon kung saan may mga paparating. Mabilisang nagsibabaan ang mga pulisya at mga medics para lapitan ang kanya-kanyang dapat ayusin. Napasunod lang sila ng tingin sa babae nung lumapit siya sa isang heneral at sumaludo roon.
"Good job Officer Mask. You never fail to impress me." Saad nung Heneral sa kanya.
"I'm glad to hear that sir, im happy that i saved innocent people again. Well, I guess my work here is done. I have to go Sir." At muling sumaludo siya at pumasok sa matataas na damuhan at pagkalabas niya ay sakay na siya sa isang big bike na kulay itim at nagdrive papalayo.
Napatanga nalang din ang mga niligtas niya sa kanya at manghang-mangha parin sa ginawa niya. Dinadaluhan na sila ng mga medics at ilang pulisya upang matulungan. At dumating din ang kanilang abogado na agad ding dumalo sa kanila at kinausap ang Heneral.
"She's so cool. When are we going to meet her again, Kuya?" Tanong ng isa sa bunsong magkakapatid sa Kuya na katabi niya.
"I dont know buddy." Tanging sambit niya at ginulo ang buhok ng kapatid niya. Masaya rin siya dahil nawala kaagad ang takot sa dibdib ng mga kapatid niya dahil sa babaeng tumulong sa kanila.
"Psh. She just making us feel useless.." sabat nung isang matamang nakatingin sa kapatid niyang ginagamot ng mga doctor.
"Cut it Sed, just be thankful that you're safe. Tayo. Magpasalamat ka rin na hindi ka nasaktan, tanging si Kuya lang ang nasaktan satin dito." Sambit ng mas nakakatanda sa kanya.
"Whatever." He murmured.
++++++++++++++++++++++++++++++++
*cla clap clap clap clap*
"Congrats Ma'am! Ang galing nyo talaga!" Bati sa kanya ng mga kasamahan niya pagkapasok palang sa headquarters.
"Magaling tayo. Pero, bumalik muna tayo sa trabaho ha?" Natatawang saad niya tsaka masaya ring pumasok sa opisina niya roon. At bumungad kaagad sa kanya ang Auntie niyang may dala pang first aid kit.
"Baby girl! Mabuti naman at tapos na! ano? May masakit ba sayo? nasugatan ka? MAgsalita ka baby girl!" Inalog pa siya ng auntie niya.
"Auntie, ayos lang po. Wala pong masakit sa akin, hindi ako nasugatan oh ano pa man. All clear! Nothing to worry about." Pagsisiguro niya sa nag aalalang Tiyahin niya. Tumango-tango lang ito at binalik ang first aid kit sa kinuhaan niya at kinuha ang isang bag na may lamang mga pagkain.
"KAIN TIME! Nagluto ako, pabalik narin naman Tito mo at pinapunta ko nalang dito si Kuya Daniel at Kuya Derick mo para sabay tayo kumain. Hihi." Masiglang sambit ng Tita niya at inayos na ang pagkain nila sa mesa habang siya ay napapangiti nalang at umupo sa swivel chair niya at inasikaso ang ilang papeles na naroroon.
SA kalagitnaan sa mga ginagawa nila ay pumasok ang tatlong lalaki na hinihintay nila na nagtatawanan pa. Kaya agad lumingon ang Tita niya at hinarap ang dalawa na agad napahinto at parang isang nakakataas na opisyal silang nanahimik at umayos ng tayo.
"Bakit ngayon lang kayo?" Mataray na tanong ng Tiya niya sa tatlo. Siya naman tong aliw na aliw na nanunuod lang at napapangiti pa.
"Pasensya na po Ma, si Daniel po kasi ang bagal kumilos. Kaya natagalan po kami." Pag rarason ni Derick na kaagad naman siyang sinamaan ng tingin ng kapatid niya.
"Hep! Magtititigan pa eh. Ikaw naman?" At lumapit pa siya sa asawa niya na tuwid na nakatayo.
"Natagalan po kami sa crime scene Ma'am!" Sabay tawa nila. Napapailing nalang siya sa pamilyang kasama niya at sumali sa kanila. Makukulit at masisiyahing mga tao.
"Yuyo!!" Hiyaw nina Daniel at Derick sabay hablot sa kanya at inipit ng yakap ng dalawa.
"Aray! Kuyaaaaaaa! Bitaw!" Pagpupumiglas niya at maigap na lumusot lang kaya nakawala sa yakap ng dalawang pinsan niya. Yes, pinsan niya lang ang kambal na Kuya-Kuyahan niya.
"Grabe si Yuyo, ayaw na magpayakap. Diba bunsoy ka namin?" Umpisa ni Daniel at inakbayan pa siya.
"Eh ano ngayon?" Sabay alis niya ng akbay ng pinsan niya. Humalakhak lang sila at sumunod sa kanyang pumunta sa hapag kainan.
"Naku, Jessy baby girl di ka na nasanay dyan sa dalwang yan. Nagmana yan ng kakulitan sa tatay nila." Sambit ng Tiyahin niya.
"Arghno? Hirndri asfh!" Angal ng Tiyuhin niya na kumakain na.
"Uncle, try mo munang lunukin yan. Magkakaintidihan tayo ng maayos dito." Sabi niya at nagsisimula ng kumain. Nakikipag-agawan pa nga yung dalawang pinsan niya sa kanya. Inaasar nanaman siya.
"Kuya! Babarilin ko kayo! Walang halong biro! Nagugutom na ako!" Reklamo niya. Dahil sa pagbabantang yun ay silang dalawa mismo ang naglagay ng mga pagkain sa plato ng pinsan nila at ngumiti na halatang natakot rin.
"Pwahaha! Ang cute niyo mga anak. Takot rin naman pala kayo kay Yuyo natin eh." Halakhak ng Auntie niya.
"Aba ma, mahirap na mabawasan gwapo sa mundo kapag binaril kami niyang ni Yuyo." Nabilaukan naman ang Papa nila sa sinabi ni Daniel.
"Saan mo nakuha kahanginan mong bata ka? Sinong nagsabi sayo na gwapo ka?" Sali niya.
"Haha nice one Pa. Diba ako naman talaga gwapo dito?" Singit din ni Derick at nagpogi pose pa. Sandaling katahimikan at nakapoker face lang sila sa kanya at sabay na nagsalita.
"HINDI!"
"Anak nyo ba talaga kami? Huhu" pag dadrama nung dalawa pero hindi na sila pinansin nung tatlo na busy na kumakain.
"Naman oh! Yuyo, diba gwapo ako?" Pangungulit ni Daniel sa pinsan niya na kahit isang segundo manlang hindi siya pinansin.
"Hala, ako kaya! Diba Yuyo? Gwapo si Kuya Derick diba?"
"Tange, mas gwapo ako!"
"Tange ka rin, mas gwapo ako sayo!"
"Anak ko naman kayo oh! Ako lang gwapo dito! Umangal pa kayo pagbabarilin ko kayong dalawa." Sabat ng Papa nila.
"Whoo! Ang gwapo talaga ni Papa!" *clap clap* hiyaw nilang Dalawa.
Nagsitawanan lang sila sa kakulitan nila. Kahit na hindi iyon ang mga magulang ni Jessy, ay alam niyang tanggap niya nila. Tinuring nang isang pamilya. Kapatid ng Mama niya ang Tiyuhin niya, at dahil sila nalang ang natirang pamilya niya ay sila nalang ang kumupkop sa kanila.
Siya si Jessica Anne Pelandez. Isang ulilang lubos dahil sa isang trahedyang hinding-hindi niya makakalimutan. At ang dahilan ng pagpasok niya sa mundong ginagalawan niya ngayon.
--------------------------------------------------------------
Tbc...