Mask Tahimik kong tinanggap ang roba na inabot sa akin ni pekpek eater. Nakaupo ako sa dulo ng kama. Hinila niya ang isang upuan papunta sa may harap ko bago umupo roon. Tinitigan niya ako. "Ano gagawin ko rito?" mahinahon kong tanong. "Remove your cloth. You'll receive your lashes naked," seryosong saad niya. Napasinghap ako at dumiin ang hawak sa roba. "Masakit ba talaga 'yon?" kinakabahan kong tanong. "Yes. Masusugatan ang likod mo. Mahihiwa ang balat mo," mariin niyang saad. Napapikit ako. I shivered when I imagined it. Nakagat ko ang labi at pinigilan ang pag-iyak. Isa ito sa kaunting kinakatakutan ko. Iyong papahirapan ako. "Pwede bang patayin na lang agad ako?" bulong ko. "You will not die, Lucieta. You will bear the pain. This is your punishment for your wrong act," aniya.

