Kumunot ang noo niya, lito sa sinasabi ko. I gritted my teeth and look away. Pilit naman niyang hinuli ang aking paningin. Pumulupot ang isa niyang braso sa aking likod at hinila ako palapit sa kaniya. His other hand caressed my face, as gentle as he can. "Baby, please be more specific," he uttered. Mariin ko siyang tinitigan. Gusto kong gamitin ang inis at takot na nararamdaman ko para pagsabihan siya ngunit parang matutunaw ako sa mga titig niya. Binaba ko ang paningin at napatitig sa kaniyang dibdib. He held my chin to make me look at him. Nilikot ko ang mga mata at sa iba tumingin. "You killed the man without mercy," saad ko. "Uh-huh... What else?" Napaismid ako at sinamaan siya ng tingin. "Anong what else? I said I don't like what you did! Let's focus on that. Explain yourself,

