"Sobra ko bang ganda para tingnan nila ako ng ganyan?" bulong ni Athena habang papasok sila sa mansion ng mga lola pipay n'ya. "Ako ang tinitingnan nila wag kang assuming." nakangiting bulong ni Dean. "Talaga ba sige nga mag hiwalay tayo." hamon ni Athena na bibitaw sana sa braso ng asawa ng pigilan s'ya ni Dean na guwapong-guwapo din naman talaga sa suot nitong black, red tuxedo na katerno ng evening dress na suot n'ya. "They're looking at you and I'm starting to envy you and I'm proud because you stand beside me." bulong ni Dean habang nag lalakad sila. Natigilan sa pag hakbang si Athena ng makita ang buong family Binetez na naroon na katabi ng tunay n'yang mga magulang. Nilingon n'ya si Dean na tinapik ang kamay n'ya nakahawak sa braso nito. "Ate." bati agad ni Keonna na lumapit s

