"Bakit ka naiyak?" tanong ni Luzifer sa asawa habang naka-upo sila sa malawak na garden nila at pinapanood ang 6 na apo na bago pa lang natututong mag lakad. Binilihan nila ang mga ito ng malaking inflatable pool na pang infant kaya tuwang-tuwa naman ang mga itong nag lalaro roon kasama na ang mga anak na malalaki pero s'yang mga tuwang-tuwang na nag gagapang sa tubig na hindi man lang umabot sa binti ng mga ito dahil pang infant nga kaya ang tubig ay hanggang paa lang ng 6 na batang nag lalaro, Kaya na iiyak si Barbie kita n'ya sa mukha ng panganay na anak na sabik na sabik itong maging bata ulit. May anak na ito pero heto s'ya pang na ngunguna sa pag tili at pag sigaw. Natutuwa itong pina iiyak ang mga anak kaya naman ang ending mas habol ang mga bata sa ama ng mga ito na kahit sa uma

