Nagising si Dean sa sinag ng araw na tumatama sa mukha n'ya, sa sobrang pagod n'ya kahapon at sa pag sama ng pakiramdam n'ya after s'yang pakainin ni Athena ng adobong palaka, na kahit na tutulog na s'ya na nanaginip pa din s'yang nag susuka. Hindi s'ya makapaniwala na todo sipsip pa s'ya sa buto at sarap na sarap pa s'ya. Todo suka na s'ya tawang-tawa pa si Athena, pinipilit pa s'ya umuwi dahil wala daw pagkain dun kundi mga exotic food at native, kundi daw n'ya kayang kumain ng ganun umuwi na daw s'ya ng manila. Napangiwi ng bangon si Dean nanakit talaga ang katawan n'ya, lagot talaga sa kanya si Jupiter pag-uwi n'ya sa Manila. Paniwalang paniwala s'ya sa pa zipline na sinasabi nito. Pinag tiyagaan n'ya na sumakay ng kalabaw ng 30 minutes, madali sa kanya sumakay sa kabayo pero ang hir

