"Hoy! Bakit ka hindi umattend ng gathering." bulalas ni Jupiter ng tawagan si Athena na maagang humilata dahil inaantok na s'ya kahit 9pm pa lang naman. Ngayon ang pa event ng Lagdameo at nakapag paalam na s'ya sa angkan ng asawa n'ya na hindi s'ya makakapunta dahil nga iniiwasan n'yang makagawa ng pag-uusapan ng mga taga high society. Marami s'yang pera pero lahat ng pera n'ya galing sa masama, mayaman s'ya in other term pero hindi s'ya sosyal at hindi n'ya kayang makipag sabayan sa mundo ni Dean at para sa asawa wala naman itong paki-alam pero s'ya may paki-alam. Kilala at sikat si Dean sa larangan ng negosyo, hindi makakabuti sa image nito ang isang tulad n'ya na kapag bumukas ang bibig kita na agad na wala s'yang breeding. May pinag-aralan s'ya at matalino s'ya yun nga lang hindi tal

