Nakatingin sa kisame si Athena, na iinis s'ya kapag ganun katahimik si Dean. Mas mabuti pa itong hindi nauwi kesa nandun nga pero hindi naman s'ya kinakausap. Madalas pa itong halos gabing-gabi ng umuwi hindi na nga s'ya nagagalit dahil kita naman n'yang pagod ito, minsan magigising na lang s'ya naka corporate attire pa itong natutulog. May pag kakataon din na basta na lang din itong tatabi ng higa sa kanya sa kama at yayakap minuto lang tulog na ito. Hindi s'ya maawain pero pag dating kay Dean ang bilis lumambot ng puso n'ya kaya na iinis s'ya. Alam naman n'ya din kasi na dahil sa kanya kaya tumambak ang trabaho nito sa office dahil sa pag aalalaga at pag babantay nito sa kanya noong nasa hospital s'ya pero hindi naman n'ya sinabi na bantayan at alagaan s'ya nito kaya n'yang bumayad ng

