2 hours before the battle mode... - - - - - "Hindi kakayanin ni Athena ang laban n'ya, we need to help her," ani Madison. "Malabong manalo s'yang mag-isa." wika naman ni Jupiter na umiiling. "Suicide ang gagawin n'ya." wika naman ni Abby. "Nakita na ba ni Dean si Athena?" tanong pa ni Madison sa kabilang linya. "Hindi pa pero may nag report sa pulis na may tao sa bahay n'ya sa Quezon City, kung alam na n'yang s'ya si Noah. Isa lang ang pupuntahan nun ang bahay ng ama n'yang nasa Rizal sabi ni Dean dahil hostage ni Emperor ang mga Benitez." ani Abby. "Sasama ba kayo? Pupuntahan ko si Athena with or without you guys." wika ni Jupiter. "We're all in." sagot naman ni Madison na sinang-ayunan naman ng dalawa at nag-usap kung saan sila mag kikita -kita. "Where are you going?" tanon

