"Kaninong idea ito?" tanong ni Dean ng pumasok sila sa parang isang parang fashion show. "Akala ko ba stag party ano to?" tanong pa ni Dean ng lapitan sila ng event organizer na nag pakilala. Inihatid sila nito kung saan sila uupong mga boys. Na nagtawanan ng makita ang iba pa nilang mga kaibigan na naroon at sarap na ng upo. "Juicko tagal n'yo.' ani Blue. "Kayo na lang iniintay mga pa VIP kayong masyado," wika naman ni Doel. "Akala ko stag party ni Dean? ano to?' tanong ni Jasper na naupo na din na napakunot pa ang noo ng abutan sila ng organizer ng placard na may mga number. "Oo nga! idea ito ni Ate Shine, since hindi pinayagan si Dean na mag stag party kaya si Ate Shine na ang nag asikaso para daw pumayag na si Athena." sagot ni Doel. "Fashion show to diba?" nag palingon-lingon na

