"Noahlyn," tawag ni Barbie ng makita ang anak na pababa ng hagdan na may hila-hilang maleta. "Hayaan mo na s'ya," galit na wika ni Luzifer na galit na nakatingin sa anak. "Tandaan mo oras na umalis ka sa pamamahay na ito, you will no longer a Brichmore. Hindi ka namin pinalalayas at hindi ka rin namin inaalisan ng karapatan bilang legal na Brichmore pero kung magkakaganyan ka dahil lang makakasama na namin ang tunay namin anak, wag kang selfish dahil maayos ka namin panalaki na parang hindi ibang tao." mariin na wika ni Luzifer, hindi naman magawang makakilos ni Noahlyn dahil sa sinabi ng ama. "Mas malawak dapat ang pang-unawa mo sa kapatid mo Noahlyn, ibang-iba ang paraan ng ginawang pag papalaki kay Athena. Hindi normal ang lahat ng pinag daanan n'ya kaya utang na loob naman please l

