Napangiti si Athena ng makita ang libro na nasa sofa, iyon yung libro na regalo n'ya sa ina. Mukhang paulit-ulit nitong binabasa dahil halata mo sa mga pages nun na palagi yung nababasa. Napatingala s'ya ng makita ang malakas na halakhak ng ina na akala mo e kinikiliti sa singit. Napangiti naman s'ya ng makita ang ama at ina na nag lalakad na mag kaakbay na mukhang may ginawang milagro ang mga ito. Kaya naman napa halukipkip s'ya habang pababa na ang mga ito, solong-solo ng mga ito ang bahay dahil wala ang mga kapatid n'ya habang si Noahlyn naman ay sa gabi lang ang alam n'yang nauwi ito dahil busy sa trabaho. "Anak.' tuwang-tuwa naman ang ina ng makita s'ya saka ito nag mamadaling bumitaw sa asawa. "Bakit ka umuwi? dito ka ba muna mag s-stay excited na tanong pa ni Barbara. "Hmmmp! Hi

