Minsan yung mga bagay na gusto natin, na hindi natin aakalain na mangyayari, madalas yun pa ang nagaganap, hindi totoo ang himala o ang miracle, pero miracle do exist for those believe, kasi marami naman talagang bagay ang nangyayari sa atin sa araw-araw at halos lahat yun hindi natin pinaplano, pero nangyayari yun dahil yun ang naka tadhana sa atin, tadhana na kaloob nang may kapal sa atin :)
***
"Ms. Sarco, may new client po tayo, sponsor din po sila nang Child's Angel Orphanage, sa loob nang 8 yrs., so Simula po nung nandun ka pa sponsor na sila doon, and nalaman nila na sponsor ka din po, at sakto na naghahanap sila nang bagong supplier, so gusto ka daw po ma meet nang vice president tomorrow 10am sharp"
Grabe talaga itong secretary ko, detail kung detail, hahaha kanang kamay ko rin sya, kasama ko na sya Simula nang itatag ko ang business ko
"Ok, copy" sagot ko
***
Akala ko pagmamasdan ko na lang sya sa malayo, akala ko hindi ko na malalapitan ang taong mahal ko, pero eto sya ngayon kaharap ko, hindi ko pa expected na sya pala yung ime-meet ko, its been 8 years since the last time I saw him closer, pero ang tanong natandaan pa kaya nya ako?, kagaya kung paano ko sya natatandaan?
"Hi! Good morning, I'm Adrian Castillo" sabi nya sabay lahad nang kamay nya
Kunyari hindi ko sya kilala, tapos ini abot ko din ang kamay nya
"Brenda Sarco, nice meeting you Mr. Castillo"
"I know someone like your name, ah nevermind"
Natigilan ako sa sinabi nya, so kilala nya pa rin pala ako, hindi ko namalayan nasabi ko na ang ayaw ko muna sanang sabihin
"That someone is me, kumusta ka na?, 8 long years past" parang gulat ang expression nya
"Is there's something wrong?, Mr. Castillo?, pasensya ka na sakin, let's start the dealing now"
"Can we talk?"
"We are talking now then :) "
"No, not about business first"
Tumango ako sa secretary ko, nag excuse at tumayo na sya, ganun din ang ginawa nang secretary nya
Ako na ang nangahas na magsalita
"I've become successful because of your farewell message, at ang pinaka masaya tinanggap at pinatawad na ako nang family ko, hehehe"
"Do you really know me?"
"Sorry, hindi mo na pala ako natatandaan, nag assume lang ako, kasama mo ko sa Child's Angel Orphanage"
"5 years ago, I got a car accident, then nagkaroon ako nang brain damage, meron akong temporary Amnesia, but my doctors say, babalik naman daw ang memory ko, sooner!"
Nagulat ako sa sinabi nya, at hindi ako naka imik
"So I became a part of your life?" He ask
Dun lang ako para biglang natauhan, at ngumiti nang malawak
"You play a BIG part of my life" sabi ko sakanya
Pagkatapos nang meeting, nag sign na sila nang contract sa amin
4 days after nang pag-uusap namin, nagkaroon ako nang meeting sa Singapore, isa sa big client ko,
Pumunta ko dun kasama nang secretary ko, nag stay kami dun for 5 months kasi matapos ang meeting, nagpasya ang client ko na tulungan ako na magtayo nang branch sa Singapore nag offer sya nang partnership sakin, sino ba naman ako para tumangi, itinayo at ini stable pa namin ito bago ako bumalik
***
Isang Magandang balita ang isinalubong ni bernadeth sa akin pag uwi ko
"Ate, I'm getting married" sabay pakita nya nang singsing niya sa akin
Halatang excited sya
"Congratulations"
"Ikaw ang maid of honor ko ha?"
"Sure, :) I'm glad sis"
Ang saya lang na makita ko ang kapatid ko na ganito ka saya, Sana alagaan sya nang lalaking pakakasalan nya.
****
Pero hindi ko na pala, kailangan mag-alala sa kapatid ko, kasi sigurado ako na aalagaan sya ng lalaking pakakasalan nya
***
Akala ko may pag-asa pa ko na mahalin nang taong mahal ko, pero Mali ako
Kasi yung lalaking mahal ko ikakasal na sya
At sa KAPATID ko iyon, gustuhin ko man na tutulan iyon, pero Mali, hindi naman kasi talaga lahat may happy ending , pero never think that life is unfair , successful na ako at napatawad na ako nang pamilya ko, masaya na kami, masaya na rin ako sapat na muna yun sa ngayon, hindi talaga perpekto ang buhay nang tao dahil palaging may missing part, at sa kabila nang imperfections dapat hanapin natin at tanggapin nang buo ang perfection na naka tago.
****************
3 taon na ang nakalipas Simula nang ikasal si bernadeth at Adrian
Sinanay ko na rin na hindi sya tawagin na lalaking mahal ko after all asawa na sya nang kapatid ko
Bumalik na rin ang memory nya, naaalala nya na ko, sabi nya ako daw ang bestfriend nya.
Pinilit ko ang sarili ko na makapag move-on, pero mahirap pala, lalo na kung malaki ang naging papel nya sa buhay mo, lagi kong kinakausap sila sister sa ampunan, humihingi ako nang payo kahit hindi nila alam kung sino yun, kahit paano nakakatulong, pero wala eh nabawasan lang pero hindi nawala, tama nga ang sabi nila
'Kapag minahal mo na ang isang tao, hindi na mawawala yun, pwede lang mapaltan, kung dating mahal mo sya bilang girlfriend or boyfriend pwede nang maging mahal mo sya bilang kaibigan na lang, pero yung love and care mo para sa tao na yun hindi na mawawala'
'Kung sinabi mo na hindi ko na sya mahal dahil galit ako sakanya, dahil sinaktan nya ko'
akala mo lang yun
Kasi once na you really over him or her you will learn to forgive
Pero hanggang nasasaktan ka pa nang dahil sakanya, nangangahulugan lang yun na mahal mo pa rin sya
Kasi hindi mo naman na mararamdaman yung pain, kung hindi mo na sya mahal
Kasi ang ibig sabihin nang I hate you
'mahal kita, kaya nasasaktan mo ako'
May pamangkin na ko nagka anak na si bernadeth at Adrian, ako? Eto NBSB pa rin, pero masaya ako na ialay ang oras ko sa mga taong mahal ko, Kay daddy (na tumatanda na), Kay bernadeth, sa pamangkin ko, sa mga sister, pati sa mga bata sa ampunan na talagang nangangailangan nang aruga at syempre Kay God na walang sawang ginagabayan ako.
Pinamana na ni dad yung company nya sa amin ni bernadeth, dalawa na tuloy yung Mina manage ko :) tinutulungan naman ako ni dad, kasi nag-aral ulit ako, balak Sana ni berandeth imerge yung share nya sa company nila Adrian, pero syempre bilang ate tinutulan ko yun, ayokong balang araw mahirapan sya, tyaka isa pa boss na sya dito, pag doon magiging share holder lang sya, atleast dito mamomonitor ko sya.
Naniniwala ako na may ibang tao ang nakalaan para sa akin, yung taong kayang suklian ang pagmamahal na kaya Kong ibigay, dadating sya kahit hindi ko na hilingin, kasi naniniwala ako sa Plano nang dyos para sa akin at pinagkakatiwala ko sakanya ang buhay na pinahiram nya sa akin, hindi para kontrolin kundi para mahalin at dalhin ako sa tamang landas
Siguro para sa iba hindi happy ending ang buhay ko, pero ako dahil masaya ako itinuturing ko na happy ending ang buhay ko,
eh sa wala naman talagang happy ending, sa fairytale lang makikita at mababasa, kasi sa reality nang life
"Every Ending is Just A New Beginning"
=Fin=
-raj.
=Thank you for reading hope you enjoy this :) =