Brenda Sarco POV 2

1307 Words
At inilagay nya ang bouquet na dala nya, nakita kong tumulo ang luha mula sa kanyang mata, nasasaktan ako kasi ngayon ko na lang sya ulit nakita, ngunit dahil sakin nahihirapan sya Masaya ko at lumaki sya na isang magandang babae, tiyak kong kinahuhumalingan sya nang kalalakihan, she's irresistible, sobrang saya ko dahil muli ko syang nakita, gusto ko syang yakapin, yung yakap na napaka higpit, yung yakap na madadama nya kung gaano ako nangungulila sa kanya, ngunit napaka impossible nang bagay na iyon, dahil tiyak kong malaki pa ang galit nya sakin bakit nga ba hindi? Eh ako lang naman ang dahilan kung bakit maaga syang nawalay sa piling nang kanyang ina, sinimulan kong tumalikod at ihakbang ang mga paa ko, ayokong umiyak, sa ika tatlo kong hakbang, may tumulak sakin, at dahil masyado na kong nanghina sa mga eksena kanina. Agad akong nasubsob, si bernadeth pala ang tumulak sakin, hinila nya ako sa braso papunta sa lapida nang kanyang Ina, sinabunutan nya ako, Sana sa gantong paraan naiibsan ko ang sakit na nararamdaman nya 20 years old na sya ngayon, sa loob nang sampung taon, tuwing sumasapit ang birthday nya, kinakantahan ko sya kahit di nya naririnig, binabati ko sya kahit di nya nakikita, binibilinan ko sya kahit hindi kami magkasama at pinagdarasal ko sya kahit hindi ko alam kung kumusta na sya. Patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata, Pagkatapos nagsalita sya nang mahina at halos pabulong na "Matagal ko nang gustong gawin yan sayo, bakit hindi ka lumaban?" At bakit naman ako lalaban sakanya?, wala akong karapatan na labanan sya, lalo na sa harap nang nanay nya?, nanay nya na dahilan kung bakit buhay pa ako, crazy, silly little girl "Your pathetic" Sabi nya sa gitna nang paghikbi nya Pero satingin ko hindi dahil "You're the one whose pathetic here" Sagot ko sakanya Pagkatapos humalaklak sya nang tawa, ang ganda nya tumawa Masaya ako na makita na nakakatawa sya "Don't go near me again, or else you'll regret it" madiing sambit nya Pinagbabantaan ba nya ako? Tumayo ako at handa nang umalis ngunit nung tumalikod ako, nakita ko si daddy palapit sa akin Sandali akong natigilan, sana pwede ko syang yakapin, ang tanda na nya pero hindi ito masyadong halata sa itsura nya, natauhan lang ako nang makita Kong nasa harap ko na sya "Brenda, is that you?" Paniniguro nya Tumango ako bilang sagot Isang malakas na sampal ang naramdaman ko at napa-upo ako sa lakas, pakiramdam ko humagis ang ulo ko "ok lang dad, i deserve this, Alam ko na ang babaeng mahal mo ay ang mama ni bernadeth, alam ko naman na accident lang yung pagkaka buntis ni mama, kaya wala kang choice kung hindi ang pakasalan sya, at iwan ang mama ni bernadeth , kung hindi dahil sakin naging masaya sana kayo" sabi ko kay dad nung nanganak si mommy hindi nya kinaya kaya maaga sya nawala 2 taon daw ako nang magbalikan si daddy at ang mama ni bernadeth, 3 years old naman ako nang ipanganak si bernadeth Masaya daw kami noon Pero noong nagka-isip naman ako hindi ko dama, na mahal ako ni dad Pinagpatuloy ko ang bagay na sinasabi ko Kay dad "Hindi ko dama na parte ako nang pamilya, alam ko naman na pati si lolo at Lola hindi ako gusto, kada sumasapit ang birthday ko, nakakatanggap lang ako nang greeting at gift, pero pag si bernadeth ang nag birthday, nagkakaroon nang party, kapag sakin busy ka, pero kapag kay bernadeth ok lang anytime, paano naman ako?, anak mo rin naman ako, hindi ba parang unfair naman yun?, yun yung sinabi ko nang gabi na yun, gusto ko lang naman pansinin mo ko dad, pero hindi ko naman ginusto na mangyari yun sa mama ni bernadeth, gusto ko lang sana kahit konting oras mapagbigyan mo ako, kahit ilang minuto lang dad, alam ko naman na pagkakamali ako, masama ba na manglimos ako nang oras mo?" Habang inaalala ko ang gabing iyon yung luhang pinipigilan ko, nag uunahan na silang makalabas sa mga Mata ko "Dad, I'm sorry, kung hindi ko sana sinabi yun, hindi mawawalan nang mama si bernadeth, tama ka dad, I'm sensitive, tama ka rin di naman ako dapat magreklamo kasi may nanny naman ako, may allowance and kaya kong bilin yung gusto ko, hindi kagaya nang ibang bata, na hindi maka Kain nang tatlong beses sa isang araw, I'm sorry dad, I'm sorry, alam ko naman na hindi mababalik nang sorry ko ang asawa mo, pero hindi ko yun nasabi noon, wag kang mag-alala dad, araw-araw ko pinagsisisihan yun, you don't need to pray for it, you can hurt me as well if that can lessen the pain, I'm really sorry" Lumipas ang ilang minuto na hikbi ko lang at ni bernadeth ang maririnig sa paligid "Stand up" nagulat ako sa biglaang salita ni dad, mahina at mahinahon ito "Alam mo ba kung Bakit?" Sabi ni dad "Ha?" Tanging nasagot ko sakanya "Kung bakit kita sinampal?" "Opo, sorry ako na lang dapat ang nawala, instead of her" "No, don't say that, inilabas ko lang naman ang nararamdaman ko, galit ako sayo, oo pero hindi yun dahil sa nangyari, dahil yun sa pag-iwan mo sa amin nang kapatid mo" "alam mo nangyari lang naman talaga lahat nang ito dahil sakin, im your dad, pero hindi ko yan pinaramdam sayo, hindi ka sensitive, insensitive lang ako, nasaktan kita, hindi lang isang beses, kundi paulit-ulit, may karapatan kang magalit sakin, pero hindi ka nagagalit sakin, mana ka talaga sa mommy mo pareho kayong napaka bait na tao, tama ka unfair ako, kasi nakalimutan kong dalawa nga pala ang anak ko, akala ko si bernadeth lang, at hindi lang ako sayo naging unfair kundi pati sayo bernadeth, kasi hinayaan kitang lumaki na walang ate, na kinamumuhian mo ang ate mo, dahil yun sa lahat nang sinasabi ko, pero na realize ko na lahat yun ginawa ko lang para pagtakpan ang sarili kong kasalanan, ang sarili kong kamalian, ako ang selfish dito, at dahil sa pagiging selfish ko kayo na mga anak ko ang nagdurusa, pinahirapan ko hindi lang ang sarili ko kung hindi pati kayong dalawa pati na rin ang mommy mo brenda, ang mommy mo bernadeth, kasalanan ko lahat ito, im sorry, pero itong pagkakataon na ito ang matagal ko nang hinihintay para i-tama ang pagkakamali ko, Brenda, Let's go home, umuwi ka na samin" inabot ako nang ilang segundo bago maka pag react, at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang bagay na matagal ko nang pinangarap na magawa, yan ay ang yakapin si daddy niyakap ko sya nang sobrang higpit at humagulgol na ako nang iyak, pagkatapos niyakap din kami ni bernadeth ****** dinala ko sila sa bahay ko "successful na pala ang anak ko, ilang taon ka na nga ba?" "23 po dad" "naka graduate ka ba nang college?" "opo dad" "wow, napaka wala ko talagang kwentang ama, wala man lang akong nagawa para sayo, ah teka naka pag masters degree ka na ba?" "dad, 2 yrs. degree program po ang kinuha ko" "2 yrs. lang?, pero napa asenso mo ang sarili mo, just great anak, alam ko na mag-aral ka ulit" "dad, hindi na po, paano naman po ang business ko, at ang mga taong umaasa sakin" "don't worry tutulungan kita" "oo nga ate, i-accept mo na ang offer ni dad, sayang yun, hahaha ako graduate na nag wo-work na ko sa company natin" "pinag malaki mo pa sa ate mo, eh hindi ka nga nag apply eh, hahaha" "hahahaha" napuno nang tawanan ang bahay, salamat lord, akala ko talaga hindi na darating ang araw na ito, ang araw na mabubuo ang pamilya ko, at mapapatawad nila ako. ***** Mula sa malayo kagaya nang nakagawian tinatanaw ko ang lalaking mahal ko, salamat sayo kasama ko na sila ngayon. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD