I'm Brenda Sarco 23 years old
********
10 years ago namatay ang step mother ko, namatay sya dahil sakin
I was 13 years old that time, meron akong half sister, who's 10 years old nung mga panahon na yun, malinaw sakanya at Kay dad lahat nang nangyari noon.
Gabi madilim, maraming taong nag uuwian, galing sa kanilang mga trabaho, maraming sasakyan.
I was running in the cross road, crying, kasi yung daddy ko at ako nagkaroon nang simpleng pagtatalo, kasalanan ko lahat masyado kasi akong sensitive, tama si dad simpleng bagay lang pinapalaki ko, at dahil sa sensitivity ko, may buhay na namang nawala nang dahil sakin.
Mabilis, madilim, magulo
Pero biglang bumagal, lumiwanag, at naging malinaw sakin ang mga sumunod na nangyari
Habang tumatakbo ako, Hindi ko namalayan nasa gitna na pala ako nang kalye nakita ko nalang ang 6 wheeler truck na konti nalang ang distansya sa lugar kung saan ako naka tayo, akala ko yun na ang huling araw na ilalagi ko sa mundong ibabaw pero hindi pala, kasi may tumulak sakin para mapunta ko sa gilid nang kalsada
*beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep* *trugggggggggggggggggggggsh* *boooooooooooooooooooooom*
i was shock!
shock is written all over my face
kitang-kita ko ang buong pangyayari
nakita ko sya
my stepmother hit by the truck
nagtalsikan ang mga dugo, umabot yun hanggang sa kinaroroonan ko
Nanginig ang buong katawan ko, wala akong naririnig sa mga nangyayari sa paligid, sumasakit ang ulo ko , puno nang takot ang nararamdaman ko, mag tatanung sakin pero hindi ko sya marinig, Hindi ko maibuka ang bibig ko.
Nung araw na yun,may nag buwis nanaman nang buhay para sakin.
alam kong Mali at kasalanan pero hiniling ko na sana ako nalang ang nawala
Kasi hindi nga ako namatay, pinatay naman ako nang pamilya ko sa puso nila
Sinisisi nila ko, at maski ako sinisisi ko rin ang sarili ko kung Hindi sana sa katangahan ko, kung hindi sana sa sensitivity ko hindi sana maagang mauulila sa ina ang kapatid ko, itinulad ko sya sakin
Yung mama ko namatay sya nung ipinanganak nya ko, Hindi nya kinaya, ngayon naman nawala rin ang step mom ko dahi din sakin, dahil rin niligtas nya ko kagaya nang ginawa nang mama ko.
I'm annoying, I'm useless.
Pero bakit kailangan pa nilang ibuwis ang sarili nilang buhay para sakin?, I'm good for nothing.
Nung maka - uwi kami sa bahay nakatanggap ako nang malakas na sampal mula sa daddy ko, pero wala akong maramdamang sakit, manhid na ang buong katawan ko, na kahit na sabunutan ako nang Lola ko wala akong maramdamang sakit,
Kahit may nakikita akong dugo sa palad ko dala nang pagbagsak ko wala pa rin sinasabi ang utak ko na masakit yung buong katawan ko
Siguro kasi yung physical na sakit, wala kung ikukumpara mo sa puso kong parang dinudurog nang mga oras na iyon
Dala na rin nang sobrang galit ni daddy pinalayas nya ko sa bahay namin nang walang kahit anu liban sa damit na suot ko, nung itapon nila ako sa lab as nang bahay namin, hindi ko Alam kung saan ako pupunta, wala akong ibang kamag-anak, wala akong ibang kaibigan, pero kusang naglalakad ang mga paa ko, malalim na ang gabi ngunit Hindi ako nakakaramdam nang antok, hindi ko rin kumakalam ang sikmura ko, malamang pati ito ay manhid na rin
Paulit-ulit sa utak ko ang pangyayari sa aking step mother
Natapos ang dilim sumilay ang umaga, sa pagkakataong iyon nakaramdam ako nang bagay na tumutulo sa Mata ko at umaagos sa pisngi ko, nga pala simula pala kagabi umiiyak na ko, gaano na kaya ka-maga ang Mata ko?
Unti-unti naramdaman ko na ang sakit sa buo Kong katawan, ang palad kong natuyo na ang mga dugo, ang pisngi kong parang sinuntok, ang ulo kong sobrang sakit, ang katawan kong hinang-hina, ang sikmura kong nakaramdam na nang pagkalam, at ang tenga kong naririnig na ang maiingay na sasakyan sa kalsada.
Hindi ko na kaya, panginoon kayo na po ang bahala sakin, pagka tapos kong aabihin yun sinimulan ko nang dahang-dahan na ipikit ang mga mata ko, Ngunit bago ko ito tuluyang maipikit nakita ko ang isang babae na palapit sa akin
Nakita Kong bumuka ang bibig nya pero hindi ko na kaya marinig ang sasabihin nya, tuluyan nang pumikit ang mata ko at nawalan nang malay
nagising ako nasa hospital ako, DSWD pala ang naka kuha sakin sa kalsada, pilit nilang inaalam kung anung nangyari sakin, kung sino ang pamilya ko, puro wala ang sagot ko sakanila
Dinala nila ako sa isang orphanage
duon walang kahit sino ang gustong maging kaibigan ko, ngunit isang araw isang lalaki ang nag approach sa akin "ako si adrian" he became my friend, Alam nya ang story ko pero hindi yun naging dahilan para layuan nya ako, dalawang taon kaming magkasama, 15 years old ako nung may pumunta sa orphanage sya pala yung nawawalang anak nang isa sa mga famous tycoon.
Sobrang nalungkot ako nung aalis na sya, bago sya umalis may ibinilin sya sakin
"Brenda, kaya tayo nabubuhay sa mundo kasi may mission tayo, hanapin mo ang misyon mo, tatandaan mo lagi na mahal tayo ni God :) mahal ka nang mom at step mom mo kaya handa silang mawala para sayo, wag mong sayangin ang sakripisyo nila para sayo, kung sa tingin mo hindi ka worth it, then make yourself worth it."
Pagkatapos ngumiti sya, ngiting nakaka pag pa ngiti din sakin
Lumipas na ang taon pero hanggang ngayon still nakatatak pa rin sakin lahat nang sinabi nya, wala akong nakakalimutan kahit isang salita sobrang nakatatak sakin lahat nang sinabi nya, sya ang dahilan kung kaya ako ay nagsumikap sa buhay
Ginawa ko ang makakaya ko para makapag tapos ako nang pag-aaral
Hindi ako ganun kayaman pero alam ko na may pinatunguhan ako sa buhay, yung ampunan na pinanggalingan ko scholar ko lahat nang bata duon, gusto ko matupad nila ang pangarap nila sa buhay, at magkaroon sila nang magandang pamilya
Masasabi Kong ang sampung taon kong paghihirap ay nag bunga, ang sakit na pinagdaanan ko yun ang naging inspirasyon ko para matahak ang daan na patungo sa kinatatayuan ko ngayon, siguro nga sabi nang iba may kulang sa buhay ko, pero hindi mo dapat hanapin ang kulang, dahil ang dapat mong gawin pahalagahan ang mga Tao at bagay na nasa paligid mo
'gawin nating lakas ang nakaraan, pahalagahan ang kasalukuyan at hayaan ang dyos na ihanda ka sa iyong kinabukasan'
Para sa akin, naniniwala ako na ang kahaharapin ko sa hinaharap ay biyaya nang dyos na dapat Kong tanggapin ng buong puso, masaya man o hindi, may happy ending man o wala, kapag niyakap natin magiging masaya tayo.
Mula sa malayo lagi kong tinatanaw ang lalaking mahal ko, 8 taon na ang nakalipas Simula nang huli ko syang maka-usap
Hindi pa rin sya nagbabago sya pa rin ang pala ngiting Adrian na nakilala at naging kaibigan ko sa ampunan.
Simula kasi nang maging working student ako hinanap ko sya tapos palagi ko syang sinusulyapan hindi ko naman kasi sya pwede lapitan bukod kasi sa wala akong lakas nang loob may mga body guards pa sya.
Natagpuan ko rin ang cemetery nang mommy at step mom ko, sa loob nang ilang taon almost everyday ko silang binibisita, until one day nakita ako ni bernadeth, sya ang half sister ko, nung una nabigla sya, tinitigan nya ko, maya-maya she slap me left and right cheek, ngayon hindi na ko na kailangan mag lagay nang blush - on kasi meron na ko nun, makakatipid ako sa blush - on hahaha
No one dare to kill the silence, itinapon nya ang bouquet na dinala ko para sa mama nya