HIDDEN MOTIVE

1043 Words
Naging usap-usapan sa buong isla ang pagkamatay ng gang ni Jackson simula ng matagpuan ang mga bangkay nito. Ang ipinagtataka ni Jera ay parang walang ginagawang hakbang ang pamilya ng mga ito upang alamin kung may foulplay sa pagkaubos ng magkakabarkada. Parang hinayaan na lang ng mga ito ang mga nanyari at wala ni isa man ang nanghihingi ng hustisya. "Namatay na pala sila Jackson, bakit parang tahimik ang buong pamilya ng mga biktima?" painosente niyang tanong kay Pete. Kasama niya itong nag-aalmusal sa bahay nito. Doon kasi siya natulog dahil hindi na siya nito pinauwi kagabi. "Yes, ang sabi ay nadali daw ng mga trap sa gubat," sagot ng binata. "Ano namang dahilan para mag-ingay ang pamilya nila? It's clearly their fault kung bakit sila namatay. Matagal na nilang alam na delikado magpunta sa gubat pero nagpunta pa rin sila. Mahirap kasi kapag laking mayaman at walang alam sa gubat. Siguro namatay sila isa-isa dahil at natakot na 'yung iba pagkakita sa mga kasamang nauna nang binawian ng buhay kaya lalong nataranta." "I see..." ani Jera. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip parang ang kalmado rin ni Pete. HIndi ba ito magtatanong kung may alam siya lalo na at siya ang huling nakaaway ni Jackson? Hindi man lang ba siya nito tatanungin? Hindi ba ito naghihinala sa kanya? "Look, matagal nang salot dito sa isla ang magbabarkadang iyon at ang kamatayan nila ay sini-celebrate na ng tagarito. Imagine kung gaano sila kasaya na wala ng manggugulo at mananakot dito sa atin." Wika ni Pete sa kanya. "Kumain ka na, lumalamig na ang kape mo." Dagdag nito. Tahimik siyang sumunod sa binata ngunit hindi mawaglit sa isip niya kung sino ang tumulong sa kanya ng araw na iyon. Sino ang bumaril kay Jackson? Bakit walang balita tungkol sa balang tuama sa katawan nito? Bakit ang usap-usapan ng mga tao ay lahat ng magkakaibigan ay nasilo ng mga bitag na para sa mga ligaw na hayop? 'I need to investigate, something is off...' aniya sa sarili. Samantala tahimik na ring kumakain si Pete ngunit panaka-naka nitong tinitingnan ang dalaga. Lihim din itong nagdadasal na sana ay hindi na gumawa pa ng kung ano si Jera para sa ikakatahimik ng lahat. Bahagya pang napapitlag si Pete nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Mabilis niya iyong dinampot at lumayo ng bahagya mula sa dalaga para kausapin ang tumawag sa kanya. "Ano ang balita?" kaagad na tanong niya. "Okay na boss, malinis na ang lahat. Wala ka ng dapat ipag-alala. Wala magtatangkang mag ungkat pa ng nangyari sa gubat." Anang lalaki sa kabilang linya. "Good." "Sasabihin mo ba kay Jera na ikaw ang tumulong sa kanya?" tanon nito makaraan ang ilang sandali. "No, hindi na niya dapat pang malaman na may alam ako. Baka pagsuspetsahan niya kung sino ako kung sakali man na malaman niya na may kinalaman ako sa nangyari sa gubat. Hindi iyan ang plano ko para sa kanya." Anang binata habang nakatitig sa dalaga na tahimik habang humihigop ng kape. "Sige boss, ikaw ang bahala. Kapag may kailangan ka, tawag ka lang sa'kin," anang lalaki. "I think, I won't be needing your help for the time being. Umuwi ka muna ng Pilipinas para magbakasyon. Kaya ko na mag-isa rito huwag kang mag-alala." Aniya. "Sigurado ka boss?" paniniyak ng lalaki. "Paano kayo ni Jera, wala ng magbabantay sa inyo." "Wala na tayong dapat ipag-alala wala na si Jackson kaya wala na ring manggugulo. Magiging tahimik na rin dito." "Sige boss, kung iyan ang gusto mo. Maraming salamat!" anang kausap. "Isesend ko sa'yo ang mga kakailanganin mong pera pag-uwi and don't bother to contact me again unless ako mismo ang lumapit sa'yo. Mag-iingat ka!" pagtatapos niya sa usapan nilang dalawa. Mabilis siyang bumalik sa tabi ni Jera pagkatapos ng pakikipag-usap niya sa tauhan. Balak niyang ipasyal palibot sa isla ang dalaga. Ipapakilala niya rin ito sa iba niyang kaanak na doon na rin naninirahan. Gusto niyang makalimutan ni Jera ang mga nangyari sa gubat. Ayaw niya ring bigyan pa ng pagkakataon ang dalaga na may gawin na naman ito. Ayaw niyang malaman ni Jera na naroon siya sa gubat ng araw na iyon. Jera needs to forget everything so they could start anew. Looking back won't help them move forward. Samantala, tahimik naman na tumatangis si Yelena sa harapan ng puntod ng anak. Ilang taon na ang nakalipas mula nang mamatay ito ngunit hindi niya pa rin iyon matanggap. Masakit para sa kanya na namatay ito na wala man lang siyang nagawa para tulungan ito. Kung sana ay napigilan niya noon si Jera ay hindi mamamatay ang kaisa-isa niyang anak. Kasama niya pa sana ito at hindi pa rin nabubuwag ang Armageddon. "Don't worry, son. Malapit ko ng maipaghiganti ang pagkamatay mo. Malapit na ang pagtutuos namin ni Jera at sisiguraduhin ko na sunod naming pagkikita ay siya naman ang iiyak sa aming dalawa. I won't let her win this time!" puno ng poot na wika ng ginang. Mahigpit nitong ikinuyom ang mga kamao habang patuloy na tumatangis. Walang kasing sakit para sa kanya ang mawalan ng kaisa-isang anak. "Madam Yelena, dumating na po ang hinihintay ninyo..." untag sa kanya ng isa niyang tauhan. "Let her in." Mabilis niyang sagot. Pinalis niya ang mga luha sa pisngi at hinarap ang kanyang bisita. "Madam Yelena, kumusta?" sambit ng bisita. "Ano ang balita?" walang paligoy-ligoy na sagot niya. "She's doing great, wala siyang kaalam-alam na we're tailing her all along." Sagot ng babae. Hindi na ito naghintay na imbitahan na maupo dahil ito na mismo ang umupo ng pasalampak sa sofa paharap sa matanda. "Huwag kang pakakasiguro na wala siyang alam. Isa sa talento ni Jera ay ang magkunwaring walang alam. Baka isang araw magulat ka na lang na binabalatan ka na niya ng buhay." Babala ng ginang. "Huwag kang mag-alala, she'll never do that. Siniguro kong wala siyang alam, ni hindi nga siya maghihinala na may rason kung bakit nasa tabi niya ako all these years." Kampanteng sagot ng kaharap. Ngumisi si Yelena sabay tingin muli sa kausap. "You are a complete fool if you're thinking na mabilis na mauto si Jera. She is well trained. Ang maipapayo ko lang sa iyo ay huwag kang masyadong mayabang. Baka iyan ang ikamatay mo." Babala muli ng ginang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD