Dalawang araw magmula nang makita niya ang lalaki ay nananatili pa rin siya sa kanyang kwarto. Hindi niya alam ngunit wala siyang lakas ng loob para maglakad-lakad sa labas. O mas tamang sabihin na natatakot siya sa kanyang makikita tapos ipapamukha lang sa kanya ang reyalidad na wala iyong katotohanan. Masakit para sa kanya iyon at hangga't maaari ay ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit ng kalooban niya.
Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot nang maulinigan niya ang pagbubukas ng pinto. Alam niyang si Jen iyon at tiyak na kukulitin na naman siya nito. Magkahiwalay sila ng kwarto ng kaibigan ngunit nakiusap siguro ito sa staff ng tinutuluyan nila para makapasok sa kwarto niya para kulitin siya.
"Don't even bother, Jera. I saw you're awake, c'mon!" anito sabay hiklas ng kumot niya.
"I'm sleepy, Jen..." sagot niya na hindi man lang tumitingin dito.
"No, you're not!" piksi nito. "You can't fool me, okay?"
"Unfortunately, yes, I am sleepy, no joke! So please, let me be!" giit niya.
Humugot ng buntong-hininga ang kaibigan kasabay ng pag-upo nito sa tabi niya. "Jera, imposibleng makaramdam ka pa rin ng antok sa ilang araw mong pagmumukmok dito sa kwarto. Alam kong hindi ka rin nakakatulog, kita sa mga mata mo. Tara sa labas, kailangan mo ng sariwang hangin at ng maarawan ka na rin."
"Wala ako sa mood lumabas, pakiramdam ko mas okay na nandito lang ako sa loob." Aniya.
"Have you gone mad? Para saan pa at gumastos tayo nang malaki para sa trip na 'to para lang magbilang ka ng butiki sa kisame, aber?! Kung alam ko lang na ganito lang ang gagawin mo, hindi na sana tayo umalis pa ng Maynila. Jera naman!"
"I just can't stand going outside, baka kung ano na naman ang makita ko! It's killing me, Jen..." sagot niya.
Napailing-iling ang kaibigan. "Yun naman pala ang dahilan, sabi ko na nga ba eh! Stop it, will you? Forget what you saw, please!"
"How? Tell me, Jen, paano? Gusto ko ring malaman eh, paano nga ba?" ganting sagot niya rito.
"I know it's been so hard for you. I know your suffering all these years. Believe me, I saw everything, Jera. Kaya nga hangga't maaari gusto kong makalimot ka. Hindi madali at alam ko 'yon but you can do it one step at a time. You've already come this far, don't forget that. Huwag mo sanang hayaan na mabalewala ang ilang taon na nalampasan mo na dahil lang sa nakita mong isang tao na hindi ka sure kung nageexist nga. Pinaparusahan mo na ng sobra ang sarili mo and believe me when I tell you na nasasaktan rin ako na makita kang nagkakaganyan."
Siya naman ang napahugot ng malalim na paghinga. Nararamdaman niya rin ang bahagyang pag-init ng kanyang mga mata tanda na muli na namang tutulo ang mga luha niya. Hindi niya alam pero kapag si Jen ang kaharap niya ay nagiging vulnerable siya. Bigla niyang nakakalimutan na minsan siyang naging assassin na kinatatakutan ng lahat.
"I'm trying..." humihikbing sagot niya.
"Halika nga rito, let me give you a power hug!" ani Jen. Ito na mismo ang lumapit sa kanya at binigyan siya nang mahigpit na yakap. Para itong isang ina na nag-aaruga sa kanyang anak. Marahan nitong tinatapik ang likod niya na parang sinasabi nito na okay lang na umiyak siya sa mga balikat nito at iyon nga ang ginawa niya. She cried her heart out. At that moment, ang kaibigan niya ang naging anchor niya.
"Sige lang, iiyak mo lang... But promise me na pagkatapos nito, you'll try even harder to be okay. Don't be too hard on yourself, Jera. I am begging you, para na rin kitang kapatid and it pains me knowing you're still not okay. Kung palagi mong iisipin at lilingunin ang nakaraan, mawawalan ka ng focus sa hinaharap and believe me that's the biggest betrayal na magagawa mo sa sarili mo. What you've lost in the past stays in the past. Alam kong hindi madali dahil hindi naman simpleng bagay lang ang nawala sa'yo pero kung palagi kang magiging ganito, paano ka naman? You've got a bright future ahead and I hope nakikita mo 'yon."
"If I could only turn back time..." humihikbing aniya.
"But, we can't and you know that. If your baby is watching, malulungkot 'yon sigurado pati na si Kai dahil nakikita ka nilang ganyan. Alam kong hindi nila nagugustuhan ang ginagawa mo sa sarili mo." Pagpapatuloy nito.
Hindi niya magawang sumagot sa kaibigan dahil alam niyang may punto ang sinasabi nito. Sa halip ay mas lalo niyang ibinuhos ang mga luha niya habang mahigpit na nakayakap dito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon hanggang sa kumalma siya. Ramdam niya ang paggaan ng pakiramdam niya. Jen is truly the best to calm her down. Pinunasan ng kaibigan ang mga luha niya sa pisngi.
"Feeling better?" nakangiting tanong nito.
"A lot better. Thank you for lending me your shoulder for the trillion times around!" sagot niya.
"Anytime kahit umabot pa ng bilyon 'yan!" sagot nito sabay ngiti sa kanya.
"You're the best, Jen!" aniya.
"Since you're okay now, pwede na ba tayong lumabas? Let's enjoy this island! Ikutin natin 'to!" yakag nito.
"Grabe ka, namumugto pa mga mata ko!" nakaingos niyang tugon.
"Hindi naman ora mismo, ano ka ba! Siyempre mamaya na lang gabi, total alas sinco na rin naman ng hapon. Magpa room service na lang tayo ng dinner then punta tayo sa bar after." Nakangising wika nito.
"Bar? May bar ba rito? Hindi ko yata napansin?"
"Paano mo mapapansin kung nakakulong ka lang rito, aber?!"
"Oo na, sige na! You're the boss!" pagpapatinaod niya rito.
"Good! Ngayon maghilamos ka na or better yet, maligo ka na. Para fresh tayo mamaya paglabas."
"Yes, ma'am!" pagsang-ayon niya. Tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo at kaagad na nagtungo sa banyo para maglinis ng sarili. Hahayaan na muna niya ang kaibigan sa mga gusto nito. Ayaw niya ring nag-aalala ito sa kanya. Nakokonsensiya rin siya dahil hindi rin ito makapag enjoy ng todo dahil sa pag-iisip sa kanya.
Habang nasa banyo ang dalaga ay nag-order na rin si Jen ng makakain nila. Mga paborito ng kaibigan ang inorder niya dahil alam niyang wala itong maayos na kain. Balak niya ring ipakilala si Jera sa kung sino mang pogi na mamataan nila sa pupuntahang bar mamaya. Baka panahon na rin para makipagkilala ito sa iba. Baka bagong pag-ibig lang ang makakapagpasaya muli sa kaibigan at kung isa iyon sa mga option para maging okay ulit ang kaibigan ay hindi siya mag-aalinlangan na gawin iyon.