After 4 months..
Katatapos ko palang maligo ng mapansin kong may nakapatong na bouquet of roses sa kama ko.
"Hmp! Kung akala niya madadala niya ako sa pa flowers pwes hindi."
Hindi ko ito pinansin at dumiretso ako sa walk-in closet para mag bihis. Habang nag bibihis ay hindi ko maiwasan mapansin ang pag babago sa katawan ko lalo na ang medyo pag lapad ng baywang ko.
Four months ago after akong i-recommend ni Dra. De Dios sa kakilala niyang OB/GYN ay nakumpirma namin ni Jonah na buntis na nga ako. Gulat at may halong kaba ang naramdaman ko nung una. Syempre, for a first time mom ayaw mong may mangyari sa baby lalo na't sariwa pa sa isip ko noon ang nalaman ko tungkol kay Trinity. Inalala ko rin na baka hindi pa ready si Jonah emotionally.
Subalit ng tiningnan ko si Jonah ay nakangiti ito. Hindi lang ngiti, tuwang tuwa siya sa sinabi ng doktora kaya naman naka hinga ako ng maayos at ngumiti na rin sakaniya. Naging maayos ang first trimester ko, wala naman talaga akong pinag lihian na pagkain although lumaki ang appetite ko. Kung meron man akong pinag lihian ay si Jonah. Kaya pala tuwang tuwa ako pag nakikita siya. Nang sinabi ko sakaniya 'yun ay umuwi na siya sa bahay at pumapasok lang siya sa opisina kapag kailangan kaya naman naging work from home ang set up niya. Kahit busy siya sa trabaho ay hindi niya ako pinapabayaan at siya rin mismo ang nag aalaga sa'kin. Ngayon ko lang napansin na napaka strikto pala niya to the point na makalimutan ko nga lang uminom ng gatas pinapagalitan niya na ako.
Sinabi na rin namin sa pamilya ko ang kalagayan ko. Syempre nagulat din sila sa balita namin pero inassure ni Jonah na nasa mabuting kalagayan ako. Naalala ko pa nga ang sinabi niya sa mga magulang ko..
"Siya po ang nag silbing lakas ko ng lugmok na lugmok po ako sa UK. Ngayong ako naman ang kailangan niya, makakaasa po kayo na hindi ko po siya pababayaan. Kung wala nga lang pong pandemya ngayon, ngayon po mismo pakakasalan ko na po si Amber. I'm so in love with your daughter Mr. and Mrs. De Jesus and I am so ready to start another chapter of my life with her and our child."
Pareho pa kami noon ni mama nag iyakan at kalaunan ay natanggap na rin nila ang sitwasyon lalo na si Jonah. Nasa edad na raw kami at masaya sila na magkaka apo na raw sila pero ang pinaka bilin nila ay umuwi kami sa probinsya kapag okay na ang kalagayan ng bansa.
"Let's see. Ano kayang susuotin ko ngayon."
Habang pumipili ay napansin ko ang floral dress na sinuot ko matapos ng unang beses akong inangkin ni Jonah. Bigla tuloy may pumasok na kapilyahan sa utak ko kaya napag desisyonan kong isuot 'yun. Pag katapos kong makapag ayos ng buhok ay nag lagay ako ng konting make-up at pang huli ay ang pag spray ng pabango. Nang satisfied na ako sa itsura ko ay ngumiti ako.
"Revenge time."
Umuwi kasi siya kagabi ng lasing. Ang sabi ni Owen, bodyguard s***h driver niya, may nangyari raw sa opisina na maganda kaya naman nag celebrate sila. Pauwi na sana si Jonah pero pinigilan siya ni Gloryvale kaya bukod sa hindi siya nakauwi sa napagkasunduan naming curfew niya, maliban sa curfew ng gobyerno, naparami pa siya ng inom.
Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong labas din ni Jonah sa kwarto niya. Nagkatitigan pa kami at agad kong napansin ang mga mata niyang nag lakbay mula ulo hanggang paa ko hanggang sa bumalik ulit ito sa balikat at dibdib ko. Halos mangiti-ngiti na ako dahil nag tatagumpay ang plano ko pero agad akong umiwas at bumaba. Hindi man siya nag salita pero ramdam ko na nakasunod siya sa'kin.
Pagkababa namin ay rinig na rinig ko ang pagkanta ni Maya mula sa salas.
"Pag tumingin ka, akin ka.. "
Nakita ko na abala siya sa pag pupunas ng centre table habang nakasuot ng earphones. Hindi niya ata kami napansin dahil tuloy tuloy lang siya sa ginagawa niya habang sumasayaw sayaw pa ng konti kaya naman nag punta nalamang ako ng kusina. Gusto kong uminom ng malamig na softdrinks pero laking dismaya ko nalamang ng walang softdrinks sa ref.
"Pambihira."
Agad na lumapit si Jonah sa'kin kaya naman nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa balikat ko, hindi lang hawak. May pahimas pang nalalaman ang mokong. Tsansing pa more.
"What's wrong babe?"
"Wala."
Inirapan ko nalamang siya at umalis sabay labas ng kusina. Dahil exclusive subdivision ito mahihirapan akong mag hanap ng tindahan para makabili ng softdrink. Paakyat na sana ako ng masalubong ko si Aling Mylene.
"Ma'am Amber."
"Hello Aling Mylene. May alam ka po bang pinaka malapit na tindahan dito?"
"Meron po Ma'am pero 15 minutes kang mag lalakad kung walang sasakiyan. May ipapabili ka ba? Tawagin ko si Maya."
"Wag na po Aling Mylene. Ako nalang po. Kailangan ko rin mag exercise. 'Yun ang bilin sa'kin ng doktor."
"Pero Ma'am.."
"It's okay Manang. Sasamahan ko nalang siya."
Napalingon si Aling Mylene kay Jonah. May sasabihin pa sana siya pero tanging tango nalamang ang sinagot ni Aling Mylene at saka nag excuse sa'ming dalawa.
"Let's go?"
Inoffer niya ang kamay niya sa'kin pero nilagpasan ko lang siya at nagdirediretso palabas ng bahay. Tumayo pa nga sila Leonard ng makita ako pero agad din namang na-upo. Nakita ata nilang nakasunod naman si Jonah. Inantay ko muna si Jonah bago nag patuloy sa paglalakad. Malay ko ba kung asan ang tindahan dito. Matalino talaga siya at nagets niya na gusto ko siyang maunang mag lakad pero bago pa man siya dumiretso ay inabot niya sa'kin ang mask kaya sinuot ko naman.
Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang pag masdan ang likod niya. Kahit naka simpleng black tshirt lang siya, naka cargo shorts, at tsinelas ay overflowing pa rin ang appeal kaya naman pag may nakakasalubong kaming mga babae ay hindi rin maiwasang lingunin siya ulit. Lalo tuloy akong nababad trip eh, kung hindi nalang sana siya sumama. Hmp!
Pag karating namin sa tindahan na hindi naman talaga tindahan, parang mini grocery na may bakery din ay pinauna niya akong pumasok. Syempre dumiretso ako sa ref. Kung saan nakalagay ang mga softdrinks at kumuha ng tatlong bote ng 2 l****s.
"Let me hold that for you."
Kinuha niya kaagad ang dala ko kaya naman hinayaan ko nalamang siya at nag punta ng counter. Syempre, hindi ako ang magbabayad kaya nakita kong kinuha niya ang wallet niya saka nag bayad. Pag katapos naming mamili ay pumunta naman kami sa bakery. Agad na bumunggad sa'min ang isang chinitong lalaki. Siguro siya ang may ari nito dahil abala siya sa kaniyang laptop pero nang makita kami ay agad siyang ngumiti kaya naman ngumiti rin ako kahit naka mask ako. Naka face shield kasi siya kaya naman kitang kita ko ang mukha niya.
"Hello Miss Beautiful. Welcome. What would you like to have?"
Tiningnan ko si Jonah at kung may lazer lang ang mata niya abo na sana ito si koyang chinito. Pero itong si koyang ay dedma lang dahil sa'kin siya naka focus.
"Hello po. May pan de sal po kayo?"
"Me? I have 6. Haha! Well, yes we have. Anong gusto mo? Plain or yung ube-cheese?"
"Joker ka pala. Sige, 'yung ube-cheese nga po. Mga 25 pieces."
"Sure. Dahil nag liwanag ang store ng pumasok ka so I'll add 5 more for free."
"Wow, thank you."
Kinindatan pa ako ni koyang bago inutusan yung isa sa mga empleyado niya.
"I'll pay for the additional."
"No need bro. Libre ko na 'yan sa maganda mong kapatid."
"Kapatid?"
Hindi ko naiwasang matawa sa sinabi ni koyang habang si Jonah naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni koyang.
"Aren't you siblings?"
"Hell no!"
"Oh I'm sorry. Akala ko oo eh."
Nang ready na ang order namin ay inabot ni koyang ang brown paper bag at nag bayad na rin si Jonah. Binagsak nga lang niya yung bayad at tinalikuran agad si koyang.
"Wait Miss."
Baka may nakalimutan si koyang kaya naman kaagad akong lumingon.
"San ka rito sa subdivision?"
Talandi ni kuya pero naramdaman ko nalamang ang biglang pag hapit sa'kin ni Jonah.
"Stop flirting with my wife bastard! f**k off!"
Agad na akong nilabas ni Jonah at nag lakad pauwi. This time hawak na niya ang kamay ko pero ang bilis niyang maglakad.
"Jonah, sandali."
Natigil ako sa pag protesta ng lingunin niya ako't tingnan ng matalim.
"Jonah."
"What now Amber? You wanna continue flirting with that guy?"
"Hindi."
"Then what?"
"Nag seselos ka ba?"
"Me? Jealous? I'm just shoving to his f*****g face that I ain't your freaking brother. How dare he."
"Weh?"
"It's not funny Amber."
Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa tawagin ko ulit siya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang kinakanta ni Maya kanina kaya lalong hindi ako tumigil sa pag tawag sakaniya.
"Jonah, kapag tumingin ka.."
Narindi na rin ata siya siguro kaya naman nang lumingon siya at tingnan ako ay agad kong hinugis puso ang hintuturo at hinalalaki ko.
"Akin ka."
Korni man pero kita ko agad na unti-unting bumalik ang maamo niyang mukha kaya naman napangiti ako lalo pa't napansin ko ang pamumula ng kaniyang tenga. Kinikilig ba 'tong mokong na 'to?