Capitulo 18

1356 Words
Andito ako ngayon sa garden at pinapanuod si Mang Errol kung pano ang tamang pruning sa mga bonsai rito sa garden. Siguro may green thumb itong si Mang Errol dahil wala ni isang tuyo na dahon akong nakikita sa tanim dito sa garden. Buhay na buhay ang tanim dito simula sa bonsai, bulaklak, orchids, at puno. "Mang Errol pwede po ba ako mag paturo sa'yo kung pano gawin 'yan?" "Opo naman Ma'am Amber." Lumapit ako sa mesa at nakinig sa instructions niya at pagkatapos ay kinuha ko ang secateurs at nag simula. Ingat na ingat ako at baka may maputol ako na hindi dapat maputol. "Ang galing mo pala Ma'am Amber. " "Hindi naman Mang Errol. Okay na po ba ito?" "Opo. Akin na't ibalik ko na siya sa mga kapatid niya." Nakakatuwa pala ang gardening. Mukhang may idadagdag na ako sa resumé ko pag namaster ko ang pag titrim ng mga bonsai. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa naisip ko. Pero seryoso talaga 'yun, skill kaya 'to at in demand din na trabaho ang gardener sa ibang bansa kung hindi ako palarin maging bartender eh at least may back up ako. "Matagal ka na po ba Mang Errol sa ganitong trabaho?" "Opo Ma'am halos 15 years na rin." "Ang tagal na nga po. Pero kailan ka po nag simula kay Jonah mag trabaho?" "Matagal na akong hardinero ng mga Clemente pero noong nakaraang taon lang ako nag trabaho kay Sir Jonah mismo. Nalaman niya kasi yung kagustuhan kong umuwi na ng Pilipinas kaya andito ako." "Ah. Miss niyo na po family niyo?" "Sa katunayan Ma'am wala po ang pamilya ko rito. Naiwan po sila Sa UK." Ngumiti sa'kin si Mang Errol pero kitang kita ko sa mata niya ang kalungkutan. Wala na sana akong balak mag tanong dahil mukhang personal na bagay na 'yun pero nag open naman si Mang Errol kaya nakinig ako sakaniya. "Nag karoon ako ng asawa sa UK. Briton siya at nagka anak din kami ng isa pero hiniwalayan niya rin ako at sumama sa ibang lalaki. Kalahi niya't mayaman. Gustohin ko man sanang makita ang anak ko pero pinagbawalan niya ako't mag sasampa raw sila ng kaso laban sa'kin kapag ginulo ko ang buhay nila. Syempre, anong laban ko? Mahirap lang naman ako." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang kasi hindi okay ang nangyari. Lalong hindi naman ako pwedeng mag sabi ng masama laban sa dating asawa ni Mang Errol. Lalo lamang siyang masasaktan. "Ate Amber, may tumatawag po sa cellphone niyo." "Salamat Maya. Excuse me lang Mang Errol. Salamat din po sa pag tuturo niyo sa'kin sa pag titrim ng bonsai. Sa uulitin." "Walang ano man Ma'am Amber." Ngumiti ako sakaniya at siya rin sa'kin bago ako nag punta sa pool side. Tumatawag si Rhem. Mag bubukas na ba kami ulit? Pero naka enhanced community quarantine pa kami sa metro manila. "Hey Amber." "Hello Rhem. Balita?" "Gusto mo bang kumita ngayon?" "Paano?" Nalaman kong binili niya ang ilang alcoholic drinks sa club bago nag lockdown at ngayon ay gumagawa siya ng made to order cocktails tapos siya rin ang nag dedeliver gamit ang motor niya. "Pwede pala 'yun?" "Hindi ko nga alam kasi may liquor ban diba? Haha! Pero wala eh, hirap ng buhay ngayon. Made to order lang naman 'yun tapos yung mga customers ko sa club ang umoorder sa'kin then nirerefer nalang nila ako. Minsan dun din sa bahay or condo ng customer ako gumagawa ng cocktail drinks nila dahil may mga stock din sila ng inumin. Aside sa cocktails, nag papa order din ako ng sinukmani at ube halaya. Baka gusto mo mag order, may discount ka naman sa'kin." Natakam tuloy ako sa binibenta ni Rhem. Makagawa nga ng sarili kong version ng sinukmani at ube halaya. "So ano Amber, gusto mo bang kumita? O oorder ka? Haha!" "Marunong naman ako gumawa ng sinukmani at ube halaya pero parang interesado ako sa made to order na cocktail." "Talaga? Great. Tamang tama, may mga customers pa naman akong kilala ka at hinahanap din yung signature drinks mo." "Ang problema ko nga lang wala akong alcoholic drinks dito." "Wag mo na 'yun alalahanin. Akong bahala or pwede ka rin naman sa tirahan ng customers mismo gumawa gaya ng ginagawa ko." "Sabagay. Sige Rhem. Chat mo nalang ako kapag may customer na ako ah." "Sure. Sige Amber, mag dedeliver na ako. Ingat ka partner." "Ikaw din partner." Ang galing naman ng naisip ni Rhem. Bilib talaga ako sa diskarte ng taong 'yun kaya naman hindi ko rin masisi kung bakit siya ang kinuha ng inapplyan naming trabaho papuntang South Korea. Dapat nung April sana ang alis niya papuntang South Korea dahil dun na siya mag tatrabaho pero dahil nga sa pandemic kaya na-postpone muna. ----------------------------------------- "You go ahead Gloryvale. Pagkatapos mo nalang ako mag sho-shower." May kailangan pa kasi akong asikusahing papeles kaya pinauna ko na sa banyo si Gloryvale. "You know what Jonah, you should not be doing that. It's a secretary's job. Why aren't you hiring one?" "Because I can manage." "Jeez, you're not a secretary anymore Jonah. You're now a CEO." "I know. But still, I don't need a secretary. I can handle it myself." Napabuntong hininga nalamang si Gloryvale at hinubad ang coat niya. "Suit yourself mate. I'll take a shower now." Sumenyas akong umalis na siya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko pero agad din naman akong natigil ng tumunog ang telepono sa suite namin ni Gloryvale. "Yes?" "Sir, delivery for Mr. Castillo." "Okay, I'll be there." Iniwan ko muna ang ginagawa ko at kinuha ang key card at wallet at sinuot ang face mask at face shield bago bumaba. Pag karating ko sa lobby ng hotel ay itinuro sa'kin ng front desk kung saan nag aantay yung taong may delivery kay Gloryvale. "Hi. You have something for Castillo?" Tumayo naman kaagad ang lalaki at inabot sa'kin ang paper bag. "Ingat nalang po Sir. Mababasagin po ang nasa loob." "Okay. Thank you. Magkano?" "1500 pesos lang po." Inilapag ko muna sa centre table ang paper bag at kumuha ng pera ngunit nakuha ang atensyon ko ng isang plastic bag na dala ng lalaki. "Are you selling those too?" "Yes Sir. 50 pesos po ang isang container." "Sige, tig dalawa." "Sakto Sir, 'yang apat nalang talaga ang tira. Salamat po." Pag kaabot ko ng bayad ay ibinigay na rin sa'kin ng lalaki ang plastic bag at nag pasalamat muli. Pagkarating ko sa kwarto ay tapos na si Gloryvale maligo at nag she-shave na siya ngayon ng tumutubong balbas at bigote niya. "Your order's here." Di pa man siya tapos mag ahit ay lumabas kaagad ito ng banyo at dumiretso sa paper bag na nilagay ko sa dining table. "Finally!" Nilabas niya ang laman ng paper bag at tuwang tuwa siya ng makita ang dalawang drinking jars.  "One for you and one for me." Dalawang cranberry whiskey smash ang inorder niya kaya pala tuwang tuwa ang gago. "I thought there's a liquor ban?" "Yeah. But who cares. This is made to order anyway." Agad siyang uminom ng inorder niya and I can even hear his gulp. "At least eat first before you finish your drink." "Yes, Mom." Tinawanan niya ako kaya napailing nalamang ako. Matapos kong mag hugas ng kamay ay saka ko inilabas ang inorder ko sa lalaki. "What's that Jonah?" "That's our dinner." "Huh? We can call the room service." "I'm hungry. If you're willing to wait for the room service then fine. I'll eat now." Binuksan ko ang container at kumuha ng pagkain sabay subo. This food.. Reminds me when I was in college. I usually eat this whenever we're rehearsing for the debate competition. Nakita ko naman na binuksan na rin ni Gloryvale ang para sakaniya. "What are these?" "Sinukmani and Ube halaya." "Are these delicious?" "Try it." "Hmm.. Alright." Kumuha ng kutsara si Gloryvale at saka nag sandok. Unang tinikman niya ang ube halaya. "Woah! This is good." Kumuha pa ulit siya at kumain. Natawa nalamang ako at saka ipinag patuloy ang pag kain ko ng sinukmani at uminom na rin ng inorder niyang whiskey smash. "I think this will compliment the Ghosting." "Ghosting?" "Yeah, ghosting. The signature drink of Amber. I was the first one to taste it. Don't tell me you haven't tasted it when she's living in your house?" "N-no. I haven't." "Shame. You should try it. One of the best cocktail I must say." Tumayo na siya at pumasok ulit ng banyo para tapusin ang pag aahit niya. "Ghosting, huh?" I smile bitterly. I know the drink is great because Gloryvale said so but the name of the drink.. Well, I can't blame her. I've ghosted her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD