Episode 1

1192 Words
------Amanda------ Napahinga ako ng malalim bago ko binuksan ang kurtinang nakatabing sa likuran ng entablado. Bago lumabas ay sinimulan ko ng isuot ang aking maskara. Kasabay ng pagbukas ng kurtina ay aking sinabayan ang kanta ng napaka mapang-akit na sayaw. Suot ang damit na halos kita ang aking kaluluwa, lakas loob akong sumayaw. Sa bawat pag-galaw ng aking baywang ay kasabay nito ang pagpatak ng aking luha. Nagsimulang mag-abot at maghagis ng pera ang mga tao dito sa bar. Kabilaan ang hiyawan at sigawan nila. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagnanasa nila sa aking katawan. Hindi parin ako nasasanay at nahihirapan parin ako kada harap ko sa entablado. Sa loob ng ilang taon kong pagsasayaw rito ay ganto lagi ang naabutan ko. Lasing na kalalakihan, mausok na kapaligiran. Nang matapos ang kanta ay dali dali na akong lumabas at pumasok sa dressing room. Doon ay nakita ko si Diana. Siya ang namamahala dito sa bar at nag pasok sa akin dito. 'O heto Amanda sahod mo ngayon araw, dinagdagan kona yan para narin may pang tuition kayo ng kapatid mo.' Aniya at sabay abot ng sobre sa akin. 'Salamat Diana. Sige una na ako' Ganito lagi ang set up ko rito, pag-katapos mag sayaw ay dali dali akong uuwi para na rin makapag aral. Sa loob ng apat na taon, ang pag sasayaw ko rito ang nag tustos sa amin ng kapatid ko. Pareho kaming nag aaral kaya kahit gantong uri ng pagtatrabaho ay pinasok ko. Nag tyu'tutor din ako minsan kaya naman nagawa namin makatungtong ng 4th year college ng aking kapatid. Maaga kaming naulila, ang kapatid ko naman ay nag pa-part time job sa mga conviniece store. Hindi nya alam na sa bar ako nag tatrabaho halos kami lang ni Diana ang may alam. Naabutan ko syang tulog na sa kama. Nakatira nga pala kami sa maliit na Apartment. Walang kwarto, maliit na kusina at banyo lang ito. Ganto kahirap ang buhay namin. Pag-katapos maligo ay dali dali akong nag aral dahil may pasok pa ako bukas. *Kinabukasan* Maaga akong nagising at dali daling naligo. May tutor ako ng alas otso ng umaga at si Kyle ay pumasok na ng maaga sa school, kanina pa pala sya wala. Suot ang white polo, pants at sapatos at pony tail lang ang porma ko ngayon. Dali dali ko ng sinuot ang aking bagpack dahil baka malate pako. Bago ang estudyante ko ngayon. Ipinakilala ni Via saakin. Binigay nya ang adress at sabi ay mayaman daw ito. Ng marating ko ang bahay, ay nabigla ako dahil sobrang laki nito. Mansyon ang bahay, magarbo at marami ang nakaparadang sasakyan. *Ding Dong* May lumabas na isang maid, at tinanong kung sino nga ba ako. 'Amanda Dela Torre po, tutor po' 'Ikaw yung hinihintay ni ma' am. Halika pasok ka.' Pumasok ako at nadaanan ang kanilang magarbong garden. Parang hotel and resort style ang bahay nila. Napapaligiran ng matataas na halaman at mukhang mamahalin ang mga vases nila. ' Ma'am Jen, andito na po yung bagong tutor ni Calvin' 'Papuntahin mo dito sa salas kausapin ko muna' 'So ikaw si????' 'Amanda Dela Torre nga po pala' 'So Amanda, gusto lang kitang bigyan ng kaunting background sa anak ko dahil pag katigas ng kaniyang ulo. Marami ng nagtangkang magturo sa kanya kaso hanggang isang araw lang ay umaayaw na sila. I don' t even know kung pano napapaalis ni Calvin ang mga yon. I will pay you high, at bibigyan kita ng mataas na incentives kapag nagawa mong maturuan sya at mapaamo. At kapag tumaas pa ang grades nya ay bibigyan kita ng bonus.' 'Sige po ma' am. I'll try my best.' 'Okay. Yaya! Please bring Amanda sa room ni Calvin' 'Okay po Ma' am' Nasa hallway pa lamang ay rinig kona ang malakas na tunog galing sa kwarto. Pagpasok ay lalo ko pang narinig ang pagkalakas na music pang party party at ang nakahilatang binata sa kama. Tss spoiled brat talaga, napailing nalang ako at umupo na sa kanyang study corner. Tumayo naman si Calvin at umupo rin sa tabi ko, buti nalang at baka ano pang magawa ko sa kanya. Binuksan ko na ang mathematics book at binigyan sya ng activity. 'Tss, ano ba yan para pareho lang kayo ng style. Wala ng bago' Aniya at saka lalong linakasan ang music sa loob ng kwarto. 'Patience Amanda, patience.' Sabi ko nalamang saking sarili. Dahil kapag nagawa kong magtagal dito ay diko na kakailanganing pumasok pa sa bar. 'Sagutin mo to, para malaman ko kung saan ka nahihirapan' ' Ang boring mo naman, umalis ka nlng bibigyan ka naman ng salary ni mommy kahit hindi mo ako turuan.' at isinara nya ang libro. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya. 'Sagutin moto' Sabay hablot ng remote at inilipat ang kanta sa lalong malakas at magulong music. 'Tssssss' nagdabog sya at binuksang muli ang libro. 'Ano bang trip mo ha???' aniya at kitang kita ang inis sa kanyang mukha. 'Wala, tuturuan lang kita. Kung gusto mo ng music then I' ll teach you while the music is playing' saad ko ng walang emosyong binanggit ang mga salitang ito. 'Ang weird mo' sabay abot ng remote at pinatay nya ang music. Wala parin akong emosyon at ipanagpatuloy ang pagtuturo sakanya. Dire diretso ang aking pagsasalita at wala akong pakielam kung nakikinig ba sya o hindi. Ng mag alas diyes na ay tumayo nako at lumabas na ng kwarto. Bumaba at nadatnan ko sa salas si Ma'am Jennifer. 'Omg, Amanda. How did you do that? How did you turn off the music? How did you convince him? Mukhang ikaw na ang matagal naming hinahanap.' 'Sge po ma' am. See you tomorrow. ' ' Wait, wait. Heto yung paunang bayad mo. I am so happy that you we're able to control him. Pati sana sa susunod pang araw please lang bumalik ka pa bukas.' ' Sige po ma'am una napo ako.' inabot kona ang sobre at lumabas na sa kanilang bahay. Habang naglalakad palabas sa village ay may nakita akong kuting sa gitna ng daan. ' Ang cute mo naman kuting, saan ka nakatira? ' at patuloy ko itong nilaro. *beeeeeeeeeeeeep* Nabigla ako ng may malakas na businang galing sa sasakyan. Pag harap ko ay may paparating na sasakyan na bubunggo sa akin. Pumikit na lamang ako at hinawakang mahigpit ang aking bagpack. ' Hoy! Hoy Miss!' Pag mulat ng aking mga mata ay pag kagwapong nilalang ang bumungad sa akin. 'Hoy miss! mag papakamatay kaba?' Kumulo ang aking dugo ng sigawan niya ako. Ako na nga tong muntik mamatay. Siya pa tong may gang sumigaw. Binabawi kona ang sinabi ko. Hindi sya gwapo!! Pangit ang ugali nya. 'Excuse me! Ikaw tong muntik nang bumangga sa akin' 'Hindi ko kasalanang bigla-bigla ka na lang susulpot dyan. Atsaka isa pa bat ka uupo sa gitna ng daan.? It' s not my fault.' Umirap na lamang ako at tuluyan na siyang iniwan dahil kapag nakipag away pa ako ay malelate na ako sa interview ko. Dali dali na akong tumakbo at muntik pa akong matapilok. Ang huling salitang narinig ko na lamang galing sa kanya ay' Miss! ' habang papalayo ako. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD