Maghapon na akong nakatitig sa cellphone ko, inaantay ko kasing magreply ang crush kong si Samantha Mauryn. Halos mag iisang taon na akong chat nang chat sakanya kundi stickers ay tanging 'Hi' at 'Hello' lang ang nairereply nya sakin at hindi na nadudugtungan pa. Hanggang ngayon ay hindi padin ako tumitigil sa pagcchat sakanya dahil nagbabakasakali padin ako na mapapansin nya ako. Well, sabi naman nila habang may buhay e may pag-asa, kaya umaasa nalang ako.
Kaya siguro hindi rin nya ako pinapansin sa mga chat ko ay dahil masyado nang napaglumaan ang profile picture ko, masyado na itong malayo sa mukha ko ngayon. Wala naman kasi akong hilig sa pagkuha ng litrato, kaya hindi ko din napapalitan.
Mabuti pa siguro kung matutulog nako at bukas na ulit ako mangungulit ng chat kay Samantha na akala mo boyfriend kung magchat, e hindi naman pinapansin.
*ting*
Ha? Notification.
Dali-dali kong tinignan ang cellphone ko, nagbabakasakaling nireplayan na ako ng crush ko pero hindi iyon ang notification.
A friend request huh? Huling accept ko pa ata ng FR e noong first day ng pasukan. So, nacurious naman ako kung sino itong nag-add sa akin kaya binisita ko ang profile nya. The account's name was "Aki Loise" tapos ang profile ay isang taong nahahati sa demonyo at anghel. Weird. Isa kaya itong dummy account?
Out of curiousity e inaccept ko ito at chinat ko na din.
ME:
Hello
AKI LOISE:
Hi
What the? Hi? Sabagay, ano ng naman ang irereply sa hello? e hindi naman kami close.
ME:
You added me on sss, do you know me personally?
Okay lang naman siguro ang magtanong para magkaroon ng topic, right?
Naisipan kong icheck ang timeline nya since nakaprivate ito kanina nang di ko pa siya inaaccept.
Aki Loise
I hope it's real, I hope I am real.
Posted 4:22pm
hmmm. real what?
May nag-appear na notification sa taas ng cellphone ko. Nagreply na sya sa chat.
AKI LOISE:
Maybe? Ata? Not sure e.
ME:
Paanong di ka sure?
AKI LOISE:
Basta
So ayaw nya ishare, okay di ko na itatanong.
ME:
I just wonder if you're a he or a she. Your name's kinda confusing. Can I ask, if u don't mind?
AKI LOISE:
I am a girl.
ME:
Okay, I am Achilles. My nickname is Aki but since you're Aki, I'll call you Aki and you'll call me?
AKI LOISE:
Chi
•HC•|MLJRG|