“Mag-iingat kayo ah.” ani Henry nang nakasakay na sa sasakyan sina Iska, Paolo at Dino na ihahatid muna nila siya sa trabaho bago dumiretso sa talyer, si Henry at Dino naman ay magka-angkas sa motor na papasok sa trabaho. “Sige, kayo rin.” tugon ni Iska at nag-senyasan na lang ang apat.. “Buti pinahiram ulit itong sasakyan ni Kuya Roger?” tanong ni Iska na nasa likod ng passenger seat, “Hindi pa nabubuo ulit ang motor e may hinahanap pa na pyesa na walang sumasakto sa sukat ang nabibili.” tugon ni Paolo na nasa tabi ng driver’s seat “Malapit ko naman na rin mapapayag na huhulugan na lang natin ‘to para ibenta niya na lang, may bago na rin kasi siyang nabili.” sabat naman ni Dino habang nag-mamaneho “Aba.. sana nga.” sambit ni Iska “Papayag na rin yun..” dugtong pa ni Dino, “Oh, mamaya ay antayin mo na lang kami ah. Ingat..” ani Paolo bago pa man makababa si Iska dahil nakarating na sila. “Oo, ingat rin kayo. Salamat..” tugon ni Iska at bumaba na, sinundan muna nila siya ng tingin kung naka-pasok na at tsaka umalis.
“Good morning, Madam!” pa-biro na bati ni Janna “Uy! Good morning sa inyo, anong Madam ka diyan?” tugon ni Iska “Sa.. naka sasakyan ka na i-hatid e.” saad ni Janna muli “Ah, hiniram lang iyon.. kasi sira pa rin daw ang motor.” sagot niya “Asus! Ganon na rin iyon.. Hahaha!” tinuran pa niya muli at natawa na lang rin pati si Trisha, “Wala ka ba napapansin sa amin?” ani Janna na nagpa-cute at tinitigan silang dalawa mabuti ni Iska “Hmm.. Ay! Bagong rebond kayo pareho ah..” puna ni Iska nang mapansin niya “Mismo! Ganda ba?” tinuran muli ni Janna na winagayway pa ang mahabang buhok pati na ang mahabang buhok ni Trisha ay pinaki-alaman rin at bahagya silang napa-tawa muli, may taglay rin na ganda ang dalawa kung matititigan nang matagalan.. Si Janna ay morena at sakto lang ang katawan na may pagka-balingkinitan at maging si Trisha ngunit mas matingkad lang ang pagka-morena ni Janna kumpara sa kanya bilugan ang mga mata nila pareho na may magandang hubog ng panga at ang mga ilong ay parehong sakto lang para sa isang pinay maging ang mga height ay kapwa nasa 5’0 ft eksakto. “Oo naman! Masyado niyo naman ginagalingan magpa-andar kina Bobby.” saad ni Iska “Hay nako! Bahala sila diyan, kapag pareho nilang pinag-pilitan pero hindi naman sila pasado sa iyo at nagkataon na wala na kaming paki-alam sa kanila. Ba-bye na talaga!” naiinis na tinuran ni Janna “Aba! Ang taray?“ sambit ni Iska at umirap lang sa hangin si Janna at natatawa sa sinabi niya “Hindi kasi kami pinapansin o kinausap man lang nina Rick noong isang gabi na pauwi kami galing sa bahay niyo, Iska. Basta hinatid lang kami pero kausap namin ay hangin.. Kaya yan nagkaka-ganyan.” bulong naman ni Trisha na ikina-gulat ni Iska “Hindi nga?” sambit niya “Oo, baka may napag-usapan sila ng mga kaibigan mo, ‘boys’ talk’ alam mo na.” dagdag pa ni Trisha “Nako, wala ako alam doon.” tugon naman ni Iska “Malamang iyon, baka wala silang bet diyan sa dalawa para sa iyo. O kaya, mayroon sa kanila ang may bet sa iyo. Hahaha!” dugtong naman ni Janna “Janna! Iyan ka na naman.” ani Iska “Ayaw maniwala.. Manhid mo rin e. Pansinin mo kasi kung sino, lagi mo mga kasama tapos wala ka alam.” saad muli ni Janna at natapik na lang siya ni Trisha sa braso at si Iska naman ay natulala kay Janna habang tumatawa ang dalawa. “Good morning ladies.” sambit ni Rick na papalapit sa kanila, napa-taas ang kilay nilang tatlo nang parang iba ang aura niya ngayon. Matangkad na rin ito sa height na 5’8 at maganda ang pangangatawan na good boy look pero may tinatagong kapilyuhan, “Wow! Feeling korean leading man yan?” ani Janna dahil medyo maputi siya at medyo singkit at sakto lang rin naman ang ilong “Haha! Si Janna talaga oh, good morning rin.” tugon ni Iska habang umirap si Janna kay Rick at umiwas naman ng tingin si Trisha, “Hi, good morning.” biglang sulpot naman rin ni Bobby kaya halos mukha nang ini-epilepsy si Janna na mas lalong nagkanda-irap ang mata “Uy, good morning rin.” ani Iska “Janna! Bagong gupit pala itong dalawa pareho e pansinin niyo naman, para ka nang nagdedeliryo diyan kaka-tirik sa mata mo.” saad naman muli ni Iska at napa-takip lang ng bibig si Trisha dahil nagpipigil ng tawa “So? I don’t care!” mataray na tugon ni Janna habang tinignan si Bobby mula ulo hanggang paa pero natigilan siya dahil nag-iba rin ang aura nito ngayon ngunit agad rin na umiwas ng tingin, nasa 5’7 naman itong si Bobby na may pagka comedian action star kung umasta.. Moreno at maganda rin ang tindig sakto ang ilong para sa isang pinoy at may malamlam na mata kung tumingin, “Hay nako! Makapag-handa na nga, trabaho na us!” mataray na saad ni Janna na tinawanan na lang nila at sabay sabay na nga sila na inayos ang mga sarili.
Tapos na ang trabaho at nag-ayos na para maka uwi, “Janna, Trisha. Hindi na ba kayo talaga sasabay kina Bobby at Rick?” tanong ni Iska at umiling si Trisha “Ayaaaw!” sambit na pasigaw naman ni Janna at napa-iling na lang si Iska “Sige na, sasakay na kami ng tricycle sa tawid. Bye na Iska..” tinuran ni Janna “Bye, ingat.” ani Iska “Ingat rin.” sambit ni Janna at kumaway na lang si Trisha. “Hays, kayo kasing dalawa e nagtatampo tuloy sila.” saad ni Iska at napa-kamot ulo na natatawa na lang sina Bobby at Rick “Oh, siya.. Uuwi na rin ako. Ingat kayo!” tinuran ni Iska nang kinawayan na siya nina Paolo at Dino na nasa sasakyan “Sige..” ani Rick “Ingat.” sambit ni Bobby at napa-sulyap silang dalawa kina Paolo na nakatingin rin sa kanila at nakatitigan nilang pareho.
Nang nakauwi na sila Iska at tapos na rin makapag-hapunan ay umakyat na rin siya sa kanyang silid habang ang apat ay naiwan sa may sala, bigla naman na may nag doorbell at naalis ang tingin nila sa panonood ng tv at nagka-tinginan silang lahat. “Pasado alas nuwebe na ah, sino yun?” ani Roly “Dibale, ako na.” sambit ni Henry at tumayo para buksan ang gate, paglabas niya ay wala naman tao at napansin niya lang ang isang sobre na nahulog pag-bukas niya ng gate kaya pinulot niya iyon at agad nang pumasok sa loob ng bahay. “Oh, anong meron Henry?” tanong ni Roly “Wala na naman tao, may sobre lang na iniwan.” tugon niya at binuksan iyon “Ano nakalagay?” sambit ni Roly (MALAPIT NA MAG SIMULA ANG LARO) isang pirasong papel ang nasa loob at may nakasulat na kataga doon gamit ang pulang tinta na akala mo ay dugo ang pinanggamit dahil sa pagkaka-sulat, ipinakita nalang iyon ni Henry sa kanila at kapwa sila nagulat. “Sino ang dumating?” napa-balikwas naman silang apat nang bumaba pala si Iska dahil gising pa siya at narinig niya na may nag doorbell kaya agad na tinago at iniipit ni Henry sa likod niya ang papel at sobre “Ah.. wala Iska, bakit gising ka pa?” ani Henry “Hmm, matutulog pa lang sana.. Nagtaka lang ako kung may dumating dahil may nag-doorbell tapos tahimik naman at gabi na.” saad ni Iska “Oo, nagkamali ng napuntahan ung delivery boy.” palusot ni Paolo “Nakakapagtaka ah, nakaraan pa.. Panay kung anu-anong maling nadadala dito sa atin?” tinuran ni Iska “Sige na, matulog ka na.” sambit ni Dino at umakyat na lang muli si Iska para matulog.
Gising pa rin silang apat kaka-isip kung sino ba iyon, “Sino kaya yan?’ sambit ni Dino habang nakatayo at naka-sandal sa pinto. “Ano rin ba kasi problema niyan, kung sino man iyan!” naiinis na tinuran ni Paolo na naka-upo sa sofa katabi ni Henry “May hinala ka na ba Henry?” tanong ni Roly na kalalabas lng ng kusina at nagdala ng beer. Wala siyang imik at tumingin lang kay Roly “Wala naman na tayong pinagkaka-utangan, hindi ba Henry?” tanong ni Dino “Wala.” sambit ni Henry at uminom “Kung ganon, sino ang gagong yan?” naiinis na tinuran ni Roly “May duda ako na.. Napag-bibintangan lang tayo para sumalo ng isang kasalanan na hindi man lang natin malaman kung ano.” saad ni Henry na ikina-tahimik nila at hinintay na lang nila na lumalim ang gabi at dalawin ng antok.
Ilang linggo na ang lumipas, naging normal naman at maayos ulit ang takbo ng buhay nila.. Walang mga ibang kakaibang kaganapan. “Nakakapagtaka naman bigla.” ani Roly na naka-upo sa sofa katabi si Henry at nanonood sila ng tv “Ang ano?” tugon ni Henry “Tahimik na naman..” sambit ni Roly “Mas nakaka-pangamba kamo.” sambit naman ni Paolo sa kabilang sofa “Hindi ba dapat, naghahanda na rin tayo?” saad naman ni Dino na nasa isa pang sofa naka-upo, ilang minuto pa ang lumipas nang bigla silang may narinig na sunud-sunod na putok ng baril mula sa gate nila at sabay-sabay silang napa-dapa sa sahig.. Tumagal ng limang segundo ang pamamaril sa kanila at kaagad na tumahimik. Nakiramdam muna sila bago nagsi-tayo at sumilip sa bintana, wala na silang nakita na kung ano o sino ang naroon.. Tanging mga naiwan ng ilang pirasong basyo ng bala ng baril ang naroon na tanging sa gate lang sinadyang patamain kaya dahan-dahan silang lumabas at sumilip muna bago dumiretso palabas ng gate. “Ano nangyayari?” humahangos na tanong ni Iska na bumaba galing sa kwarto niya at sumunod palabas sa kanila “Iska!! Pumasok ka sa loob!” napa-sigaw si Henry “Ano ba kasi iyon? Ano nangyari?” muling tanong ni Iska kaya nilapitan siya ni Henry at dinala sa loob ng bahay, “Basta, hindi pa namin alam. Dito ka lang sa loob at umakyat ka muna sa kwarto mo!” ma-awtoridad na saad ni Henry “B-bakit? Ano ba kasi nangyayari?” hindi mapakali na tanong na naman ni Iska, marahan siyang hinawakan ni Henry sa kaliwang braso at kanang pisngi upang bahagyang pakalmahin “Hindi pa nga namin alam kaya umakyat ka na muna doon.” muling utos ni Henry “Ayoko, dito na lang muna ako.” pagmamatigas ni Iska “Haaays! Ang kulit mo, basta diyan ka lang sa loob ah huwag ka lalabas.” ma-diin na saad ni Henry at lumabas papunta sa kanilang gate, na-upo si Iska sa may sofa na malapit sa bintana upang maka-silip kahit pa-paano.. Nakita niya na kinakausap nilang apat ang mga tanod sa barangay at may kararating lang rin na ilang pulis.
“May kilala ba kayo na maaaring gumawa nito?” tanong ng isang pulis “Hindi rin ho namin malaman kung sino.” tugon ni Roly “Hmm.. sigurado ba kayo? Wala ba kayo naaalala na nakaalitan niyo noon?” muling tanong sa kanila “Wala ho talaga, Sir.” muling tugon ni Roly “Ano naman ang magiging motibo sa insidente na ito kung iyan ang sa palagay niyo?” tanong ng pulis muli “Iyan nga rin ho ang gusto namin malaman.” sabat ni Henry “Oh, siya.. Kung ganoon ay mag-antay na lang muna rin kayo ng resulta ng magiging imbestigasyon. Kukuhanin namin ang pagkakakilanlan niyo upang magawa namin kayo na ma-contact kung mayroon nang leads.” saad ng pulis “Sige ho, Sir. Baka rin ho lumipat muna kami pansamantala habang hindi pa namin sigurado ang kaligtasan namin rito at mag-aantay kami sa ibibigay niyo na impormasyon. Maraming salamat ho!” ani Henry, at matapos ng ilang katanungan ay umalis na ang mga pulis at agad na silang pumasok sa loob ng bahay.
“Iska.” ani Henry pag-pasok nang salubungin niya sila “Ano raw ang nangyari?” balisang tanong ni Iska at nagka-tinginan silang apat, na-upo silang dalawa sa sofa at sa magkabilaang sofa naman sina Paolo at Dino habang naka-sandal si Roly sa may gilid ng pinto “Huwag ka mag-alala Iska, mag-iimbestiga na ang mga pulis.” tugon ni Henry habang nakatitig sa maluluha nang mga mata ni Iska at hawak ang mga baraso niya “B-bakit biglang may namamaril dito? May kaaway ba tayo?” tanong muli ni Iska “W-wala..” nauutal na tugon ni Henry “Yung totoo kasi.. Nakaraan pa diba may kakaiba, parang may nagbabantay sa atin dito at nagpadala ng kung anu-ano?” saad na pagtatanong ni Iska, napa-iwas ng tingin si Henry at binitiwan muna siya at napa-sandal sa sofa “Uy! Ano ba kasi?” sambit ni Iska at pumatak ang ilang butil ng luha kaya agad siya na hinarap ni Henry at niyakap muna habang hinahagod ang likod at isa-isang sinulyapan ang tatlo na tila humihingi ng tulong upang mag-paliwanag sa kanya ngunit kapwa sila walang masabi. “Iska.” sambit ni Henry at bumitiw sa pagkakayakap at hinawakan sa magkabilaang pisngi at tinitigan sa mata habang pinupunasan niya ng kanyang daliri ang luha nito.. “Hindi ba, matapang ka.. Iska? Sa ngayon ay lalayo na muna tayo rito habang may nagtatangka pa sa buhay natin, basta magtiwala ka na hindi ka namin pababayaan. Kahit hindi pa natin alam kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito ay panatilihin lang natin na maging kalmado..” saad ni Henry sa kanya “ P-pero.. Bakit wala rin kayong alam? Maari ba na ganon lang iyon? Hindi niyo ba talaga maisip kung sino gumagawa ng lahat ng ito?” tugon ni Iska “Inaalam pa namin, Iska.” ani Henry at niyakap na lang niya si Iska muli at ilang minuto silang nabalot ng katahimikan.
Tulala lang sila at kapwa nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin at nag-aalala sa maaari pa na sunod na mangyayari, “May naiisip ka na ba na plano Henry?” ani Roly “Hindi pa ako sigurado, basta kailangan na natin maka-alis dito.” tugon ni Henry. Lumingon siya sa kanyang tabi at pinag-masdan si Iska na naka-tulog nang naka-sandal sa kanyang dibdib dahil nakayakap lang ang isang braso niya sa kanya. “Iniisip ko lang si Iska, paano kung alam na nila ang tungkol sa kanya.. Ayoko na siya na madamay sa ganitong gulo kaya nga nag-ingat tayo na wala siyang malaman.” saad ni Henry habang naka-tingin lang sa mukha ni Iska “Baka kailangan na niya na malaman?” ani Dino “Lalo lang mag-iisip iyan at mag-aalala. Kilala niyo iyan na kung ano rin ang pumasok sa isipan ay hindi nag-papapigil.” tugon ni Roly “Sigurado ba kayo na tulog iyan?” sambit ni Paolo kaya napalingon sila sa kanya at sabay-sabay agad na lumipat ng tingin kay Iska “Mukhang tulog naman.” sambit ni Henry at bahagya na lang silang napa-ngisi dahil kung sakali na gising nga siya ay hindi pa nila handang ipaliwanag ang lahat.
Kinaumagahan, pa-sikat pa lang ang araw ay naalimpungatan si Iska at nagtataka kung paano siya napunta sa kanyang kama. -”Binuhat siguro ako ni Henry.. Nakakahiya, ang laki ko na e tapos naka-tulog pa ako sa dibdib niya sa sobrang antok. Ano ako bata?”- bulong ni Iska sa isip, saktong pag-labas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay bumungad si Henry na ikina-gulat niya “Oh! Henry?” sambit niya “Mabuti at gising ka na, gigisingin na sana kita.. Para maaga tayo maka-alis.” saad ni Henry “Ah.. hindi pa pala ako nakakagayak at nag-aayos ng gamit na dadalhin ko.” tugon ni Iska “Mamaya na, kumain na muna tayo.” ani Henry at bumaba na sila. Matapos nila kumain, umakyat sila sa kani-kanilang kwarto para makapag-handa ng mga dadalhin na gamit.. Ngunit sinamahan muna ni Henry si Iska sa kwarto upang pag-bilinan ito bago sila umalis. “Iska, dalhin mo na lahat ng kailangan mo at baka matagalan tayo na hindi maka-balik.” ani Henry “Saan ba tayo ngayon?” tanong ni Iska “Baka rumenta muna tayo sa ngayon, basta sa ibang lugar.” sagot ni Henry “Mag-ayos ka na at hihintayin ka na lang namin sa ibaba.” dagdag pa ni Henry at lumapit siya kay Iska para halikan sa noo, “Hmmm? Bakit may pa-ganyan?” saad ni Iska na nagtataka. “Bakit? Ginagawa ko naman talaga iyon sa iyo ah?” tugon ni Henry “Bata pa ako noon, ang laki-laki ko na e.” tinuran ni Iska “ Ano naman? Gagawin ko pa rin iyon kahit kailan ko gustuhin.” saad ni Henry “Ginagawa niyo pa rin ako na bata.” ani Iska at natawa bahagya si Henry dahil naka-busangot siya “Hindi na magbabago iyon, prinsesa ka namin.. Baby-hin pa rin kita palagi.” naka-ngisi na saad ni Henry at lalo itong kina-lukot ng mukha niya “Ewan ko sa inyo!” sambit ni Iska at tumawa na lang si Henry nang mahina “Sige na, gumayak ka na.” ani Henry at lumabas na para mag-handa na rin at nauna silang bumaba kay Iska.
Isang oras mahigit rin bago natapos mag-impake si Iska at mag-ayos ng sarili, naka-black ripped jeans siya at ipinares sa high-cut white rubber shoes.. nag-suot siya ng black fitted sando-bra at naka-tuck in iyon sa pantalon niya tsaka siya nag-sapaw ng dark gray na crop hoodie jacket. Bumaba na siya buhat-buhat ang isang malaki niya na maleta at pinagsama-sama na niya doon lahat ng kailangan niya na gamit, pagka-baba niya.. “Heto na mga gamit ko, pasensya na medyo natagalan ak–” saad ni Iska at na-tigilan dahil isa-isa siyang napatingin sa porma ng apat na iba ang aura ngayon. -”Ay, hala! Ano ‘to.. Iba dating nila ngayon ah. Naga-gwapuhan ba ako o na-aangasan lang sa kanila?”- bulong ni Iska sa kanyan isipan, “Ayos ka lang, Iska?” ani Roly sabay hit-hit at buga ng usok dahil nagv-vape siya habang naka-sandal pa sa may pinto dahil napansin niya na natulala ito, naka-black cargo pants siya at white plain round neck T-Shirt na pinatungan ng black maong jacket at naka-brown combat shoes na naka khaki beret hat pa (ay! cowboy na bad boy?) “Natulala ka ah?” naka-ngisi na sambit ni Dino habang ngumunguya pa ng chewing gum at naka-sandal sa may gilid ng sofa at pina-iikot ang susi ng sasakyan sa kanyang daliri, naka brush-up ang buhok niya ngayon at naka-long necked black long sleeves shirt, dark gray denim jeans at flat black sneakers na may suot pa na clear round eyeglasses (aba! play boy na harry potter version?) “Ang gwa-gwapo namin, ano?” natatawang sabi ni Paolo na naka-upo sa sofa na kina-sasandalan ni Dino.. sabay subo ng kinakain niya na chips, fade away cut na medyo mahaba ang bangs ng buhok niya.. naka white V-neck plain T-Shirt siya na sinapawan ng black long coat, naka-brown corduroy pants at black flat rubber shoes (nako ah! lowkey korean actor ampeg?) “Iska?” sambit ni Henry na solo na naka-upo sa kabilang sofa habang umiinom ng rootbeer, medyo messy look ang pagkaka-ayos ng buhok niya at naka-white long sleeves polo shirt siya na bahagyang naka-bukas ang tatlong butones sa dibdib at pinatungan ng black coat, naka-black trouser pants at black leather rubber shoes. (naks! hottie big boss look?) ”Natauhan naman bigla si Iska dahil sabay-sabay silang natawa sa reaksyon niya nang makita sila.. “Ah… ano, ah..nakaka.. bigla kayo.” ani Iska na pinipilit kayanin na umisip ng sasabihin pabalik dahil ayaw niya ipahalata ang pagka-hiya, huminga siya ng malalim bago mag-salita “Hays, ano trip niyo? Mukha ka nang kakanta ng ‘Ang kawawang Cowboy’ Roly, ikaw naman Dino.. balak mo ba mag-magic at galing ka ba ng Hogwarts? Tapos kailan ka pa ba ume-extra sa telenovela o K-drama, Paolo? Ikaw rin Henry, ano ka CEO? Korbata na lang kulang sa iyo!” mahabang saad ni Iska kahit pulang-pula na ang mukha at halos lumuwa ang mga mata nila at si Iska naman ngayon ang tumatawa dahil sa reaksyon nila.. “Akala pa naman namin ay pupurihin mo kami!” ani Henry “Ayos naman sana.. Hindi ko lang talaga alam kung ano na naman ang trip niyo.” tugon ni Iska at nagsi-tawa na lang sila. “Ikaw talaga! Hindi ka nagpapa-talo.” saad ni Paolo at tinaasan niya lang ng kilay nang naka-ngisi “Ewan ko ba kasi sa inyo, ngayon ko lang kasi kayo nakita nang ganyan..” tugon niya at tinawanan lang siya. “Tama na nga iyan, tara na!” sambit ni Roly at nauna na sa sasakyan, sumunod na sina Dino at Paolo habang nilalagay ang mga bag na dala nila palabas para ilagay sa sasakyan.. “Ano ba iyang mga bit-bit niyo? Ang dami, akala ko ay masyado nang marami ang dinala ko.” saad ni Iska at nagtinginan lang ang apat. “Basta..” naka-ngisi na sambit ni Dino, “Iska.” ani Henry bago siya tuluyan makalabas ng bahay “Bakit?” tugon niya “Kahit na anong mangyari ay lakasan mo ang loob mo ah, matapang ka at alam ko..namin .. alam namin iyon.” saad niya na naka-titig sa mga mata niya habang hawak sa magkabilaang braso “Hmm.. Oo na at huwag mo na ako pakabahin pa.” tugon ni Iska “Ayaw niyo pa kasi sabihin lahat sa akin!” dagdag pa niya “Hindi na muna, basta tiwala lang at babalik lahat sa dati.” tinuran ni Henry sabay halik sa noo ni Iska “Ayan ka na naman!” ani Iska na naka-nguso at natawa na lang si Henry. “Hindi pa ba kayo tapos diyan?” sigaw ni Roly nang binuksan nila ang bintana ng sasakyan habang natatawa sila ni Dino na naka-silip sa kanila sa loob na nasa tapat ng gate at maging si Paolo ay naka-ngiti lang na nakatingin sa kanila “Hays! Heto na.” ani Henry at sumakay na rin sila.
“Saan nga ba ulit yung address na sinasabi niyo na uupahan natin.” tanong ni Dino habang nag-mamaneho “Na kay Roly.” tugon ni Henry “Paki-map naman Roly.” ani Dino “Oh, ayan.” pag-abot ni Roly ng cellphone na naka-upo sa tabi niya. Wala pa sa kalahati ng byahe ay may napapansin si Dino na naka-sunod na sasakyan sa kanila, “Pansin niyo ba iyang nasa likod?” tinuran niya “Medyo..” tugon ni Roly “Alerto na lang.” sambit ni Henry “Subukan mo bilisan Dino.” sambit ni Paolo at nang binilisan nga ni Dino ay bumilis rin ang takbo ng naka-sunod na sasakyan sa kanila. “Tangina! Sumusunod nga.” ani Dino, binuksan ni Roly ang bag na nasa ilalim ng kinauupuan nila ni Dino at inilabas ang shotgun, nanlaki ang mga mata ni Iska at maging sina Henry at Paolo ay ay dumukot na rin sa bag na nasa ibaba ng kinauupuan nila, isa kay Paolo at dalawang pistol naman kay Henry at may revolver na rin na hawak si Dino. “T-teka! A-ano iyan? Gumagamit kayo niyan? Kaya pala ang lalaki ng mga bag niyo!!” saad ni Iska “Kumalma ka lang Iska, kailangan natin maging alerto.” tinuran ni Henry at nilingon siya dahil naka-gitna siya sa kanilang dalawa ni Paolo, ilang minuto pa ay binangga sila ng sumusunod na sasakyan sa likuran at nagpaputok ng baril sa kanila. “Iska! Yuko!!” sambit ni Henry at nakipag-palitan silang dalawa ni Paolo ng bala sa may bintana, si Roly ay paisa-isa na rin na tina-target ang nasa likuran na sasakyan, panay liko lang si Dino kahit saan p-pwede dahil nasa parteng ma-gubat na sila, maya-maya ay may isang naka-motorbike na lalaki ang sumulpot sa kanilang harapan at pinaputukan sila ng baril.. Napa-preno si Dino at nagsi-yuko sila, “Dito ka lang Iska, huwag na huwag ka lalabas kahit na ano ang mangyari at hintayin mo kami.” saad ni Henry at lumabas dahan dahan si Henry at Roly ng sasakyan at nakikipag-palitan ng bala habang nagtatago at naka-yuko sa may sasakyan nila at unti-unting gumagapang papunta sa mga puno upang doon magtago, tuloy lang rin ang pakikipag-palitan ng bala sa kanila ng ilang kalalakihan na bumaba rin ng sasakyan. Bumaba si Dino at Paolo at pinag-tulungan na bugbugin ang lalaki na naka-motor na humarang sa kanila, bigla naman na may lumapit sa sasakyan nila na lalaki galing sa sasakyan na sumusunod sa kanila at sapilitan na hinatak si Iska palabas ng sasakyan “Ahh!! Bitiwan mo nga ako!” pagmamatigas ni Iska at sinusubukan pa lumaban at sinisipa ngunit masyadong malakas at malaking tao iyon, “Iskaaa!” nakita siya ni Paolo at pinuntahan habang naiwan si Dino na nakikipag-buno sa lalaking pinagtutulungan nila, sa kasawiang palad ay naitulak ng lalaki si Dino na ikina-tumba niya ngunit nang agad siyang tumayo ay tumakas na ito palayo dahil napuruhan na ito ng bugbog. “Gago! Duwag!!” sigaw pa ni Dino nang makita itong papalayo, bigla siyang napa-lingon kina Iska habang nakikipag-suntukan si Paolo sa lalaking balak kunin si Iska kaya nilapitan niya “Hoy!” sigaw ni Dino at bigla naman bumunot ng dalawang baril sa magkabilaang sinturera ang lalaki at itinutok kina Paolo at Iska. “Sige! Subukan mo at pasasabugin ko sa harap mo ang ulo ng dalawang ‘to!” pagbabanta ng lalaking naka-bonet mask na aakalain mo pa na holdaper nang nakita niyang naka-tutok ng baril sa kanya si Dino, natigilan si Dino at sabay sinukbit muli ang baril na nakatutok kay Paolo at hinablot ng lalaki si Iska sa leeg “Ahh! Ano ba!” sigaw ni Iska na nagpupumiglas kaya halos ma-tuod si Paolo at Dino, “Ikaw! Pumasok ka sa sasakyan!” utos ng lalaki kay Paolo na naka-taas ang dalawang kamay at tinututukan siya ng baril ng lalaki kaya sinunod niya na lang dahil hawak nito si Iska, dahan-dahan rin itong naglakad hawak-hawak si Iska at tinulak papasok ng sasakyan kasama si Paolo habang nakikipag-tutukan ng baril kay Dino at nagsi-pasukan ang iba pang kalalakihan sa sasakyan at wala nang nagawa si Dino nang kumaripas na palayo ang sasakyan ng mga ito na tangay silang dalawa. Napansin naman ni Henry at Roly na tumahik ang paligid, dahan dahan silang lumakad papalapit kung saan naroon ang kanilang sasakyan.. Nagmamatyag ngunit nagtaka na wala nang naroon kung hindi si Dino na natulalang nakatayo sa tapat ng kanilang sasakyan. “Dino!” sambit ni Henry “Henry, Roly..” walang buhay na tugon ni Dino “Anong nangyari?” tanong ni Roly “S-sorry.. S-si .. Iska at Paolo kinuha ng mga hayop na ‘yun! Wala ako nagawa.” nanlulumo na tugon ni Dino, “Ano?!” sabay na sambit ni Henry at Roly at halos madurog na ang kamao ni Henry nang pag-susuntukin niya ang isang puno na nasa tapat nila sa sobrang galit. “Tama na yan, Henry! Hahanapin natin sila at hindi tayo titigil hanggat hindi sila nababawi.” saad ni Roly. “Mga hayop sila! Subukan lang nila na saktan si Iska at Paolo .. lalo na si Iska.. huwag na huwag nilang hahawakan!!” nag-pupuyos sa galit na sigaw ni Henry.
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Look at the situation they got me facing
I can’t live a normal life, I was raised by the street
So I gotta be down with the hood team
Too much television watching got me chasing dreams
I’m an educated fool with money on my mind
Got my ten in my hand and a gleam in my eye
I’m a loc’d out gangsta, set-tripping banger
And my homies is down so don’t arouse my anger
Fool, death ain’t nothing but a heartbeat away
I’m living life do or die, what can I say?
I’m 23 now, but will I live to see 24?
The way things are going, I don’t know
Tell me why are we so blind to see
That the ones we hurt are you and me?
Tell me why are we so blind to see
That the ones we hurt are you and me?
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Tell me why are we so blind to see
That the ones we hurt are you and me?