“Ang lalim ng iniisip mo ah?” bulong ni Roly kay Henry na parehong nasa kanilang silid na, “Pagod lang, ang dami kasi kaninang delivery.” tugon ni Henry. “Duda ako diyan. Haha!” sambit nito, hindi ito umiimik. “Si Iska na naman, ano?” dugtong ni Roly, “Bakit ayaw mo umamin?” dagdag pa niyang muli. “Ano pinagsasabi mo?” maang maangan ni Henry sa kaniya na ani mo ay kunwaring hindi naiintindihan, “Kitang-kita naman at ramdam na ramdam ko, maging nina Dino at Paolo na iba ang pagtingin mo kay Iska. Habang tumatagal ay lalong nag-iiba ka sa kanya, para bang mas lumalalim na.” mahabang saad ni Roly. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” saad ni Henry, “Sadyang nag-aalala lang naman ako sa kanya, nasanay lang siguro ako na hindi siya sumusuway at nakikinig siya lagi sa atin at nakakasama natin madalas. Delikado naman na rin kasi ngayon, tapos parang nagiging mailap na siya at malihim na siya ngayon sa atin.” mahabang tinuran ni Henry. Bahagyang natawa si Roly, “Ano ibig mong sabihin?” tila hindi naniniwala na sambit ni Roly. “Kami ay ganyan rin naman sa kanya, parang bunsong kapatid na natin iyang si Iska dahil parang tayo ang naging mga kuya niya. Sabay-sabay na tayo tumanda, at sa atin siya lumaki. Pero iba ang nakikita namin na pagtingin mo sa kanya habang tumatagal, kami ay kaya namin siyang makita na nag-eexplore at lumaya. Samantalang ikaw ay nangangamba ka masyado, para bang ayaw mo na mas marami pa siyang makilala na iba na… ibang mga lalaki.” may diin at tila pabiro na tinuran ni Roly sa dulong sanaysay niya, “Tama ba?” pahabol pa niyang muli. Hindi na kumibo si Henry, “Kung ako sa iyo, aminin mo na sa sarili mo ang totoo. Para masabi mo na rin kay Iska, at bilisan mo rin dahil dumarami na ang pumapaligid sa kanya.” saad pa ni Roly na ani mo’y nang-aasar at nananakot. “Pero paano kung…” sambit ni Henry ngunit natigilan, “Pero, ano?” tugon ni Roly. “Kung ano…” pigil na tugon ni Henry muli, “Ano nga kasi?” bitin na bitin na tanong ni Roly. “Pero paano, kapag hindi naging pareho ang pagtingin at nararamdaman niya para sa akin?” tugon ni Henry na nag patahimik kay Roly, “Hmm…” natameme si Roly at napa-isip rin. “Sige, ngayon mo iyan sagutin?” hamon na tinuran ni Henry, “Hindi naman natin malalaman kung hindi mo susubukan.” sagot ni Roly. “Ano?” naguguluhan na sambit ni Henry. “Ahhh! Tama, alam ko na. May na isip ako.” saad ni Roly, “Ano na naman iyan?” nag aalinlangan na tanong ni Henry. “Parang liligawan mo si Iska nang hindi niya namamalayan, parang pa-iibigin mo siya sa iyo.” saad muli ni Roly, “Ano ba naman ang pinagsasabi mo? Paano ‘yun?” nalilitong tugon ni Henry. “Basta… ibahin mo na style mo sa kanya ngayon, ganon!” tinuran ni Roly, “Hindi naman kita maintindihan e paano ba kasi iyon?” naiinis na tugon ni Henry. “Oh, katulad niyan. Huwag mo na kasi siya sinusungitan lagi, lambingin mo ganon!” sagot ni Roly, “Susuyuin mo lang ba, ganon.” dagdag pa ni Roly. “Ang gulo mo naman.” kamot ulong sambit ni Henry, “Haaay, diskarte mo na ‘yan kung paano lalambot si Iska. Basta ibahin mo na attitude mo sa kanya, ako na bahala pati sina Dino at Paolo ay sasabihan ko para kapag may naisip kami na gagawin ay sasabihan kita.” saad ni Roly at naka ngisi. “Baka lalo lang lumayo niyan si Iska, manibago pa ‘yon.” pag aalala ni Henry, “Hindi iyan, basta ganon ang gagawin natin.” pagpapalakas ng loob ni Roly kay Henry. “ Tamang-tama at malapit na ang ika labing siyam niya na kaarawan, paghandaan mo.” saad ni Roly, “Balak naman natin talaga maghanda, hindi ba?” dagdag pa niya. “Oo nga.” tugon naman ni Henry, “Planuhin natin lahat ang pag-amin mo, kaya mula bukas ay ibahin mo na ang trato mo sa kanya.” saad pa ni Roly. “Ngayon pa lang ay seryosohin mo na ang pagkuha ng loob niya, para naman maramdaman na niya rin ang totoo.” dagdag na tinuran ni Roly, “Kinakabahan naman ako sa iyo.” sambit ni Henry. “Huwag ka na mag sayang ng oras, sayang ang pagkakataon.” saad ni Roly, “Bahala na, sige.” tugon ni Henry. “Iyan, ganyan! Matapang dapat.” pabiro na sabi ni Roly, “Magpahinga na muna tayo dahil maaga pa tayo bukas, mamaya ay marinig ka pa ni Iska riyan. Ang ingay mo na e lalo pa ako mawalan ng pag-asa.” saad ni Henry, “Haha! Aba, aba?” natatawang tugon ni Roly. “Mukhang nag-iisip na nga rin ng plano ah?” dagdag pa niya na naka ngisi, “Pwede ba, manahimik ka na riyan. Matutulog na ako.” tinuran ni Henry. “Sige na nga. Haha! Sana managinip ka kung paano gagawin.” pabiro pa na sabi ni Roly, “Matulog ka na nga.” sambit ni Henry at natulog na rin sila agad matapos ang kanilang usapan.