Destined to meet again

1384 Words
Mag-isa lang sa bahay ngayon si Iska, wala na ang mga kaibigan niya. Hindi naman puro pandurukot ang ginagawa nila sa buhay, sadyang kapag kapit na sila sa patalim lalo na noong mga bata pa sila at wala silang ibang diskarte na pwedeng magawa dahil nga sa menor de edad pa sila ng mga panahon na iyon ay walang tatanggap sa kanila upang magtrabaho. Tanging si Henry at Roly lang na pinaka matanda sa kanila noon ang minsan na kinukuha upang tumulong sa ibang trabaho tulad ng pag-karga ng mga paninda sa palengke dahil binatilyo na ang mga ito noon, bata palang sila nang magka kila-kilala. Si Paolo at Dino naman na parehong mas bata kumpara sa dalawa at hindi pa matatawag na teenager ay sa mga pangangalakal o pag may ibang nakakapag-utos sa kanila rin sa palengke o kahit saan dahil laki nga silang kalsada at kapwa mga ulila, doon sila pinagtagpo-tagpo ng tadhana at nagsama-sama mag pa hanggang sa ngayon. Dahil may kanya-kanyang lakad sa ngayon ang mga kaibigan niya ay naisipan na lang ni Iska na maglaba at maglinis ng apartment nila, ilang oras rin ang ginugol niya at hapon na nang matapos siya. Nagpahinga lang muna siya pansamantala, at makalipas ang halos isang oras ay naisipan niya na lumabas at nagbihis upang maglakad-lakad. Pumunta siya sa isang convenience store upang bumili ng maiinom niya, pagkabili niya ay agad siyang umalis upang maghanap ng mabibilhan ng burger sandwich dahil bigla siyang nag-crave na kumain nito. Pagkakuha niya ng order niya na burger ay doon na rin niya mismo kinain iyon dahil may upuan at lamesa naman para sa mga customer sa burger house na binilhan niya sa labas nito, maya-maya ay may natanaw siya sa hindi kalayuan na pamilyar ang mukha pa-daan sa burger house at sinundan niya ng tingin. -”Analyn?”- bulong niya sa isip niya, lumagpas na ito sa kinauupuan niya at tila hindi naman siya nito napansin dahil diretso lamang ang paningin habang naglalakad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sinundan niya pa rin ito ng tingin habang papalayo na naglalakad ng kalsada, maya-maya ay tumayo siya at kusang may kung ano sa sarili niya ang pinasunod siya ng kanyang mga paa kung saan man ito patungo. “Aray!” daing na sigaw ni Analyn, “Bitiwan mo nga ako!” dugtong pa nito. “Paano kung ayoko?” mataray na sagot ng babae na humablot sa kanyang buhok, “Ano ba problema mo?” singhal muli ni Analyn at sabay hablot sa kwelyo ng blouse nito kaya napabitaw sa kanya. "Ouch!” sigaw nito, “Ano ba ginagawa mo rito ha? Huwag mo nga ako gawaan ng eskandalo pwede??” galit na hindi kalakasan na turan ni Analyn nang makaharap niya ito. “Ikaw pa may gana magsabi niyan pagkatapos mo agawin sa akin ang boyfriend ko?” tugon nito na medyo kataasan ang boses, “Wala akong inagaw sa iyo, para sabihin ko sa iyo ha!” galit na tugon ni Analyn. “Ang kapal mo!” muling sambit nito at akmang sasampalin siya, napa-pikit si Analyn dahil akala niya ay tatama ang sampal nito sa kanya dahil hindi siya naging alerto. Ngunit ilang segundo pa ay walang tumama sa kanyang pisngi, pagtaas ng kanyang ulo ay napatingin sila pareho ng babae sa kung sino ang may pumigil sa kamay nito na hawak pa rin ang braso niya. “Raymond?” sabay na bigkas ni Analyn at ng babae, “Tumigil ka na Pia!” galit na sambit nito at tinabig pababa na may kalakasan ang kamay nito at tinitigan ito nang may pagka-dismaya. “Why? Bakit ako??” tanong nito na may galit, “Sino ba ang nanggugulo?” madiin na tugon nito. “Edi ‘yang babae na ‘yan!” malakas na pagkakasabi nito sabay turo kay Analyn, “Excuse me! Ikaw ang nanunugod nang walang dahilan at matiwasay akong naglalakad pauwi pagkatapos ay gagawan mo ako ng eskandalo rito?” bulyaw niya na sagot rito, “Ang lakas ng loob mo dahil sa ganitong sitwasyon tayo naabutan ni Raymond, pero ang tapang tapang mo kanina nang hablutin mo ako sa blouse ko oh! Tignan mo Ray oh, napunit na tuloy ang damit ko dahil sa ginawa niya.” pagalit na pagkakasabi at nagpapaawa pa. “Malamang, nakasabunot ka sa akin kaya dinepensahan ko lang ang sarili ko, huwag ka nga mapagpanggap diyan!” inis na tugon ni Analyn habang natatawa nang sarkastiko. “Tama na Lyn, huwag mo na siya patulan at ako na ang bahala. Pasensya ka na rin, aayusin ko ang lahat.” malumanay na pagkakabanggit nito pagharap kay Analyn, “Bakit ka ba humihingi ng pasensya sa kanya Ray? Siya ang sumira sa ating dalawa!” galit na tinuran ni Pia. “Tumigil ka na nga Pia, please lang? Walang ibang sumira sa ating dalawa kung hindi ikaw!” galit na sagot nito na bumaling naman paharap dito, “Paano naging ako? Siya ‘yun! Kung hindi siya umeksena ay maayos na tayo ulit!” galit na sigaw nito pabalik. “Hindi! Ikaw! Kung hindi ka bumalik, edi sana tahimik pa rin kami!” galit na tugon nito. “Ako pa? Ako pa talaga Ray? Bumalik ako para maayos na tayo dahil mahal na mahal naman talaga kita, mas inuna ko lang ang pangarap ko kaya pansamantala kita na iniwan. Pero heto ako oh, aayusin na natin ang lahat.” maiiyak na sagot nito, “Tatlong taon ka nawala, at wala akong balita na kahit ano sa iyo o dahilan ng pagkawala mo! Kahit anong hanap ko sa iyo para maliwanagan ako ay hindi mo ako kinausap o nagpakita ka man lang kahit isang beses! Pero mula nang mawalan na ako ng pag-asa ay pinilit ko na kalimutan ang lahat at nakilala ko si Analyn, magmula noon sa kanya ko na natutunan na bigyan ko ulit ng pagkakataon ang sarili ko na magmahal. Pagkatapos nandito ka na naman?” galit na tugon nito. “I’m sorry, kaya nga babawi ako at ipapaliwanag ko lahat sayo dahil nabigla lang rin ako sa desisyon ko at sa mga pangyayari.” umiiyak na sagot nito, “Pwede ba Mon! Hindi ito ang tamang lugar para magdramahan kayong dalawa, tigilan niyo na ako pareho. Please lang!” galit at naiiyak na singit ni Analyn sabay takbo palayo. Halos limang minuto na naglalakad si Analyn habang tuliro ay naupo siya sa isang waiting shed at sandaling nagpahinga, habang nakayuko siya at umiiyak ay may tumabi sa kanya at inabutan siya ng isang panyo. “Mukhang kailangan mo niyan.” mahinang sambit nito, “I-Is-Iska?” nauutal at gulat na pagbigkas niya sa pangalan nito at biglang napayakap, “Nandito ka? Kanina ka pa ba? Bakit ka nandito, ano ginagawa mo rito?” sunod-sunod niya na tanong. “Wala, hindi ko rin alam.” tanging tugon nito ngunit hindi pa rin siya nililingon at nakatingin lamang sa kawalan. “Hmm… Dibale ayos lang kung nagkataon lang, pwede ba samahan mo muna ako sandali? May problema kasi ako at wala ako makausap.” pakikiusap ni Analyn dito, tumingin ito sa kanya sandali ngunit hindi kumibo at nanatili lamang sa tabi niya. “Alam mo ba kanina, sobrang nakakahiya ang nangyari sa akin. Masama ba magmahal? Bakit ganoon? Lahat na lang ng taong napapalapit sa akin ay inilalayo sa akin, bakit ganoon na lang palagi?” pag mamaktol na tila pagsusumbong ni Analyn kay Iska, “Hindi naman ako masamang tao e bakit parang ayaw maging maganda ang pakikitungo sa akin ng mundo?” dugtong nito at hindi napigilan na sumandal sa balikat ni Iska. Maya-maya ay tumigil na ito sa pag-iyak at nagtaas ng ulo, “Salamat ulit ah, nandito ka na naman sa pagkakataon na ganito ako.” pagpapasalamat ni Analyn. “Oo, mabuti pa at umuwi ka na at kailangan mo na magpahinga.” tugon ni Iska na ikina-ngiti ni Analyn, “Salamat, ikaw rin baka abutan ka na rin ng dilim.” sagot ni Analyn. “Oo, sige mag-iingat ka at uuwi na rin ako.” ang naging tugon ni Iska, “Sige, ba-bye!” nakangiting paalam ni Analyn at tumango lang si Iska na may ngiti rin at naghiwalay na sila ng direksyon para umuwi sa kani-kanilang tirahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD