certificate

1997 Words
Pauwi na si Analyn pero tumatakbo pa rin sa isip niya kung bakit malaki ang pagkakahawig ni Iska sa anak ng boss nila, kung tutuusin ay kamukha niya talaga ito sa kaniyang palagay. Kauuwi niya lang at kailangan na niya magpahinga, hindi naman sila nag kausap ni Iska dahil hindi sila nagkita ngayon. Gustuhin man niya itong tanungin ay hindi niya alam kung paano, at malamang ay wala rin itong maisasagot sa kanya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at iniwaksi ang lahat sa isipan niya, kung ano man ang ibig sabihin ng lahat ng iyon ay alam niya na lalabas rin sa tamang panahon kung mayroon man. Hirap man makatulog sa dami ng naiisip, maya-maya ay nakatulog na rin naman siya. Kinaumagahan, agad na bumangon si Analyn upang makapag asikaso para pumasok. Sandaling sumagi muli sa isip niya ang anak ng kanilang boss na kamukha ni Iska, ngunit ipinagpaliban na muna niya ang bagay na iyon dahil mag aantay na lang siya na ang tadhana na mismo ang magbigay daan kung kailangan pang pag bigyan ng oras at panahon ito. Pagkaayos niya sa sarili ay nag-almusal na, tsaka siya gumayak at lumabas na ng bahay niya para pumasok sa trabaho. Nasa opisina na nila ngayon si Analyn, “Analyn, ikaw na muna raw ang pumunta sa stock room. Nandoon na raw ang delivery man ng bagong company na pinagkukunan natin ng ibang materials, may pinagawa kasi sa akin kaya ikaw na. I-double check mo lang kung kumpleto, bilisan mo na.” saad ng katrabaho ni Analyn. Tumango na lang si Analyn at madaling nagpunta sa elevator para maka-baba ng stock room, “Excuse me, ako ang mag-checheck sa ngayon ng mga delivered materials.” malumanay na sambit niya pagpasok sa stock room at diretso check ng mga kahon na nadeliver. Nakatalikod ang mga delivery man dahil mayroon pa silang isinasalansan na ibang kahon kaya hindi na sila nagkatinginan, si Analyn rin naman ay agad na dino-double check ang bawat kahon. Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na siya , “Sa palagay ko ay kumpleto na, may iba pa ba akong nalimutan?” buod ni Analyn at sabay harap sa mga ito. “Ikaw?” tanong ng isang delivery man na nagulat pagharap niya, “Hindi ba siya ang kaibigan ni Iska?” dugtong pa ng kasama nito na nabigla rin. “Oo, hindi ba kayo sina Henry at Roly?” tugon ni Analyn na pawang nabigla rin, “Oo, dito ka pala nagtatrabaho?” sagot ni Roly. “Ahhh, oo. Bago lang rin ako dito, akalain niyo ‘yun ano?” magiliw na tugon niya. “Si Iska nga pala kumusta?” dagdag pa ni Analyn, “Nasa bahay lang siguro siya ngayon.” tugon ni Roly sabay lingon kay Henry, “Hmmm, tapos mo na ba ma check? May idedeliver pa kasi kami ulit.” walang emosyon na saad ni Henry. “Ah… Oo, ayos na kumpleto naman na. Pwede na kayo makaalis, salamat.” sagot ni Analyn, “Sige, salamat rin. Mauuna na kami.” saad ni Henry. “Sige…” sambit ni Roly kay Analyn, dumiretso na palabas rin ang dalawa at si Analyn ay bumalik na sa opisina nila. “Aalis ka?” tanong ni Dino, “Oo, ngayon ko na makukuha ‘yung certificate ko raw sa TESDA.” tugon ni Iska. “Ano oras balik mo?” muli nitong tanong, “Hindi ko alam, may dadaanan pa kasi ako.” saad niya. “Saan?” tanong ni Dino, “Basta, may aapplyan ako. Mamaya ko na ipapaliwanag.” huling tugon ni Iska sabay labas na ng bahay. “Sandaliii.” pagpigil pa ni Dino ngunit lumabas na ito, “Mamaya ay umuwi ka agad kung hindi baka managot kami sa iyo.” pahabol na sambit ni Dino bago pa tuluyan na makalayo si Iska. Ilang oras pa ang lumipas at tanghali na, “Oh, nandiyan ka na pala Paolo.” saad ni Dino. “Oo, may naiwan pa ako roon. Ikaw na ang tumapos.” tugon ni Paolo, “Oh sige, si Iska pala antabayanan mo. Kapag nauna na naman na dumating kung sakali sina Henry na huwag naman na sana, sabihin mo ay nagpaalam sa akin na kukunin ang certification niya sa TESDA at mag-aapply.” saad muli ni Dino. “Nako, ganoon ba? Sige sige.” napakamot na lang si Paolo sa ulo nang sabihin iyon, napa iling na lang rin si Dino at umalis na. Matapos makuha ni Iska ang certificate niya ay nagpasa siya ng kanyang resume sa mga maaari niyang mapasukan, ang iba ay may interview na agad. Karamihan ay puro tatawagan na lamang daw siya at ang iilan naman ay sinasabi na agad na hindi pa raw siya kwalipikado. Napabuntong hininga na lang sa pagod si Iska at naupo sa isang waiting shed, ilang minuto ang lumipas ay may humintong motorsiklo sa tapat niya. “Iska!” bungad ng lalaki, “Bobby?” gulat na pagkakasabi ni Iska. “Oo, ako nga. Anong ginagawa mo riyan?” saad nito, “Ah, nagpapahinga lang.” sagot niya. “Saan ka ba nanggaling?” muling tanong nito nang bumaba sa motorsiklo niya ata tumabi kay Iska, “Nagpasa kasi ako ng resume sa mga gusto ko mapasukan na trabaho, sayang rin kasi kakakuha ko lang ng certificate ko at nag babaka sakali.” saad ni Iska. “Ah, kakakuha ko lang rin ng sa akin. Kung gusto mo ay sabay na tayo mag apply?” magiliw na tinuran ni Bobby, “Aba, sige ba.” tugon ni Iska. “Bago iyon, kumain na muna tayo dahil tanghali na. Ililibre na rin kita.” saad nito sabay kindat, “Nako, tigilan mo ako sa kaharutan mo ah.” natatawang sambit ni Iska. “Bakit, dahil ba hindi tayo talo?” pabiro na sagot ni Bobby, “Pinagtitripan mo lang naman yata ako, ayaw ko na sumabay sa iyo.” napipikon na tugon ni Iska. “Biro lang naman iyon, alam ko naman na crush mo rin ako.” muli na naman na biro nito, sinimangutan lamang ito ni Iska at inirapan. “Joke lang, tara na kasi crush.” banat na naman muli ni Bobby, “Kapag hindi ka pa tumigil ay uuwi na lang ako.” inis na sabi Iska. “Oo na, hindi na nga po boss, amo, haha!” maloko na tugon nito, napa buntong hininga na lang si Iska sabay irap at sumakay na rin at umangkas sa motorsiklo nito dahil lalarga na raw sila. Tulad ng usapan nina Iska at Bobby ay ganoon nga ang ginawa nila, pagkatapos na pagkatapos nila kumain ay nagtungo sila sa iba pang alam ni Bobby na pwede nila pag applyan. “Sana naman ay ngayon matanggap na tayo.” pagod na saad ni Iska, “Oo naman.” pagpapalakas ng loob ni Bobby kay Iska. “Tingin mo?” tinuran ni Iska, “Oo nga, lalo na at ang pagkakaalam ko ay kulang na kulang sa clerk sila rito. Kaya positive ka lang dapat, pati sa pagsagot mo ay i-claim mo na matatanggap na tayo.” mahabang tugon nito. Napangiti na lamang si Iska kay Bobby at tumango, at matapos makausap si Bobby ay kinindatan siya nito at nag OK sign sa kanyang kamay hudyat na pasado ito. Kinabahan naman si Iska, “Yakang-yaka mo ‘yun, basic lang. Aantayin kita rito ah, galingan mo.” bulong ni Bobby kay Iska. “Hi, good day po. I’m Cheska Aragon.” bungad na bati ni Iska pagpasok sa silid, agad siyang pinaupo at tinanong ng ilang basic information at kung ano ang mga skills na alam niya. Pinag demonstrate din siya kung paano mag-ayos ng mga bedsheet at kung anu-ano pa para sa pagiging room attendant, at nang matapos siya ay agad siya na pinag papasa na ng iba pang requirements at maaari na raw magsimula sa susunod na mga araw. “Bobby.” naka ngiti si Iska pag labas, “Oh, ano? Sabi ko naman sa iyo e.” tugon ni Bobby sabay akbay kay Iska. “Aray ko naman sandali, alisin mo nga yung kamay mo.” nainis naman bigla na saad ni Iska dahil nabibigatan na siya sa braso ni Bobby, “Ay, sorry, sorry, na excite lang ako dahil magiging magkatrabaho na tayo.” napakamot ulo lang ito pagkasabi. “Salamat nga pala sa pag sabay mo sa akin at dito pala ako matatanggap.” bawing sagot naman ni Iska, “Wala ‘yun! Basta ikaw.” sabay kindat na naman ni Bobby pagka sabi. “Hay nako, itigil mo ‘yan at baka masuntok kita at magka black eye ka dahil diyan sa kaka kindat mo.” napipikon na saad ni Iska, “Napuwing lang ako.” natatawang tugon nito. “Kanina ka pa napupuwing ganon?” kunot noo na pagkakasabi ni Iska, “Oo, napupuwing sa taglay mong ganda.” muling tumawa ito pagkasabi. “Para ba akong nasisilaw tuwing nasisilayan kita.” dugtong pa nito sabay halos hagalpak na sa sahig, “Ako talaga inaasar mo e ano? Ang lakas ng trip mo.” inis at pikon na tugon ni Iska. “Heto naman, ngayon lang tayo ulit nagkita tapos susungitan mo pa ako.” tugon nito na kunwari ay batang nagpapaawa, “Sa pagkakaalala ko nakaraang buwan lang iyon.” saad ni Iska. “Ang tagal na non, miss na nga kita e.” nagpapaamo pa ulit kunwari na tinuran nito, “Umuwi na nga lang tayo at nalipasan ka na ata diyan at kailangan mo na itulog.” inis na pagkaka sabi ni Iska at tinawanan lang siya nito. “Iuuwi na ba kita o uuwi na tayo sa inyo?” pabirong tanong nito sabay tawa, “Sira ulo ka talaga!” naaasar na sabi ni Iska sabay batok kay Bobby. Hindi na tumanggi si Iska na ihatid siya ni Bobby dahil malapit nang mag dilim at tila parang uulan na, “Salamat sa pag hatid.” saad ni Iska. “Wala ‘yun, sige mauuna na ako.” naka ngiti na tugon ni Bobby, “Sige, ingat.” pagpapaalam ni Iska. Agad na pumasok si Iska ng bahay, dahil quarter to seven na ay alam niya na nandiyan na sila Henry at ramdam na niya ang mahabang quiz bee. “Saan ka nanggaling na naman?” kunot noo na tanong ni Henry, “Nag apply ako.” tugon niya. “Saan?” muling tanong nito, “Marami pero natanggap na ako sa huli kong inapplayan sa Soju Hotel.” sagot ni Iska. “Mabuti naman, hindi ka na maboboring dito.” natatawa na biro ni Paolo, “Sino na naman ang kasama mo na naghatid sa iyo? Yun din ba ‘yung nakaraan na sinabi mo na Tonyo?” mahabang tanong ni Henry. “Hindi, si Bobby.” maiksi na sagot ni Iska, “Sino naman ‘yun?” gulat at naiinis na tanong nitong muli. “Nakasabay ko sa TESDA, siya rin nakakita sa akin noong wala na ako maapplayan kaya isinabay na niya ako. Buti na lang kasi pareho kami na pasado.” paliwanag ni Iska, “Makakasama mo ‘yun sa trabaho?” singit ni Roly. “Oo.” sagot ni Iska, “Naks naman.” nang aasar na sambit ni Dino. “Kapag nag start ka na sa trabaho mo, si Dino ang mag hahatid at si Paolo naman ang mag susundo sa iyo.” ma awtoridad na bilin ni Henry, “Pero—” hindi na natapos ni Iska ang sasabihin niya. “Mas panatag si Henry kung hatid sundo ka nina Dino at Paolo.” singit ni Roly, “Huwag ka na makulit.” natatawang sambit ni Paolo. “Mas safe ka raw kapag kami kaysa sa iba.” dagdag pa na pag bibiro ni Dino. “Ok. Mukha ba akong may choice?” naiinis na tugon ni Iska, umakyat na ito sa kanyang silid at nagpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD