Ilang linggo ang lumipas ay normal pa rin naman ang lahat, wala naman naging pagka-ilang si Iska at Henry sa isa’t isa. Kung minsan ay nagkakaiwasan ng tingin ngunit hindi naman nagtagal ay bumalik rin naman ang trato nila sa isa’t isa kapag nag-uusap at hindi sila umiiwas ng mga kilos nila at wala naman silang pinagbago. Natanggap na rin sa isang restaurant bilang isang waiter si Henry habang si Roly ay nag-carrier rider sa isang delivery company, si Paolo ay security guard na sa isang supermarket at si Dino ay nasa isang motor retailer shop at sa kabutihang palad ay hindi naman sila nahahanap pa ni Red Wolf. “Hmm.. Henry?” ani Iska “Bakit?” tugon niya “Ahm.. Magtatatlong buwan na kaming nandito lang sa bahay ni Analyn, baka pwede naman na rin kami humanap ng trabaho? Hindi na kami naka

