“Oh!! Iska! Wala ka ata dalang na diskarte?” tinanggal niya ang kanyang sumbrero at kumunot ang noo niya nang tiningnan ito, “Huwag ka mang-asar Henry at malas ako ngayon.” sagot niya naman rito. “Nagtatanong lang naman e.” sagot nito sabay kamot sa ulo. “Ano ba nangyari at badtrip ka?” tanong nito muli sa kanya. “Ah, basta.” ani niya at tumabi sa kinauupuan nitong sofa, “Share mo na ‘yan, baka may lesson kami na matutunan.” natatawang sambit naman ng isa pa nilang kasama habang ngumunguya ng mani at sabay silang napalingon ni Henry sa kinauupuan nito sa harap nila “Baka pagtawanan niyo lang ako Roly kapag kinuwento ko pa.” sagot niya naman dito. “Edi mas maganda hindi ba? Idaan nalang natin sa biro dahil minsan mamalasin talaga.” bigla naman sabi ng isa pa nilang kasama na katabi ni Roly at kumakain rin ng mani, “Hay nako Paolo, tinatamad ako mag kwento.” sagot niya at biglang tumayo at lumipat na lang sa may upuan sa tabi ng lamesa, “Sige na, minsan ka na nga lang malasin e sa ating lima diba ikaw lagi tiba-tiba at inaalaska mo kami palagi hahaha makaganti lang naman, ang daya mo!” pag-pupumilit na tumatawa naman ng isa pa nilang kasama na pababa ng hagdan mula second floor na naririnig pala ang usapan nila, “Isa ka pa Dino, talagang hindi niyo ako titigilan ano?” naka-ngisi ngunit inis na sagot niya, “Bilis na kasi!” pag-pupumilit muli ni Paolo. Bumuntong hininga siya at sinimulan magkwento, alam naman niya na hindi siya patutulugin ng mga ito hanggat hindi siya nagkwekwento.
“May dinukutan ako kanina na babae, tapos nung palayo na ako narinig ko siya na sumigaw. Akala ko pa nga noong una e nalaman niya na dinukutan ko siya kaya bibilisan ko na sana maglakad palayo pero nagulat ako nang pag-lingon ko at nakita ko siya na hinatak siya ng lalaki papasok sa eskinita kaya napatakbo ako pabalik.” dismayadong umpisa niya, “Oh! Tapos, nakita ka ba nung lalaki?” nag-aalala na tanong ni Henry at natigilan silang lahat at sabay sabay na tumingin kay Iska nang may pag-aalala. “Hindi, nagtago ako muna sa may naka-paradang kotse.” sagot niya, “Ano ginawa mo?” tanong ni Roly. “Sumilip ako, rapist pala at hinubaran na niya ‘yung babae kaya nang-gigil ako at kumuha ako ng bato na nakita ko sa may gulong ng kotse at dahan dahan na lumapit para hampasin siya sa ulo.” Hindi naka-imik ang apat na nakatitig lang sa kanya habang nagkukwento, “Buti napuruhan ko agad kaya nakatakbo na kami.” dagdag niya. “Ano na nangyari sa babae?” tanong ni Paolo, “Ayos naman na siguro ‘yun ngayon.” sagot niya. “Wala man lang bang thank you?” singit ni Paolo ulit, “Nako! Panay buntot nga kasi akala niya lalaki ako at ililibre pa nga raw niya ako dahil sa ginawa ko. Kahit hindi ko na nga pinapansin ayaw ako tigilan!” may halong inis na sagot niya pero tumatawa, “Aba! So handsome naman this guy!” biro ni Dino. “Napilitan nga ako ibalik sa kanya ang wallet niya kasi nalaman niya na nawala pala pero hindi niya napansin, ayoko na sana malaman niya na ako nakakuha pero sa naawa ako at hindi naman niya rin ako nakilala e” dagdag ni Iska muli. “Hahahhahahahahha umamin ka nga Iska, baka Isko ka naman na talaga?” nanlolokong tanong ni Paolo, “Sira ulo!” inis na sagot niya at sabay sabay na tumawa ang apat. “Pero sa bagay, kung ako rin ‘yun baka binugbog ko pa ‘yon e dahil lalaki rin naman ako at kayang-kaya ko ‘yun.” wika ni Henry, “Oo, tama naman rin ginawa ni Iska e nagbibiro lang naman ako hahaha.” pag-bawi ni Paolo. “Buti na lang at tama ang tyempo mo kung hindi baka pati ikaw napahamak.” pag-aalala ni Henry, “Alam ko naman rin ‘yun kaya nag-ingat ako.” sagot ni Iska. “Ewan ko ba sa ibang lalaki nako! Ang dami naman na mga bar jan at may mga babae na kusa binibigay sarili, pero na isipan pa nila mang-rape.” may halong galit na opinyon ni Roly, “Wala kasing diskarte sa buhay, kaya walang pambayad haha!” sagot naman ni Dino kay Roly na ikinatawa nila. “Gago! Mali pa rin ‘yun, sana nag-sarili na lang siya.” balik na sagot ni Roly, “Baka kasi sawa na mag-sarili hahahaha!” nakakalokong sagot na naman ni Dino. “Tarantado ka rin talaga ano? Baka mamaya ganon na rin gawin mo e kami mismo papatay sayo.” sagot ni Henry kay Dino na may halong pagbabanta, “Nagbibiro lang naman kasi ako, para pang balanse sa usapan. Kayo naman oh! Hindi ako ganun, sa gwapo ko ba naman na ‘to diba lagi ako ang nilalapitan.” mayabang na bawi naman nito na ikinatawa muli nila. “Sa pagkaka-alala ko ako lang pogi dito e." singit ni Paolo na mas lalo nila ikinatawa, “Ang kakapal ng mukha niyo! Sa ilong palang wala na kayo panama kay Henry!” natatawang sabi ni Roly at nag ‘fist bomb’ pa sila ni Henry. “Sus! Ilong lang naman ang nilamang ni Henry sa akin.” hindi pagsang-ayon kunwari ni Dino ngunit tumatawa, “Hay nako! Bahala na kayo jan mag away-away, pare-pareho naman kayong mga unggoy! Tutulugan ko na lang kayo.” singit na pang-aasar ni Iska sabay tayo paakyat sa kanyang silid, nag tawanan na lamang ang mga ito sa sinabi niya.