Khieth POV, Unti-unting lumapit sa akin si Four at sinampal ako. Tama kayo ng nabasa sinampal niya ako at ang sakit nakita ko naman na napatawa sina Ace at ang kambal niya. "Alam mo ang tanga mo! Sa tingin mo magmamahal ako ng isang tao! Ang mga tao para sa akin ay pagkain! Dinala kita dito kasi may pakinabang ka, naalala mo pa ba noong pinuntahan kita sa bahay niyo! Papatayin sana kita e kaso narinig ko na mahal mo pala ako. At bakit hindi nalang kita gamitin!" Sabi niya sa akin, habang hawak ang panga ko. Shit! Ang sakit pala kapag kay Four na mismo nanggaling. "Ito ang tatandaan mo Khieth.Hindi kita MINAHAL! Basura kalang sa akin at sa tingin mo MAMAHALIN KITA! Mangarap ka ng gising!" Sigaw niya. "Siguro naman maniniwala kana!" Sabi niya at sinampal ako ulit. Shit Four, sana panag

