Hawak-hawak niya ito sa kamay pilit na inaalis ang kamay nitong mariing nakasabunot sa buhok niya. Puro gasgas na rin siya dahil sa paghila nito sa kanya, pero hindi na niya iyon alintana. Pero iyong sa buhok niya, nais niyang bitiwan nito dahil napakasakit niyon, halos magkaihi na siya sa sobrang sakit ng anit niya. "Bitiwan mo na ang buhok Cardo... parang awa mo na, sobrang sakitttt... ahhhh.... pleaseee... " palahaw pa rin niya habang pilit na inaalis ang kamay nito. "Dapat sa iyong p*tangina ka pinaparusahan! Hindi ko alam kung sino-sino pang mga lalaki ang kinakalantari mo para lamang mapapayag sila na bugbugin ako tang ina mo! Pati ako tatarantaduhin mo pa g*go ka bobo! Boba ka sa pinaka boba, akala mo hindi ko malalaman ang mga pinaggagawa mo!" Galit na galit pa ring sigaw n

