1

1180 Words
Cherophobia is a phobia where a person has an irrational aversion to being happy. It is a fear of happiness. ** "Kheira! Pumunta ka na sa school!" sigaw ni tita "Ayoko pumunta ng school!" sigaw ko habang sinisiksik ang sarili ko sa sulok ng kama. Narinig ko ang ingay ng paa ni tita, mukang papalapit na siya. Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.. "Anong sabi mo?! Hindi ka na naman papasok? Ano ka ba nman Kheira! Hindi ka ba napapagod? Araw araw ganito nalang ang eksena tuwing umaga! Malaki ka na hindi kana bata!" lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso pero nagpupumiglas ako "Wag ka na ngang mag inarte dyan! Maligo kana! Pag hindi ka pa naligo dyan, ako mismo ang kakaladkad sayo!" pagkatapos non ay binagsak niya ang pinto. Bakit nga ba ako ganito, ayaw pumasok, ayaw sumunod. Gusto kong pumunta sa ibat ibang lugar pero, hindi ko kakayanin dahil kahit saang sulok ako tumingin. Ngiti ng mga tao ang nakikita ko. Tumayo na ako at naligo. Nung natapos nakong maligo nagpaalam na ako at dumiretso sa school. Tuwing naglalakad ako papasok ng school, lagi akong nakayuko kapag naglalakad. Natatakpan ng mahaba kong buhok ang mukha ko. Ayoko kasi makakita ng mga taong nakangiti, nagtatawanan, mga masasaya. Wala akong kaibigan, dahil tingin nila sakin weird o baliw. "Oops Sorry!" bigla akong natumba nang may bumangga saking babae, napatingin ako sa uniform kong nabasa. "Hindi kita napansin eh, haha let's go girls!" umalis sila ng tumatawa, andito na nman ang pakiramdam na sobrang takot kapag naririnig ko ang mga tawa nila. Bigla akong nanginig, at pilit na tinatakpan ang tenga ko. Muntik na akong mapasigaw ng may naramdaman kong may lumapit at humawak sakin na.. isang lalaki? "Relax lang miss. Okay ka lang?" inangat ko ang ulo ko para maaninag ko ang mukha ng lalaki. Tumayo ako at pinagpag yung damit ko. "Ako nga pala si Brent." inabot niya ang kamay niya dahilan para bigla akong mapaatras nang ngumiti siya. Puno ng takot akong tumakbo palayo, ang mga ngiti niya parang isang bangungot para sakin yun. "Miss wait lang! Nahulog mo! Miss!" sigaw pa niya pero hindi ko siya pinansin at tumakbo lang ako ng tumakbo, hanggang sa nakarating ako sa isang tagong lugar sa school namin. Niyakap ko ang mga tuhod ko, nanginginig parin ako. Nang medyo kumalma nako dapat ay aalis nako, nang mapansin kong wala ang kwintas ko. Importante yon, bigay yun ng ate ko bago siya mamatay. Iyon ang nagpapalakas ng loob ko, kapag naghihina ako. Bumalik ako sa mga dinaanan ko kanina, napansin kong medyo gumagabi na kaya pala wala ng estudyante. Anim na oras pala akong umupo doon, nahihirapan nakong hanapin ung kwintas ko dahil medyo dumidilim na. "Pre next time ah! Ulitin natin yun ah!" "Oo nga pre, minsan ung teacher naman alukin naten" "Pre kanina, yung korte ng katawan grabe! Pang model!" "Basta bukas ah!" "Oo ba hahaha" napaangat ang ulo ko sa mga lalaking nagsalita. Ang mga tawa nila.. Nanginginig na naman ako sa mga naririnig ko. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Tinakpan ko ang tenga ko para wala akong marinig. Lumakad ako paatras, pero sa di sinasadya, nasagi ko ang isang vase. "Pre! May tao yata! Tingnan mo nga!" narinig ko na papalapit na ang lalaki. Unti unti akong umatras. "Pre! May babae dito!" sigaw niya, na agad namang nagsilapitan ang mga iba niyang kasama. "Woah! Pre chicx!" "Witwiw! Mukang makakascore na naman tayo nito!" "Oy teka! Ako ang nakakita ako dapat ang mauna!" "Pre share share!" yumuko ako at tinakpan ang mga tenga ko, pero hindi maalis sa isip ko ang mga ngiti nila, nkakakilabot. "Lumayo kayo sakin!" paatras ako ng paatras hanggang sa may naramdaman akong tao sa likod ko. Niyakap niya ako, mas lalo akong kinabahan at halo manginig. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" bulong niya sa tenga ko, pamilyar ang boses niya. "Woy! Brent! Kami ang nauna, mamaya kana!" sigaw ng isa sa mga lalaki. Ayokong tumingin sa kanila. Ayokong makita ang mga ngiti nila. Pilit kong kumawala sa lalaking nkayakap sa likod ko pero ayaw niya akong pakawalan. "Mga gago! Girlfriend ko tong pinapatos niyo!" nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. G-girlfriend? Bakit niya sinabi yun? "Tss. Ganon ba? Pahiram muna! Mukha kasing mag eenjoy kami sa kanya eh!" ngumiti siya ng nakakaloko at akmang lalapit samin nang bigla akong bitawan ng lalaking nasa likod ko at sinugod ang lalaking nagsalita kanina. "Eh tarantado ka pala talaga!" Sinipa niya ang lalaki, pero hinawakan siya ng limang lalaki. Tinulak niya ang mga ito palayo at isa isang nilabanan, minsan nasisipa at nasasapak siya pero hndi siya agad sumusuko at laging lumalaban. Medyo madilim kaya hanggang ngayon hindi ko parin maaninag ang mukha ng lalaking nagtatanggol sakin. "Wag na wag niyo na siyang papakialaman kung hindi, mas malala pa dyan ang aabutin niyo" galit na sabi niya at agad namang nagsialisan yung mga lalaki. Bugbog sarado ang mga ito. Magaling siyang makipaglaban. Lumapit siya saken at tinanong ako "Relax lang miss. Ayos ka lang?" kilala ko ang boses nayun, siya ang nakabangga ko kanina. Nang tumapat siya sa ilaw ay nakita ko na ang mukha niya, matangkad siya, matangos ang ilong may malamlam na mata at mapupulang labi. Pero natigil ako nang makitang may mga pasa siya sa mukha. "Oy miss okay ka lang? Magsalita ka naman!" "Oo okay lang ako, salamat sayo." mahinang sabi ko, sapat na para marinig niya "G-Gagamutin ko ang sugat mo, kung okay lang." "Nagsasalita ka naman pala eh! Pero anong sabi mo? Gagamutin mo yung sugat ko?" tumango ako at bigla niya akong inakbayan, na ikinagulat ko. "A-ano bang ginagawa mo?" "Inaakbayan ka! Tara sa clinic, gamutin mo sugat ko. Ang sakit eh!" hinila niya ako papuntang clinic. Ngayon lang ako nagkaroon ng ibang kausap bukod sa pamilya ko, ngayon lang din may nagligtas sakin sa kapahamakan sa buong buhay ko. Dapat ko na ba siyang maging kaibigan? Nang makarating kaming clinic, agad akong kumuha ng yelo at inilagay sa sugat niya, napuruhan ang bandang mata niya. "Aw! Aw! A-aray! Teka dahan dahan naman!" napansin kong malapit na pala ang mukha namin sa isat isa. "Ang diin mo maglagay eh, dahan dahan lang" yumuko ako at umiwas ng tingin. "S-sorry hindi ko alam." bigla siyang yumuko para tapatan ang mukha ko, kaya medyo nagulat ako "Miss, namumula ka!" sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin "Ahaha okay lang naman mag blush ka, basta ba ako ang dahilan niyan" ngumiti siya sabay kindat, napaiwas tuloy ako ng tingin dahil nagsisimula na naman akong manginig. "Transferee pala ako dito last week lang at yung mga lalaki kanina. Kalaban ko na yung mga yon." paliwanag niya pa pero hindi ko pinansin dahil kinakabahan na ako. "Oh okay ka lng?" hinawakan niya yung noo ko pero umiwas ako. "Wag! Aalis na ako" tumayo na ako pero pinigilan niya yung braso ko. "Bakit aalis kana agad? Ni hindi ko pa nga nalalaman yung pangalan mo, kaibigan na kita kaya dapat alam ko pangalan mo." "Pasensya na pero gabi na" "Teka! Yung kwintas mo!" lumapit siya sakin at inabot ang kwintas na kanina ko pa hinahanap. Hinablot ko kaagad ito. "Nahulog mo kase kanina sa daan." "Ah. S-Sige salamat." mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. Hanggang paguwi ko, hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyari, ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganto. Kakaibang kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD