Lost Stars

1589 Words
"God, give us the reason youth is wasted on the young It's hunting season And this lamb is on the run Searching for meaning But are we all lost stars,   Trying to light up the dark?  I thought I saw you out there crying I thought I heard you call my name I thought I heard you out there crying  But are we all lost stars,  trying to light up the dark? But are we all lost stars,  trying to light up the dark?"   OLIVER'S POV Wednesday afternoon nang maisipan kong umuwi ng maaga. Tutal naman pasara na ang shop at kaya na ng mga staff ko kung sakaling may humabol pa na customer. Hindi naman ako laging tumutulong sa pag-aayos ng mga dumarating na sasakyan pero mas gusto ko pa din na nasa shop ako palagi para kung may aberya ay makakaaksyon ako kaagad. Naisipan kong dumaan muna sa convenience store para bumili ng beer. Mag-iinom na lang ako mag-isa. Pampaantok lang. Makabili na din ng fried chicken na pampulutan. Nasa cashier na ako nang mabangga ako ng isang babae na tila hindi ako napansin habang kumukuha din ng ilang snacks sa counter.  "Oopps sorry!" Saad nito na hindi man lang ako tiningnan. Teka— "Mikee?" tawag ko sa kanya nang makilala ko na s’ya pala yun. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Isang linggo pa lang ang nakakalipas nang magkita kami sa UP kasama ang barkada.   "Oliver? Ikaw pala yan! Nice to see you again!" Nakangiting wika nito.  "Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. "Of course, namimili ka" sabay bawi ko na obviously may binibili din s’ya kaya nandito sya sa convenience store. "What I mean is anong ginagawa mo dito sa area na ‘to?" Tanong ko ulet. "Hindi naman malayo ‘to sa’kin. Kamuning lang naman ‘to. May dinaanan kasi ako na client malapit dito pero paalis na din ako." Sagot naman niya. Sabay kaming lumabas sa store nang magpaalam s’ya sa’kin. Nakasakay na s’ya sa kanyang kotse nang bigla siyang bumusina at ibinaba ang bintana ng sasakyan. "Wala kang dalang kotse?" tanong niya nang marahil ay mapansing kanina pa ako naghihintay ng taxi. "Ah iniwan ko muna sa shop. May kakaibang tunog kasi ‘yung makina kaya aayusin ko muna. Mag taxi na lang muna ako." Sagot ko. "San ka ba?" Balik na tanong nya. " Sa MPlace Timog." "Sige, hatid na kita. May daan naman ako dun." Anyaya niya. Hindi na ako tumanggi. Bukod sa libreng sakay e makakasama ko pa s’ya kahit sandali lang. Ewan ko pero curious ako sa kanya. Bukod sa physical appearance at pananamit e may nagbago din sa kilos n’ya at pagsasalita. Ibang iba sa dating Mikee na kaklase ko noon. "Thank you ha!" Pasasalamat ko sa kanya bago ko bumaba ng kotse. Mabilis lang ang byahe. parang ten minutes lang dahil malapit lang naman ang Kamuning sa Timog. Ni hindi nga kami nakapagkwentuhan. Tinanong ko lang s’ya kung pupunta sya sa kasal ni Mimi. “Yeah. Nakakahiya kasi dahil personal nya kong in-invite. Medyo nahiya din ako kasi baka napilitan lang siyang imbitahan ako kasi nagkataon na nagkita tayo." Sagot nya. " Hindi naman. Close naman kayo nung college di’’ba?" Pagkumbinsi ko sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nya sa’kin. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse para sana bumaba nang bigla s’yang magsalita. "May gagawin ka ba ngayon?" "Wala naman. Bakit?" naninimbang na tanong ko. Wala naman talaga akong gagawin. Kaya nga ko bumili ng beer para magpaantok dahil matutulog lang ako. "Gusto mo kong samahan? Joy ride lang sa malapit." Tanong nya. "Sige ba!" Agad na sagot ko.  Madilim na ng makarating kame sa Antipolo. Pumarada lang kami sa isang bakanteng space na kita mo ang city mula sa overlooking site nito. "Madalas akong pumunta dito para magrelax." Biglang kwento nya habang nakaupo kami sa bumper ng sasakyan nya. "Sa bagay. Nakakarelax nga naman tingnan yung mga stars. Ang gaganda oh. Sa city kasi hindi natin kita ‘yan sa dami ng buildings at kapal ng usok. " Sagot ko naman. "Tss! I came here for that." saad nya sabay turo sa babang siyudad na puno ng mga mumunting ilaw. “Citylights”. "Ganon? Bakit, hindi ka ba nagagandahan sa stars? Yung mga ‘yan natural light." Nagtatakang tanong ko. Ngayon lang ako nakakilala ng taong mas gusto pa artificial na liwanag kesa sa natural na liwanag na binibigay ng mga bituin "Nagagandahan.”She sounds so bored.  “Makes it more annoying." She said with a smirk. "Annoying?" I asked in confusion. Kelan pa nagging annoying ang mga bituin?  "Yes. Annoying. Imagine ang ganda nila at lahat tinitingala sila. The more you look at them, the brighter they shine. Telling you how pathetic you are because no matter how hard you try, all you can do is watch them up high. Habang ikaw, maiiwan ka lang dito ma-isa sa baba." she said with sadness in her eyes sabay inom ng beer in can na binili ko sa convenience store kanina. Ang haba at ang lalim ng sinabi nya.  Parang kung ako nagsabi ‘nun hihingalin ako. "Nung bata ako, sabi sa’kin ng lolo ko that each star is the soul of our loved ones. Kaya kahit hindi natin sila kasama nakikita pa din nila tayo from afar. Kaya pwede natin silang kausapin kasi maririnig nila tayo." Paliwanag ko sabay inom na din sa hawak kong beer. "Naniniwala ka dun?" Bumaling siya ng tingin sa akin at mapanghusgang ngumisi. "Syempre hindi! Ano ‘ko, bata? Hahahhaha! Pero, minsan hindi naman masamang subukan. Hindi dahil sa naniniwala ka. But you do that to release your thoughts and your pain. Siguro pagtatawanan mo ko--pero pagkaminsan, kinakausap ko ang stars na parang kausap ko si Jenna." Malungkot na saad ko. Oo, minsan kinakausap ko ang bituin kapag namimiss ko si Jenna.  "Jenna? Yung asawa mo?" Nagtatakang tanong nya. "Oo. She died 2 years ago. Accident sa New Zealand." Hanggang ngayon ay nagdadala pa din ng kalungkutan sa akin ang pagkawala niya Sandaling tumahimik si Mikee na tila nagulat sa sinabi ko. "Ano namang sinasabi mo sa kanya? I mean..kapag kinakausap mo yung stars?" Pagbasag nya sa katahimikan namin. "That I miss her. But I will be okay. Because I know that's what she wants for me. " Sagot ko habang nakatingin sa kalangitan. "Try mo dali! Isipin mo yung mahal mo sa buhay na malayo na sa’yo. Tapos sabihin mo kung anong nararamdaman mo. Childish na pero nakakagaan kaya ng pakiramdam." Pang-engganyo ko sa kanya. "Tsss..ayoko nga!" Tanggi nya na natatawa. "Go on! Try it! Nakakabawas kaya ng bigat. Trust me! Promis, I wont’t laugh. Dali! Tayong dalawa lang dito oh!" I encouraged her. Tiningnan n’ya lang ako na parang naninimbang at bumaling ang mata sa langit. Maya-maya at nagsalita s’ya. "Crazy! Do you even have to go up there just to show your glitter?!”” I was stunned by the emotions I saw in her eyes.   “You can still shine brightly down here! B-by my side..."  She said. I saw a small tear in her eyes that she immediately wiped. Maybe she didn’t want me to see how vulnerable she can be. Mahina siyang napabuga ng hangin upang alisin ang namimintong pagbagsak pa ng mga luha sa mata niya. I wanted to ask her why but I thought she didn’t want to talk about it. Biglang n’yang iniba ang topic sa pagtatanong ng mga pinagkaabalahan ko itong mga nakalipas na taon. Magiliw kong sinasagot lang ang mga tanong nya. Pero batid kong may iniiwasan si Mikee na mapag-usapan kaya hindi ko na inusisa ang inakto niya kanina. Naubos na namin ang apat na lata ng beer. Napatingin ako sa relo ko. "Alas Diyes na pala.   “Alam mo, nag-ennjoy talaga ako ngayon sa lakad natin. Pero hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay gusto ko pang matagal s’yang makakwentuhan at makasama. Pero naisip ko na sa oras na ito ay dapat kasama n’ya ang asawa at anak nya. Marahil ay hinihintay na s’ya ng mga ito.  "No one’s waiting for me at home.” Seryosong sagot niya. “But you’re right. It’s getting late. May pasok pa bukas. Let’s go?" Pilit na ngiti ang nakita ko sa kanya. Hindi ko na tinanong kung anong ibig sabihin na naman ng sinabi nya. Marahil ay wala sa bahay ngayon ang pamilya nya. Malay mo nasa bakasyon or nasa in laws nya. Uso naman ‘yun di ba? Lalo na at school break ngayon. Kahit ako nung bata ako ay nagpupunta ako sa bahay ng mga lolo't lola ko sa probinsya para magbakasyon. Hinatid pa din ako ni Mikee sa condo. Nag-insist ako na huwag na at magta-taxi na lang ako mula sa kung saan nya ako pwedeng ibaba. Pero nagpumilit s’ya dahil gabi na raw. " Hay nako Oliver wag ka ng magpabebe." Tukso nya sa akin na natatawa dahil sa pagtanggi ko na ihatid n’ya ako. Inabot din ng halos isa’t kalahating oras ang biyahe namin pababa ng QC dahil sa sobrang traffic. Wala kaming ibang pinagkwentuhan kundi travels at work related. Gusto ko sanang usisain pa sya tungkol sa buhay pamilya nya pero parang may barang pumipigil sa akin sa pagtatanong ng tungkol doon. "Thank you ha!" Sabi ko bago ko isara ang pinto ng kanyang kotse  She just tilted her head and gave me a full smile before driving her car away from the building of my condo.    CREDITS: Song: Lost Stars by Adam Levine DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD