Jake's POV Lumipas pa ang mga araw at buwan, naging mas malapit kami ni Mikee sa isa't isa. Bagaman alam kong hindi pa din nawawala sa isip niya si Oliver, nananatili pa din akong naghihintay sa kanya. Hindi man namin napag-uusapan dahil ayokong madaliin siya o baka umiwas na naman siya sa akin kapag nagtapat ako ulit ng wala pa sa panahon, ay pinaparamdam ko sa kanya araw-araw na lagi akong nandirito para sa kanya. I asked her out pero ang sabi niya ay magge-general cleaning siya ng bahay sa weekend kaya nagdecide akong tulungan na lang siya. Tumaas pa ang kilay nya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Madalas niya akong ma real talk sa tuwing nagge-gatecrash ako sa bahay niya. "Nandito ka na naman?" Tanong nito bago nilawakan ang bukas ng pinto. "Bakit, nagsasawa ka na ba sa gwapo kon

