“There is no really such thing as happy ending. The writer just chose to end the story in a part where all the characters deserve to be happy.” Five Years Later *** “Dad, mom needs you at the living room,” tawag ni Liam sa ama pagpasok ng study room. Nakaharap si Vaughn sa laptop at nagche-check ng stock market updates. “Why?” tanong nito sa anak. “Vander is throwing tantrums again.” Tipid nitong sagot bago tumalikod. Sumunod naman si Vaughn sa anak. He smiled when he saw his wife at the living room. Mukhang pinapagalitan nito sina Vander at Leandrei. Sabay na namang nagsasalita ang dalawa. Si Vance naman ay nakaupo sa single couch at parang matandang nagbubuklat ng magazine. “Love, ikaw nga kumausap dito sa anak mo,” saad ni Lianna nang makalapit ang asawa. Bakas sa mu

