CHAPTER 1

2727 Words
SAKURANA DAHAN-DAHAN kong nginunguya ang aking kinakain habang pinapakinggan ang samo’t-saring sosyal na mga boses. Umuugong ang mga ‘yon sa buong dining room. Kanina pa naiirita ang mga tainga ko sa kanila but I have to bear with it. This is my last meal with them anyway. We were having a boring family dinner with my grandfather, grandmother, dalawa kong uncle at isa kong tita. Narito rin ang mga anak nilang kanina pa ako binubwisit. Nasa magkabilang gilid ko lang naka-upo ang Papa at Mama ko. Pumapagitna ako sa kanilang dalawa habang nasa harapan naman namin naka-upo ang mga taong binanggit ko ngayon lang. I have a bad feeling about this. Mukhang nararamdaman kong may mangyayaring hindi kaaya-aya mamaya. Kaharap ko kasi ang mga taong kayang painitin ang ulo ko. I hope, makakapagtimpi ako hanggang sa matapos ang dinner na ‘to. “Congratulations my dear, Ginger! We are so proud of you!” pasigaw na saad ni Tita Gillian. Halatang pinagmamalaki n’ya ang anak n’yang si Ginger dahil isa s’ya sa mga naging cumlaude ng university na pinapasukan namin. “Can you believe it? Even though may distractions ka sa pagaaral, naging cumlaude ka pa rin, dear! Hindi katulad ng iba riyan, my gosh… sakit sa ulo.” I almost smirked. Mukhang ako ang tinutukoy ni Tita Gillian and yes, kaka-graduate lang namin sa college. Kaninang umaga lang naganap ang graduation ceremony. Batchelor in fashion design ang kinuha namin ni Ginger. Pero balita ko, kaya n’ya kinuha ang kursong ‘yon para makipagkompetens’ya sa ‘kin at may narinig din akong chismis na pinilit s’ya ni Tita Gillian. Para ipamukha siguro sa ‘min na mas matalino ang anak n’ya. Totoo naman. No violent reactions. Hindi naman ako insecure sa kan’ya. “I am sure, magiging cumlaude rin ang anak kong si Gretta.” Hindi rin nagpatalo si Tito Gaven. Nasa third year college pa lang ang pinsan ko. Katabi n’ya rin sa upuan. “Baka nga malalampasan n’ya pa si Gunder!” He was talking about my male cousin. He is the son of Tito Gideore. The eldest. Pero wala rito si Gunder. Hindi s'ya sumama. May ideya ako kung bakit. He doesn’t like to hear these braggings about academic awards whatsoever. They were doing that… maybe to impress our grandparents or, gusto lang talaga nila ipagmayabang sa harapan namin nina papa at mama na hindi ko narating ang level ng mga anak nila. Wala namang problema ro’n dahil totoo naman. Panganay si Tito Gideore sa limang magkakapatid. Pangalawanag anak si Tita Gillian, then Tito Gaven, sunod ang one and only favorite uncle ko na si Tito Gideo at nakababatang kapatid naman si Papa. By the way, wala si Tito Gideo rito. Lagi naman s’yang wala dahil sa Demorgon’s village na s’ya nakatira. He was just visiting us more often. “Anak, gusto mo pa ba?” Napa-titig ako sa left side ko. Nag-salita si Papa. Inangat ko s’ya ng tingin. He was smiling at me while offering a bowl of vegetable salad. “Opo, ‘pa,” magalang kong tugon. Mabilis na sinalinan ni Papa ang plato ko ng salad na iyon. Nagpatuloy ang uncessesarry chatting nilang lahat. Hindi lang pala ako ‘yong tahimik. Si papa rin pala at si mama. “Gideon. Hindi mo ba pipigilan ang anak mong ‘yan?” Biglang tumahimik ang buong dining room na’ng umugong na ang malalim at striktong boses ng lolo ko. Napansin kong napa-titig sa kan’ya si papa. “Maganda ang kursong kinuha ng anak mo tapos, babagsak lang pala s’ya sa walang kuwentang trabaho? A mere soldier in a black puma organization? She could have been a fashion designer if she wants to! And that job is dangerous!” Narinig ko ang nanginginsultong hagikhik galing sa mga pinsan kong babae at sumabay si Tita. Pinipigilan ding matawa ang dalawa kong tito. I secretly gritted my teeth and clenched my fists. Parang mapuputol ko ang kubyertos na kapit-kapit ng mga kamay ko. He has the audacity para ila-lang ang pagiging soldier? Like... What the hell? Hindi ba't naging soldier din si Tito Gideo noon at s'ya ang dahilan kung bakit sila naging mayaman? This is one of the reasons why I wanted to become a soldier. Para hindi ko na makita ang pagmumukha ng mga ‘to. They are so f*****g toxic as hell. Ganito ang pakikitungo nila sa ‘min dahil anak sa labas si papa. Itong panot kong lolong naka-upo sa aming harapan, he is a womanizer back then. Si papa ang bunga ng kalandian n’ya. Ang lantod n’ya. May asawa na pero nag-hanap pa ng panibagong butas. Hanggang ngayon, my father’s existence is controversial. It’s so obvious that they hate us. Dapat si lolo ang kamuhian nila dahil ang landi n’ya noon. Ever since my father’s childhood, nakaranas s’ya ng discrimination. Pinagtutulungan s’ya nitong tita at mga tito ko. Kahit nga mismo ‘tong lolo ko. Understandable pa siguro ang lola ko dahil nga hindi n’ya tunay na anak si Papa. Si Tito Gideo lang talaga ang nagmamahal at nagmamalasakit sa papa ko. Nakisabay din itong mga pinsan ko. They have been bullying me. Pinagtutulungan nila ako noon. Silang tatlo. Gunder, Ginger at Gretta. Pero nu’ng tumungtong na si Gunder sa high school, bumait na s’ya sa ‘kin. Hindi na s’ya immature kagaya ng mga pangit na pinsan kong naka-titig sa ‘kin ngayon. Well, ang harsh naman na sinabihan ko silang pangit. They are pretty but they are not beautiful as me. I am just being honest here. Thank goodness, my grandmother is Japanese at mas maganda pa ang napangasawa ng papa ko kaya tuloy nag halo-halo ang genes at nabuo itong kagandahan ko. Not to brag but, ako ang pinakamaganda sa kanila. Kaya sila naiinggit sa ‘kin dahil unique ang beauty ko. Mamatay sila sa inggit. “I will support my daughter. Nasa tamang edad na s’ya para gumawa ng sarili n’yang desisyon—“ “She is still young. A lady like her, matutong makiayon kung ano ang dapat na trabaho para sa kan’ya! Sinayang lang ang malaking nagastos sa kan’yang pagaaral!” I bit my lower lip. Sinasabi na nga bang may ganitong scenario ulit kaming mararanasan. Nagsisimula na’ng kumulo ang dugo ko but I promised my dad that I should shut my mouth here. Kahinaan ko pa naman ‘yan lalo na’t walang kabuluhan ang lumalabas sa bibig ng matandang panot na ‘to. “Look at your niece, Gideon. She is a cumlaude! But your daughter…” Napansin kong saglit akong tinitigan ng lolo ko pero nanatili akong naka-titig sa plato ko. “She’s not even an honor student. Ang bababa ng kan’yang mga grado! She is a disgrace to our family!” “Papa, please don’t say that in front of my family,” mahinahong usal ng papa ko habang nagtitimpi ako rito sa isang tabi. “We are not pressuring our daughter just to get high grades. Kontento kami sa kung ano ang nakaya ng anak namin ni Rana,” magalang na paliwanag n’ya pa. “Sinawalang bahala n'ya ang kan'yang pagaaral dahil walang ginawa ang anak n’yong ‘yan kundi, mag-training! Just look at her right now, she doesn’t look feminine anymore! She had muscles on her arms!” May abs pa nga ako. Hindi naman ganoon kalaki ang mga maskulo ko. Sakto lang. Kontrolado ko naman ang pag-ihersisyo ko. Kaya dahil halos puro dos ang grades ko sa lahat ng subjects every year, I have been so busy with my training. Nag-w-work out ako, nagaaral about sa mga baril, bombs, at mga patalim. Iyon ang mas importante sa ‘kin. Naka-focus ako sa future work ko. Isang soldier ng Black Puma Organization. Isn’t it cool? But huwag kayong maniwala sa lolo ko. Si papa at mama ang naka-aalam na hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral. Kahit halos dos lang ang grades ko, ni isang subject wala akong bagsak dahil hindi naman ako bobo. I was just busy with my career. My grandfather talking nonsense para mapa-hiya kami dahil nga hindi ako honor student kagaya ng mga pinsan ko. “Like father, like daughter. Ganito ka rin noon, Gideon. You are not interested in your studies and you keep dreaming to become a soldier like Gideo. Pathetic,” singit naman ni Tita Gillian. “Kahit sabihin na nating nandoon si Gideo sa village na iyon, masisigurado mo ba ang buhay ng iyong anak?!” Tumaas na ang boses ng lolo ko. Baka naiinggit lang 'to dahil may chance na mas mapayaman ko pa ang pamilya ko dahil sa trabahong papasukan ko. “Baka hindi s’ya magtatagal ng isang araw doon at mahuhuli na s’ya—“ “Hindi naman ikaw ‘yong mamamatay kung sakali.” Nanigas silang lahat sa kani-kanilang kinauupuan dahil kusang bumuka na ang bibig ko. Hindi ko alam kung sinadya ko ba ‘yon o ano. Pakiramdam ko, biglang pumasok ang banayad na hangin galing sa nagyeyelong bundok. The atmosphere became chilling. Hindi na nagulat ang tita at mga tito ko dahil sumasagot-sagot naman talaga ako minsan kapag tinopak ako. The coldness of my voice, the arrogant and aloof expression on my face. Nababahala pa rin sila sa 'kin. Alam nilang lahat na palaban ako. Nagsalpukan ang mga kilay ng lolo at lola ko. “Sakura,” bulong sa ‘kin ng papa ko pero hindi ko s’ya binigyan ng pansin dahil hinahamon ako ng panot na ‘to. Kung alam n’yo lang ang pinagdaanan namin sa pamilya nila. Hindi ko mawari. Hindi ko ma-explain kung gaano sila ka-toxic. They are so traumatic. Wala akong pakealam kung mas nakakatanda sila sa ‘kin. “Oh, how rude of me...” I chuckled. “Pardon my intrusion pero… Wala kayong pakealam kung gusto kong maging soldier and look who’s talking…” Sinentro ko ang aking mga mata sa lolo kong parang hahatawin n’ya ako ng baston n’ya sa ano mang oras. Naka-lapag lang ang mahaba n’yang baston sa ibabaw ng dining table. “Bakit mo sinusumbatan ang papa ko about sa perang ginastos sa pagaaral ko? Even one penny, wala kang naiambag.” Sinalin ko ang aking atens’yon kay Ginger. She was staring at me. Her eyes were filled with disgust. “Congratulations, Ginger.” Kinurbahan ko s’ya ng mga labi. “Despite of pressure, stress, and family problems you have been through, naabot mo pa rin ang pangarap mo. I envy you but I am not that jealous.” Tumawa s’ya ng pagak. “Are you quite sure na hindi—“ “Humahanga ako sa iyo.” Binitawan ko ang kubyertos at sumandal sa sandalan ng modern dining chair. “Hindi ko kasi kakayanin na… pagsabayin ang pagaaral at personal problems. Kahit laging nagaaway ang parents mo about sa pangangaliwa ng Daddy mo… you remained top of our class pa rin.” “You son of a!” Tita Gillian slammed the table. Napa-tayo pa s’ya at umuusok kaagad ang ilong habang naka-titig sa ‘kin. “NAPAKA-BASTOS MO TALAGA!” she shouted from the top of her lungs. I smirked. “Huwag mag hugas-kamay, tita. Pareho lang naman tayong bastos.” I let out a demonic chuckle. Napa-bilis ang pag-hinga n’yang lumalabas lahat sa kan’yang bunganga. “Gan’yan mag-palaki ng anak si Gideon. Sakuranna is a shameless brat,” kalmadong saad naman ni Tito Gideore. “She is a spoiled brat so, ‘wag ka na mag-taka. Kahihiyan sila sa pamilya natin,” rinig kong usal ni Tito Gaven na parang makapagsalita, hindi iyon naririnig ng papa ko. Nagpaparinig na naman sila pero, sanay na kami. Those barbed words laced with animosity. Their tongues are like daggers. “Mas masahol pa nga ang ugali ng mga anak n’yo, tito. Lalo na si Gretta.” Tinutok kaagad sa ‘kin ni Tito Gaven ang kan’yang buong atens’yon. “Exempted na sa ‘kin si Gunder kahit papaano.” “What do you mean, Sakurana?” pormal na tanong ni Tito Gaven. “Pinagmamalaki n’yo sina Ginger at Gretta. Let’s say na matalino nga sila pero ang lalandi naman.” I laughed. “Sakura, tama na ‘yan…” Inaawat din ako ni Mama pero hindi pa ako tapos. Sila nag-simula at isa pa, hindi na mauulit ang family gathering na ‘to kaya lulubos-lubusin ko na para sulit naman ang punta ko sa mansion na ‘to. “Bawiin mo ang sinabi mo!” nanggagalaiting sambit sa ‘kin ni Ginger. Napa-titig ako sa kan’ya. “Why not kung totoo naman? Hindi ba’t inagaw mo sa ‘kin ang lalakeng gusto ko? I was sixteen years old at that time.” Binalingan ko naman ng tingin si Gretta. “And you, when I was 18, naalaman kong nakipagkantutan ka sa boyfriend ko—“ “SAKURANA!” Naputol ang pagsasalita ko na’ng umalingawngaw ang boses ng Lolo ko. Kalmado ko s’yang tinitigan kahit nilalabasan na s’ya ng usok sa dalawang butas ng kan’yang ilong at mga tainga. “H-How dare you say that vulgar words right in front of my salad?!” pasigaw na tugon ni Tito Gaven. “I don’t care. Nawalan na rin ako ng gana kanina pa at nagsasabi lang ako ng totoo. Lahat ng lalakeng nagpapapansin sa ‘kin, nilalandi ng mga anak n’yong ‘yan at balita ko…” Nginisihan ko si Gretta at Ginger. They are getting anxious base sa facial expressions na pinapakita nila sa ‘kin ngayon. Mukhang alam nilang may dilubyo akong sasabihin. “Ang alam ko, nakipag-s*x ‘yang mga anak n’yo sa professor nila para makakuha ng mataas na marka.” I giggled. Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Itinukod ko ang kaliwa kong siko sa armchair at nilapat ang kaliwa ko ring palad sa pisngi ko. “How… vile.” I let out a villainess laugh again. Nanigas sa kinauupuaan sina Gretta at Ginger. Napapatitig na lang sina Tita at mga tito ko sa kanilang dalawa na tila hindi maka-paniwala sa binanggit ko. Wala pa sa kalingkingan ko ang pagpapahiya at pagpapahirap nila sa pamilya ko. Itong mga pinsan ko rin ang dahilan kung bakit may trauma ako sa mga lalake. I learned from my mistakes but they left scars in my heart. Dalawang beses akong nabigo. Minsan lang ako ganito kaya sana, hindi ako pagalitan ng papa ko mamaya. “S-She’s lying! That b***h is lying!” Gretta shouted. “Right! W-Walang katotoohanan ang mga kasinungalian na ‘yan!” bulyaw naman sa ‘kin ni Ginger. Umangat ang gilid ng labi n’yo. “If I were you, stop provoking me. Baka mapilitan akong ilapag ang ibidens’ya. Gusto n’yo ba ‘yon?” malambing kong usal na ikinatahimik nila. They had to go through this spine-chilling ordeal para naman makaranas ulit sila ng kahihiyan. “Noon pa… I wanted to reveal the evidence of how slut and w***e they are but… I don’t want to disappoint their parents.” Sabay isa-isang binalingan ng tingin si Tita Gillian na parang walang planong umupo at si Tito Gaven na halos mababasag na ang wine glass na hawak-hawak ng kanan n’yang kamay. “Huwag n’yong ipagmayabang ang mga anak n’yong ‘yan sa harapan ko dahil nakakatawa at… nakakaawa. Siguro, namana nila ang kalandian sa iisang taong kilala ko. I don’t have to say his name dahil mas’yado namang halatang si Lolo ang tinutukoy ko. Isn’t funny? Kinakakahiya ang sariling anak na bunga ng kan’yang kalandian?” Lalo pang dumilim ang paligid. Parang may namuong makakapal na ulap. Handa na’ng pumakawala ng kulog at kidlat. The entire dining room was covered with thick negative energy and a rotten aura. Aminado naman talaga akong bastos ako, mas’yadong masakit mag-salita at pranka. Ganito ako sa mga taong ayaw ko. I grew into an audacious and dangerous lady. But, mabait naman ako sa harapan nina Mama at papa. Pati na rin sa ibang taong mabuti sa ‘kin. I am still sweet and a gentle girl. If you will treat me like trash, I will treat you like s**t. Nanggugulpi rin ako minsan. Depende sa mood ko. “Hindi ko na gustong marinig ang pangmamaliit n’yo. Tomorrow, I’ll become a soldier in a Mafia Organization. Kapag mabalitaan kong ginagago n’yo ang pamilya ko, always watch your back dahil baka may gigilit na lang sa leeg n’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD