Pagkakataon nga naman. Kapag nakatakda kang ma-missed ang isang tao, hindi mo talaga ito makikita kahit ano pang gawin mong paghahanap. Matapos makaalis ng sinasakyang police mobile ni Maimin ay siya namang dating ng kotseng sinasakyan nila Mori. Ilang minuto lang ang pagitan pero na-missed pa rin nila ang isa't-isa. Bangag na ang magkakaibigan, nakanganga na rin si Amber sa back seat at mahimbing na natutulog. Buti na lang lahat sila marunong mag drive kaya nagpapalitan sila sa pagmamaneho para makapagpahinga. Inabot na sila ng umaga pero hindi nila nakita ni anino ni Maimin. "Where should we go next?" wala nang energy si Jaden. Kaya niyang magpuyat but not staying up late driving around. "I don't know where we should go anymore." Nauubusan na rin ng pasensiya si Mori na siya ngay

